WTGFIL#4-Ms. Sweet Chocolate

36 1 0
                                    

KAREN's POV

"Hoy, isulat mo 'to. Kapag ako napagalitan ni tanda, ikaw ang mayayari saken."

Halos habulin ng classmate ko ang hinagis sa kanya ng isa ko pang classmate na si Eryl na akala mo'y reyna sa room na 'to. Nakita ko kasing pinasalo nya ang sarili nyang notebook sa isa naming kaklase na 'yun.

Si Eryl. Unang pasok ko palang dito sa school na 'to, at sa pagkakaroon ng 23 sections ang mga senior student dito sa Far west, sa section 20 ako napunta, siya kaagad ang una kong napansin dito sa section na 'to. Si Eryl. Dahil sa kapansin-pansin naman talaga ang ugali nya at ang pinaggaga-gawa nya sa mga kaklase naming hindi sya kaya. I mean, hindi sya kayang tanggihan o labanan. Dahil mukhang sa oras na sagutin mo sya o prangkahin at kahit na ikaw ang tama, sa bandang huli, sya pa rin ang mananalo. Kahit na sabihin mo pang sya naman talaga ang mali.

By the way, biyernes na nga pala ngayon. Bale 5 days na 'kong pumapasok sa school na 'to. At sa loob naman ng five days na 'yon, naka-bingwit na rin ako ng isang bagong friend. Si Cherry. Iba sya sa mga classmate ko. Kumbaga sa isang basket ng mga kamatis, sya lang ang namumukod tanging mukhang bagong pitas pa lamang na naihalo naman sa mga kamatis na nabubulok.

"Cherry." Pag-tawag ko sa pangalan nya at kinalbit ko sya sa kanyang kanang braso. Sa likuran nya kasi ang pwesto ko. Tumingin sya sakin na may *What is it?* face.

Medyo lumapit ako sa kanya. At sinabing, "Si Eryl, ganun ba talaga ugali nya?" Tanong ko sa kanya nang pabulong.

Katulad ng ginawa ko, medyo lumapit din si Cherry sakin, kaya naman halos magka-face-to-face na kami ngayon ditong dalawa. "Oo, masyadong nagrereyna-reynahan dito sa room natin. Miski sa labas nitong room at school, masyado syang bossy." Sagot naman nya sakin nang pabulong din.

Napatango-tango nalang ako nung malaman ko 'yon habang bumabalik sa pagkakasandal ko sa sarili kong upuan. Pero hindi pa pala yun ang lahat dahil pinabalik ako ni Cherry sa kung paanong posisyon kami mag-usap kanina. At sinabi nyang...

"Member kasi sya ng Enfoe Gang."

Enfoe gang?

"Kaya naman kinatatakutan sya ng karamihan dito sa school. Hindi mo sya kayang kalabanin kung wala kang kinakapitan o magiging takbuhan na kayang lumaban sa grupo nya." Dugtong nya pa.

"Ganun?" Medyo nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong impormasyon galing kay Cherry.

Ibig sabihin.........

'Di ko pa gets masyado. Bago lang kasi sakin ang mga sinasabi ni Cherry.

"Paliwanag mo nga sakin.... ba't naman ba madadamay pati grupo? Eh si Eryl lang naman ang may kaaway o kaalitan sa kanila?" Curious kong tanong.

"Basta, mag-ingat ka nalang, Karen. Ito tatandaan mo, ang gang nila, parang fraternity din, away ng isa sa kanila, magiging away ng buong grupo...... Halimbawa, ikaw, nag-away kayo ni Eryl ng dahil lang sa alikabok, kapag lumaki ang alitan nyong dalawa nang dahil lang sa bagay na 'yon, oras na malaman ng iba nya pang ka-gang o kakapatiran, o kaya kung si Eryl mismo ang nagsumbong ng tungkol sa awayan nyong dalawa sa mga ka-grupo nya, at oras na malaman ng kagrupo nya na ikaw pala yung tinutukoy ni Eryl..., kawawa ka. Pero kung may grupo ka rin naman na pwedeng matakbuhan, 70% ang pag-asa mong maging ligtas. Pero yun ay kung malakas ang kinabibilangan mong grupo." Mahaba-habang paliwanag sakin ni Cherry.

"Eh, paano kung wala kang grupo na kayang lumaban sa grupo nila?" Tanong ko pa.

"Edi kawawa ka. Pwede ka nilang torture-in hanggang sa ikamatay mo kung malaki ang atraso mo sa kanila, pero kung sa maliit na bagay lang, bu-bully-hin ka nila. Ibig sabihin, wala kang mapaglalagyan para makalaya at bumalik sa dati mong normal na pamumuhay."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When the Gangster Fell In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon