Chapter 2

0 0 0
                                    

Uwian na. Pinuntahan ko si Agape sa kanyang classroom dahil sa gala namin.

"Ayan na yung boyfriend ni Agape." Sabi ng ilan sa mga taong nadadaanan ko sa hallway.

Ang pagkakaintindi kasi nila sa samahan namin ay magkasintahan kami. May mga shipers pa nga silang ginawa.

Hindi na awkwars sa amin ni Agape yun dahil na rin nasanay na kami. Basta alam namin na walang namamamagitan sa isa't isa dahil pangako namin na habang buhay kaming magkaibigan. Dumating man ang taong para sa amin, we still be friends.

Na sa tapat na ako ng room niya nang may bumungong lalaki sa akin. May dala itong tsokolate. Sinalubong din nito ang paglabas ni Agape. Tinanggap naman niya. Tsk.

"Salamat." Namula naman ang tenga ng lalaki na halatang kinikilig. Bakla.

"So, sama ka na." May kasama siyang babae. Nakalagay sa uniform patch nito ang pangalang Olivia. May katangkaran,bilugan ang mukha, morena, may pagkakulot ang buhok nito, may katangusan ang ilong at malamlam ang mata.

Maganda siya, pero kung isang lalaki ang kikilatis, masasabi na mas lamang ng ganda si Agape ng kaunti kesa rito.

Matangkad si Agape, 5'7 ang hight nito, may kaputian, may matangos na ilong, hubog na hubog ang mukha dahil sa panga nito, may hiwa sa baba na dumagdag sa ganda nito, malalim ang mata nito na kahit natatakpan ng salamin ay kumikinang pa rin, paarko ang kilay.

Kaya hindi na nakakapagtaka na maraming nahuhumaling sa kanya.

Nang nakita niya ako ay tumakbo ito para tapikin ang braso ko.

"Olivia, si Zac nga pala boyfriend ko." Tawang pang-aasar nito. Nanlakihan naman ang mga mata ng mga nasa hallway dahil sa sinabi niya.

"De joke lang syempre. Ganda kong to? Papatol dyan?" Turo sa akin habang naka ngisi.

"Grabe ka ah. Hampas kaya kita sa muscle ko." Natawa naman ang dalawang babae sa harapan ko.

"Zacarias the sixth nga pala binibini." Pakilala ko kay Olivia at kinuha ang kamay nito para halikan.

"Yuck! Tigilan mo nga. Di bagay!" Nandidiring sabi ni Agape.

"Inggit ka lang." Natatawang sabi ko.

Tingnan ko si Olivia bago unti unting binalik ang kanyang kamay. Halata na namumula ang pisngi nito kahit morena siya.

Narinig ko naman ang tilian ng ibang babae sa kabilang room na nakasilip sa akin.

"Tara na nga." Sabi nito at sinimulang maglakad habang hinigit niya kaming dalawa ni Olivia sa magkabilang braso niya. Kala mo ang laking tao.

Binuksan niya ang tsokolate na binigay ng manliligaw niya at inalok kami.

Ang dami nang nabusted sa mga lalaking yun pero wala pa rin silang tigil sa panliligaw dito. Ito naman kung hindi iignorahin ay naiinis sa mga lalaki minsan, tibo talaga.

"So hindi ka talaga makakasama?" Malungkot na tanong ni Agape sa babaeng na sa tabi niya. Ngumiti ito at umiling.

"Sayang, libre pa naman ni Zacarias."

Ayaw niya talaga akong tawanging Zac, mas maganda daw kasi kapag buo, weird ng babaeng ito kahit kailan.

"Bye!" Magiliw na sabi nito ng nakasakay na si Olivia sa sasakyan pauwi.

Dumiretso kami sa parking lot, pero bago makarating duon ay hinarang kami ng panibagong lalaki.

Halata kong kinakabahan ito dahil sa nanginginig na kamay na itinago sa kanyang likod. Hindi rin ito makatingin ng maayos kay Agape.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Moon RiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon