WTGFIL#3-THE GANGSTER's POV

47 2 1
                                    

KAREN'S POV

Matapos naming makilala ang isa't-isa, sinamahan nya 'ko sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa bahay. Dito ko na rin sya sa bahay pina-tuloy. Ginamot ni mommy yung mga sugat nya. At pinasabay ko na syang kumain ng dinner sakin.

Sya pala si Oswe Ensina. Kanina lang naman kami nagkita at nagkakilala, pero parang ang gaan na ng pakiramdam ko sa kanya. Ganun din sila mommy, kaya pumayag silang patuluyin ang bugbog saradong katulad ni Oswe dito sa bahay namin.

Masayahin si Oswe, kahit warak-warak na ang mga ngipin sa harap eh nagagawa pa ring ngumiti sa harap namin. Kaya naman habang nagkekwento sya kanina tungkol sa nangyari sa kanya eh hindi ko mapigilan ang hindi matawa dahil sa tuwing lumalabas yung ngipin nya at kasabay ng seryoso n'yang hitsura habang nagkekwento eh sobrang nakakatawa talaga. Pati kuya ko gusto din ang presensya nya.

"Tara, tol." pag-aaya ni Kuya Rov kay Oswe. Sumunod naman sa kanya si Oswe, dalawang taon lang ang tanda sa kanya ng kuya ko na si Rov. Kaya kung titignan mo silang dalawa, mukhang silang dalawa ang magkaibigan at hindi kami. Patutuluyin sya ni kuya sa kwarto nya. Magmu-movie marathon nanaman 'yang si kuya. Yun kasi ang libangan nya.

                                                                       

                                                                       

                                                                       

GANGSTER'S POINT OF VIEW

"Ang bilis mawala nung dalawa, T*ng ina!" Bwisit na sabi ni Jhay-jhay.

"Tol, sigurado ako.... sigurado akong kagrupo nya yung babaeng 'yon! Mukhang schoolmate mo pa nga eh." Sabi naman ni CJ.

Nandito kami ngayon sa Matilde. Isang kalyeng tambayan ng buong myembro ng Enfoe.

"Namukhaan nyo ba yung babae?" Tanong ko sa dalawa. May hinabol kasi kami na kaaway namin sa kabilang grupo. Napuruhan na yun, pero badtrip kasi eh, hindi pa sapat yung natamo nya, nanggagalaite ako sa galit nang dahil sa hayup na lalaking yun.

"Oo Brad! Namukhaan ko yung babae! Sigurado akong kagrupo nya yun!" Sagot ni Jhay-jhay.

"Schoolmate mo 'yon, 'tol! Madali nalang tirahin yung isang yun!" gatong naman ni Cj.

"T*ng ina ng Oswe na 'yan. Nang dahil sa kanya makakapanakit ako ng babae."

Umihip nalang ako sa sigarilyo ko, at ibinuga ang usok nito. Pang-kalma lang.

Ako si Zenkie Persia. Apilyedo ko yung Persia. Kung hindi mo gusto o hindi mo maintindihan, lumayas ka na sa harap ko. 'Di ka kawalan.

Tumabi sakin yung dalawa. Umihip ulit ako sa sigarilyo kong hawak. At ibinuga ang makapal na usok nito.....Dun sa dalawa *CHUCKLED*

"T*ngna, Zenkie, parang g*go naman oh." reklamo ni Cj habang inilalayo ang sarili sa usok. Allergic sa usok 'yang hayup na 'yan eh. Napaka-arte. Si Jhay-jhay naman kasama ko lang sa pagtawa.

Habang binibwisit namin si Cj, bigla nalang may sumigaw ng isang pamilyar na pangalan para sakin. Yung pangalang nagpapawala sakin ng gana sa tuwing maririnig ko.

"Mary Rose!"

Nakatingin sya sakin at nakangiting lumapit sa kinaluluklukan ko. Ako pala yung tinawag ng loko. Si Rico. Dalawang taon na din ang nakalipas simula nung pumunta sya sa seoul. Wala pa pala syang alam tungkol sa pinagdaanan ko. Kaya hanggang ngayon pangalan pa rin ni.................ni Mary Rose ang tawag nya sakin.

"Oh, 'tol. Kamusta?" medyo walang gana kong tanong sa kanya.

"Ayos lang!... tsa nga pala 'tol. Kamusta kayo ng Jowa mo? Wala na 'kong balita sa inyo ah? Parang dati lang ako pa taga-bigay ng advice sa inyo. Puppy-puppy love pa noon, pero ngayon?...." masayang tanong nya habang naga-up-and-down ang mga kilay. Nabaling ang tingin ko kila Cj at Jhay-Jhay. Alam kasi nila kung anong nararamdaman ko ngayon.

"Nasa higaan nya, 'tol. Mahimbing na natutulog." sabi ko sa kanya at nakipag-appear na pang kapatiran.

"Ayos 'tol, ang tatag!" sabi pa nya.

Hindi na 'ko nagsalita at hinayaan ko nalang na si Cj na ang magsabi sa kanya.

"Tarantado. Simula last year, wala na si Mary Rose."

"Ano?!" Napasigaw sya sa gulat. Dahilan kung bakit kami pinagtinginan ng iba pa naming ka-grupo.

"Wala 'to mga 'tol. Ayos lang 'to." pagbibigay alam naman ni Jhay-jhay sa mga kagrupo ko. Yung mga tingin kasi nila mga mukhang susugod eh. Akala siguro nila may kung anong nangyayari dito. Mabilis din namang bumalik ang usapan naming apat.

"Ano? Bakit? Bakit kayo nag-break?!"-Rico.

                                                                       

                                                                       

                                                                       

                                                                       

                                                                       

Sabay-sabay nalang kaming napatanga nila Jhay-Jhay at Cj sa tinanong ni Rico.

"Tsk. Tsk."-Cj.

"Alam mo kung sobra lang utak ko, dinonate  ko na sana sayo yung isa." sagot ni Jhay-Jhay.

"Ewan ko sayo, Rico~ Kayong dalawa, isama nyo nga 'to sa puntod ni Mary Rose nang malinawan." Tumayo ako at lumayo na muna sa tatlo. Kahit kelan talaga engot si Rico. Nakalimutan pa ata yung katiting n'yang utak sa Korea. Tsk. Tsk. Katiting na nga lang kinalimutan pa.

When the Gangster Fell In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon