Wallpaper ♥

138 2 6
                                    

May ikukwento ako sa inyong maikling lovestroy, sana magustuhan niyo!

ENJOY! =)))))

Hi! Ako nga pala si Kim! Simpleng tao lang na walang ibang hiniling kundi ang mapansin ng crush niya. =)

Meron akong crush, actually mahal ko na ata eh. Haha! Ang pangalan niya ay Jelo. Grabe halos lahat ng gusto ko sa lalaki ay nasa kanya na ata. Tahimik na tao lang si Jelo, pogi, matangkad, matalino at higit sa lahat ay mabait. =) Kaklase ko si Jelo, kaya kapag tuwing nakikita ko siya sa classroom, hindi kong mapigilan na hindi tumingin sa kanya. Minsan pa nga eh nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya, yuyuko na lang ako at kikiligin. Haha! xD

Meron akong nabasang kasabihan na ang sabi ay kapag ginawa mong wallpaper sa cellphone mo ang crush mo for 15 days straight na walang nakakakita, mayroong chance na maging kayo kung magagawa mo ito.

Dahil nga sa sobrang crush ko si Jelo, sinubukan ko ito. Ginawa ko talaga siyang wallpaper sa cellphone ko. ="> Umaasa ako na sana magkatotoo nga ang kasabihan na yan.

Simula nung ginawa kong wallpaper ko sa cellphone ko si Jelo, lagi ko nang hawak ang phone ko. Hindi ko ito iniiwan sa bahay o kung saan man, nasa kamay ko lagi ang phone ko, lagi ko na ngang dala ang cellphone ko sa school eh, sa sobrang gusto kong walang makakita ng wallpaper sa phone ko. =))))

Isang araw sa school, pinababa kami ng moderator namin para mag practice ng sabayang pagbigkas namin para sa friday. Sabay-sabay kaming bumaba lahat sa classroom. Nung nakarating na kami sa stage, deretso practice na agad kami, umabot kami ng 2 oras sa pagpapractice.

Pinag lunch break muna kami ng aming moderator, kaya pina deretso agad kami sa canteen. Lahat kami dumeretso sa canteen, kaso nga lang may biglang pumasok sa isipan ko.... "Hala!!! Yung cellphone ko!!! Lagot!!! Nasa desk ko lang yun!!!" :O 

Agad-agad akong umakyat ng classroom, nagmamadali ako at bka may nakakakita na ng phone ko. Nung nasa pinto na ako ng classroom, nakita ko si Jelo na palabas ng pinto. Nung nakita ko siya ako ay napayuko dahil ako ay nahihiya sa kanya. Nakasalubong ko siya at nung magkalapit na kami, hinawakan niya ang kamay ko at binigay niya sakin ang cellphone ko. Sobrang nalungkot ako kasi ndi ko nagawa yung kasabihan, pang 14th day ko pa lang yun na wallpaper ko siya sa cellphone ko. =''''''''''(((((

Pagkabigay niya sakin ng phone ko, nilabas niya rin ang phone niya. Pinakita niya sakin ang phone niya at nakita ko ang picture ko! Wallpaper niya sa cellphone niya! OMG!!! :O Sabi niya sakin, "pang 16th day ko na tong wallpaper ko sa cellphone ko. Kim, I LOVE YOU." OMG!!! Hindi ko nga natapos yung 15 days ko at least siya naman natapos niya, sobra pa nga ng isang araw eh. =)))))))

THE END. =)))))))))

Thank you for reading my story! please vote and share my story! =))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wallpaper ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon