Chapter 1

0 0 0
                                    

Ang hirap maging laking probinsya. Pero sa kabila nito ang sarap ng paggawa ng alaala.

Bata pa lang ako ito na ang buhay na kinalakihan ko. Ang pagsasaka.

Hindi naman litiral na pagsasaka ang ginagawa ko. Ako ang tagapangasiwa ng ilang hektaryang lupain ng aking mga magulang. Ako ang namumuno at nagpapasweldo sa mga magsasaka.

Bata pa lang ako sinasama na ako ng tatay ko sa pagmamaniubra ng sakahan. Kilala niya lahat, at mataas din kung magpasweldo kaya naman magkakaibigan ang lahat, pantay pantay ba.

Si mama? Namatay siya isang buwan matapos nung isinilang ako dahil sa isang aksidente.

Kahit na ganun, tinangap ko at kinakausap ko pa rin siya sa pamamagitan ng larawan niya.

May bahay kami, kahit na may pera kaming pampagawa ng mansyon, pinanatili ng tatay ko na maayos at simple lang ang buhay naming mag-ama sa kadahilanan na ding iyon ang gusto ni mama.

Marunong ako halos lahat ng gawain dito sa bukid, alam ko kung ano ang hirap ng pagtatanim, kung ano ang mga proseso, ang pag-alaga ng hayop.

Bukod sa sakahan meroon din kaming farm ng mga manok at baboy. Kami ang isa sa pangunahing taga angkat ng mga ito sa probinsya namin at sa karatig probinsya at maynila.

Dahil sa business ng pamilya, tinuruan din ako ng tatay ko kung paano maghandle nito. Itinuro niya sa akin ang pinakamahalagang sangkap upang mapanatili ang maayos na negosyo.

Una, ang pakikisama at salamuha. Ito raw kasi ang magtuturo sayo ng dapat at hindi dapat gawin lalo na sa tauhan niya, sabi ni papa, mas mahalagang makisama kesa kumita dahil kung may pakikisama ka tiyak na pagdating ng problema may masasandalan ka.

Pangalawa, ang pakikipag-usap. Nadadaan raw ang lahat sa maayos na pakikipag-usap, mapa empleyado, kliyente at maging katunggali.

At ang huli, ang pagpapaikot ng pera. Hindi dapat maging gahol sa pera, dapat ay mahati sa sapat ang lahat. Huwag mong ibaba pang lalo ang nasa baba. Itaas mo sila kung may maitutulong ka pa.

Umihip ang malakas na simoy ng hangin sa aking mukha. Pinagmamasdan ang ektarya namin lupain kung saan masayang nagkwekwentuhan ang mga masasaka habang gumagawa ng gawain.

"Sir, pinapatawag po kayo ng tatay niyo."

Tumango ako sa isa mga bodyguard namin. Tumango na lang ako sa kanya at nagpaalam na siya na aalis na. Dala dala ang isang kabayo ay unti unting nawala sa paningin ko ang taong iyon, si kuya Bert.

Pahapon na din pala nang tingnan ko ang orasan ko.

Pinuntahan ko ang kabayo ko na kakatapos lang kumain ng damo damo sa paligid ng punong kinatatalian nito. Hinaplos ko ang mukha nito bago sumakay dito.

"Leon" tawag ko sa kabayo hanggang sa unti unti ko na itong pinatakbo.

Leon ang pangalan nito dahil sa kulay nitong parang leon. Wala naisip ko lang talaga iyo. Regalo sa akin ito ni papa nung akong tumungtong sa edad na 16.

May sasakyan naman kami, sadyang di ko lang trip pa minsan minsan ang pagsakay dito dahil hindi ko madama ang simoy ng hangin ng probinsya.

Nang makarating na sa bahay ay ipinasok ko na muna ang kabayo sa kanyang kwadra bago naglakad ng di kalayuan papunta ng bahay.

"Nak." Nagmano ako kay papa saktong pagkakita ko sa kanya.

"Kamusta ang meeting natin diyan?" Ngiti kong sabi sa kanya at sabay kaming sumalampak sa sala at binuksan ang tv kung saan basketball ang palabas.

"Ito tapos agad, sa sobrang gwapo ko napa oo ko agad." Kala mo talaga babae ang usapan namin. Ito ay ang isang kliyente na nag ooffer na kami ang kukuning supplier ng baboy at manok sa isang engradeng event na gaganapin sa karatid probinsya.

Moon RiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon