3:NBAA

1 0 0
                                    

Kaina Alexis Giana Guerrav

4 years ago....

I'm on my 7th grade na.Maayos naman ang naging araw araw ko sa village na to.Palagi na akong lumalabas para makipaglaro kina Lanie.
Sa isang taon na lumipas mas naging malapit kami ni Meyie,we do have many similarities.

Madalas kaming tumambay sa East Space,ayon daw ang tawag sa lugar na iyon.Nakakainis lang dahil habang tumatagal ay parang hindi lang inis ang nararamdaman ko kay Patric.

Myghad!Kahit na ang annoying niya ay hindi ko pa din mapigilan na hangaan siya.10th grade na siya at sa isang school lang kami pumapasok kaya madalas ko din siyang nakikita.
Si Meyie ay sa ibang school napasok ganon din si Berna at Lanie dahil sila ay senior high na.

"Hoy,Kaina Alexis!Ano na naman ba ang iniisip mo at tulala ka na naman?"sabay na sabay na sabi ng dalawa kong bestfriend sa school.Si Charm at Trish,lagi silang ganon laging sabay sa pang aasar sa akin.

"Wala naman,kayo talaga!Pinaghandaan nyo pa yon ha."at hinigit sila sa buhok."Siyempre naman!"sabay na naman nilang sabi at tumawa kaming tatlo.

"Goodmorning,class."bati ng first subject teacher namin. Si Sir Castillo,sobrang bait niya samin at parang anak ang turing niya samin.Actually siya din ang adviser namin at math teacher.

"Okay,class listen!Malapit na ang JS Prom ng grade 9 and 10 and because of that,masyado na akong magiging busy dahil ako ang naatasan doon ng principal."seryosong sabi niya."Kaya naman free time nyo ngayon sa akin!"magiliw na sabi ni Sir.

"YEHEEEYY!!"halos sabay sabay na tili ng mga kaklase namin.

3rd grading na namin at tapos na din kami sa exam dahil inadvance na nila para mapahinga daw kami kahit papaano.So bale next week 4th grading na.Tapos na kami sa lahat ng lesson sa mga subject this grading kaya't madalas ay free time namin.
Bawal pa din kami lumabas kahit na free time dahil ayaw ng principal na pagala gala kami sa school.

"Tara sa CR,Kaina at Charm!"sabi ni Trish at agad naman kaming tumayo ni Charm para sumama.Bale ang CR namin ay medyo malayo sa classroom namin at mga 5 room ang madadaanan at halos sila ay free time din.
Tumapat kami sa building na dalawang floor na may dalawang classroom lang din at sa tabi nito ay hagdan para sa taas at sa ilalim naman ng hagdan ay ang CR agad kaming pumasok doon at wala lang nagkwentuhan lang.May sinisilayan kasi ata sila e.

Pagkaka alam ko sa taas ang classroom ni Patric.Teka nga bat ko ba siya iniisip pakielam ko ba sa kanya.

Lumabas na kami sa CR at dahil mababa lang ang space at kailangan talagang yumuko lalo na matangkad ka,nauntog ako sa pader at agad na sinapo ang noo ko.

"HAHAHA!Ayan ang tanga kasi,isip ng isip kay Alfindo ayan tuloy./HAHAHAHA,OMG!Para kang tanga jan Kaina!"magkasabay na sambit ng dalawa kong bestfriend at agad kong hinila ang buhok nila dahil imbis na tulungan ako ay tinawanan pa ako.

"Mga bwisit talaga kayo!Huhu ang sakit ng noo ko."sabi ko at umupo sa isang upuan at ang dalawang bruha ay tawang tawa pa din.

Iniwanan ko silang dalawa at yumukong naglakad habang sapo sapo pa din ang noo ko.And for the second time nauntog na naman ako sa pader.

"HAHAHAHA ANG TANGA TALAGA OMG!"rinig kong tawa na naman ng dalawa kong bruhang kaibigan.
Sa lakas ng impact ay napa upo ako at ng tumingala ako ay nakita ko si Patric at si Gave sa harapan ko.

Shet hindi pala ako nauntog sa pader!Sa dibdib pala yon ni Patric!

"Ayos ka lang,Kaina?"agad na sabi ni Gave at at naglahad ng kamay para itayo ako kaya kinuha ko iyon at umayos ng tayo.

"Hmpp,HAHAHA!"impit na tawa ng dalawang bruha sa likod ko.

"Ang pula ng noo mo,Kaina!Tapos may bukol pa ata.Teka ganon ba katigas ang dibdib ni Pat?"sabi ni Gave at hinawakan ang noo ko.
Agad akong ngumiti sa kanya dahil sobrang bait niya talaga.

"Matigas yang dibdib ni Patric,pero mas matigas yung pader sa CR,Gave.HAHAHAHAHA!"sagot ni Trish at humagalpak na naman sila ng tawa.

"Naku!Tara sa clinic kung ganon,palagyan natin ng cold compress!"tarantang sabi ni Gave at hihilahin na sana ako ng biglang nagsalita si Patric."Inuutusan tayo ni Sir Lamiosa,Gave.Hayaan mo na siya kaya niya na ang sarili niya."pagsusungit na naman nito at hinila ang kamay ni Gave na naka kapit sa braso ko.

"Thank you,Gave.Pero hindi na kaya ko na to bukol lang naman yan hehe!"sabi ko at umalis na sila ni Patric.

Binalingan ko ang dalawang bruha na namumula na at agad kong hinila ang buhok nila ng sabay at kinaladkad sila sa classroom namin.

"Aray naman,Kaina!"sabay na naman silang nagsasalita."Anong klase ba kayong kaibigan?Pinagtawanan nyo pa talaga ako sa harap nila!"singhal ko sa dalawa.At tumawa na naman sila.

"Sorry na,Kaina.Pero aminin mo kinikig ka pa din kasi naka banggaan mo si Patric,yieee!"sabi ni Charm na nakangiti.

"Tch. Oo na pero nakakainis pa den siya dahil sinungitan niya na naman ako hmpp."sabi ko at sinapo ulit ang noo ko.

Ng maka awas na kami ay agad akong umuwi para lagyan ng cold compress ang noo ko.Nakakapagod naman kahit walang ginawa hmp.Natulog na ako at hindi na naman kumain ng dinner.

Not Bad At AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon