KENJI'S POV
"Nayyyyyy!" tawag ko sa aking ina na nasa kusina. Lumabas si Nanay ng nakabestidang puti at nakangiti.
"Oh, andyan ka na pala. Tara na 'nak. Baka maiwanan pa tayo." nakangiting sabi ni Nanay.
Hinintay ko siyang makalapit sa tabi ko para magsabay kami sa paglalakad. Linggo ngayon at napagdesisyonan naming lumuwas para maghanap ng trabaho at makapagsimba na rin.
Isa akong iskolar noon nung elementarya pa lang ako at high scool sa isang kilalang unibersidad. Ang King Genji International School. Ipinangalan ang school sa Haring si Genji. Ang alam ko sa istorya niya ay isa siyang masipag, mabait at may mabuting pusong nilalang. Kinilala siya sa buong mundo dahil sa angking katangiang hinahangaan ng kahit na sinuman.
Ang kwento ay nagsimula raw ang pagiging Hari niya ng magbakasyon ang isang prinsesa sa lugar nila. Naghahanap siya ng may mabuting kaloobang ginoo para pakasalan. Ang prinsesa ay hindi matapobre. Hindi siya tumitingin sa estado ng isang tao. Hanggang sa mabalitaan daw ng Hari ang binatang nagngangalang Genji. Inimbitahan ito ng Hari upang kausapin at makilala na rin. Ayon sa mga taong nakasaksi, nakuha ni Genji ang loob ng Hari kaya siya ang itinalagang maging asawa ng anak nitong Prinsesa.
Ang Prinsesa ay nagngangalang Jurnee. Ang magandang Prinsesa na ipinakasal kay Genji at nanirahan sila sa palasyo malapit sa bansang Korea. At ayon din sa mga naririnig ko, ng panahong isisilang ng Reyna Jurnee ang kaisa-isang anak nila, nagkaroon ng paghihimagsik sa pagitan ng mga kawal at mga tauhan ng ibang kaharian. Kaya ng magkaroon ng malay ang Reyna, hindi niya alam kung nasaan ang kanyang anak. Kung ano ang kasarian nito.
Nag-aaral parin ako sa unibersidad na iyon sa kursong Engineering. At kung papalarin ay itutuloy ko ang pag-aaral sa ibang bansa para sa pagkakaroon ng advance na kaalaman ukol sa kursong nais ko. Huling taon ko na sa College kaya pinagbubutihan ko.
Mag-aaply ako ng trabaho, abroad para sa pinansiyal na problema at para narin makatulong kay Nanay at sa mga kapatid ko. Sa pagluwas namin sa Maynila, dumaan muna kami sa isang simbahan at doon nagdasal. Iginiya ko si Nanay sa upuan at pinaupo saka ako sumunod.
'Diyos naming makapangyarihan sa lahat, nais ko pong magpasalamat sa lahat ng araw na kami ay Iyong iniingatan. Mangyari po sanang ingatan Mo po ang aing kinabibilangang pamilya. Hinihiling ko rin po na sana ay magkaroon kami ng magandang buhay upang sa kinabukasan ng aming pamumuhay ay gumaan. Sana rin po ay gabayan Mo po kami sa lahat ng landas na aming tatahakin. Iiwas Mo sana kami sa lahat ng kapahamakan. Bigyan Mo po kami ng kaalaman at ng pagmamahal. Ako po ay dumadalangin sa pangalan ng Inyong Bugtong na Anak na si Hesus. Amen.'
Iminulat ko ang aking mga mata para pagmasdan ang ngiti ni Nanay. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang mga ngiti sa labi niya, dahil kahit na hirap kami sa buhay ay nakukuha niyang ngumiti sa lahat ng bagay.
"Nay,tara na po. Kumain po muna tayo, baka kayo ho ay gutom na." Nakangiting aya ko kay Nanay para magtanghalian pagkamulat ng mata niya.
"Oh sige, tara na nga't kumakalam na ang sikmura ko." Nakangiting aniya habang tumatayo mula sa pagkakaluhod.
Ang sabi sa'kin ni Nanay Lourdes, hindi niya raw ako tunay na anak. Dahil nung kasagsagan ng kabataan niya raw ay nakita niya ako sa isang simbahan na nakabalot sa telang malambot na kulay puti at may bahid pa ng dugo marahil daw ay sa kapapanganak ko pa lamang. Mala-ginto ang kulay ng buhok at maamo raw ang mukha ko ng makita niya akong natutulog. Iniuwi niya raw ako sa tinutuluyan niyang bahay at inalagaan nila ako ni Tatay Isaac at sila na ang nagtaguyod sa'kin hanggang sa kasalukuyan. Ang mala-ginto kong buhok ay hindi nila pinahahaluan ng ibang kulay dahil daw ito ang pinakagusto nila sa akin. Sa kabila ng nalaman kong iyon noon, hindi ako nagtanim ng sama ng loob dahil sa kadahilanang sila ang kumupkop sa akin kahit na hindi maayos ang pamumuhay nila. Itinuring nila akong pamilya at minahala na parang tunay nilang anak. Masayang mamuhay ng sila ang kasama dahil kahit hirap sa buhay ay kuntento sa pagmamahalan.

BINABASA MO ANG
A King Without His Crown (SLOW UPDATE)
AçãoHave you ever met a King? What do they look like? May kapa? May mga mala-gintong halagang kasuotan? O may Korona? What if you met a King? But.... Without a Crown?!.. Possible right? Would you love a King without his Crown? © All Rights Reserved...