Kaina Alexis Giana Guerrav
4 years ago.....
So today is Monday,kahit nakakatamad pumasok dahil wala naman masyadong ginagawa ay pumasok pa din ako.Parang may choice naman ako diba?arghh.
"Goodmorning!"bati ni Sir Castillo at agad naman kaming bumati pabalik.
"So class,magsisimula na ang practice ng JS ng mga Grade 9 and 10 kaya't mas lalo na kayong bawal lumabas pagka free time.Sinasabi ko sainyo kapag nahuli kayo ay hahayaan ko lang kayo sa guidance!"pabirong sabi ni Sir kaya tumawa ang iba.
"Sir?"lahat kami ay napabaling sa pintuan dahil may nagsalita doon.
Si Patric iyon at hinahanap si Sir Castillo,agad na tumingin sakin ang mga kaklase ko at agad na inasar ako."AYIEEE SI KAINAAAA!"
"KILIG NA NAMAN SI KAINAAA!"
"SANA ALL NAKASILAY KAY CRUSH!!"At marami pang ibang pang aasar ang pumuno sa ingay ng classroom namin.
Hays!Nakakahiya naman mga bwisit talaga tong mga to,lalo na si Charm at Trish na nangunguna sa pang aasar sakin."Uhm,pinapatawag po kayo ni Sir Lee,start na daw po yung practice."diretsong sabi ni Patric na lumingon din sakin kaagad.
"Okay,kailangan na ako sa labas.Behave lang kayo dito mga bata okay?May pag uusapan tayong lahat mamaya.YIEE KAINAAA!"lokong sabi ni Sir sa amin kaya't nagtawanan na naman ang mga kaklase ko.
Pagtingin ko kay Patric ay ganoon din siya,tumatawa.Nagtama ang mga mata namin at agad siyang sumeryoso at ngumiti sa akin.
"Ngumiti ba talaga siya sa akin?"saad ko.
"Oo gaga!Hindi ka nananaginip,HAHAHA!"sabay na namang sabi ni Trish at Charm.
"Kahit kailan talaga kayong dalawa!Lagi niyo akong nilalaglag."sabi ko at hinila sila sa buhok.Dahil nga lumabas na si Sir Castillo ay nagsimula na ang ingay sa classroom ngunit hindi naman iyon nakaka abala sa kabilang classroom.
Agad akong dumungaw sa bintana upang panoodin ang practice ng mga kasali sa sayaw para sa Prom.
Nahagip ng mga mata ko si Patric.
May babae sa harapan niya,si Ate Giselle.Marahan siyang hinahawakan ni Patric sa mga kamay nito."Bagay talaga si Giselle at Patric noh?"bulong ng lalaki sa tabi ko.
Si Ancer,boy bestfriend ko pero ang issue ay may gusto daw sa akin ito.Hindi naman sa kaniya nanggaling kayat di ako naniniwala.Sinapok ko siya at nasapo niya ang ulo niya.
"Masakit iyon ha!"singhal niya."Peste ka kasi!Bigla bigla kang nasulpot."sabi ko at ngumuso na tinanaw muli si Patric at Ate Giselle.
Hays,tama nga si Ancer bagay nga ang dalawa.Ang tangkad ni Patric at medyo tan ang mga balat nito,brown ang mga mata nito at nakangiti ito na hindi naman madalas nitong ginagawa.Si Ate Giselle naman ay tama lang ang height,maputi at ang mga mata nito ay brown din na kapansin pansin talaga,mahaba ang buhok at napaka bait pa.
"Napa-isip ka no?Sabi kasi sayo ako na lang e."sabi nito kaya't napatingin agad ako sa kanya."Anong sabi mo?"takang tanong ko."Wala,sabi ko napayat ka na!Hindi na bagay sayo,hindi ka na maganda!"sabi niya na inikot pa ang mga mata.Nasapok ko ulit siya kaagad.
"Pag payat ako nagagalit ka,pag mataba ako inaasar mo ko.Ano ba talagang gusto mo ha?"tumingin ako sa salaming bintana sa aming classroom at sinuri ang aking katawan.
Hindi naman ako sobrang pumayat a,sakto pa din naman hindi chubby hindi payat.Hubog na hubog pa din naman ang aking mga katawan kahit na naka uniform ako e.
"Ikaw ang gusto ko,ano payag ka ba na mapunta sakin?"sabi niya.
"Ha?Anong sabi mo?"taka ko ulit na tanong.
"Wala,sabi ko ang cute cute ng bestfriend kooo!"sabi niya at pinang gigilan ang mga pisngi ko na medyo mataba.At agad na pumunta ulit sa upuan niya para guluhin ang mga kaklase namin."Hmm,narinig ko yon ha."sulpot naman ni Trish at Charm sa tabi ko.
"Hindi ko talaga maintindihan yan si Ancer.Napaka gulo ng utak niya."sabi ko sa kanilang dalawa.
"Gaga ka talaga!Hindi mo ba halata na gusto ka niya?Pero dahil sa alam niyang bata pa tayo para sa mga ganoong bagay ay hindi niya na lang pinag tutuunan talaga ng pansin."sincere na sabi ni Charm."Wag na lang natin pag usapan!"sabi ko at agad na tumanaw muli sa labas.
Nahuli kong tumatawa si Patric at Ate Giselle na magkahawak ang kamay at mukhang iniikot ni Patric si Ate Giselle."Selos ka ngayon!"sabay na naman nilang sabi.Di ko na lang sila pinansin at bumalik na lang sa upuan ko at hinintay na matapos ang maghapon.
"Charm,Trish, una na ako sa inyo ha?"sabi ko at dinampot na ang bag ko at lumabas na.
Hays wala namang ginagawa sa school pero bakit ganito?Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako lagi.
"Kainaaaaaa!"sigaw ni Ancer sa likod ko kaya't napalingon kaagad ako."Bakit na naman, Ancerius Lacio Lucerios?"sabi ko.
"Nahiya ka pang banggitin ang Calino ha!"pang aasar niya sakin.
"Pero wala lang,tara tambay tayo sa bahay!Hinihintay ka na ni Lola e,pakilala ko na daw magiging girlfriend ko HAHAHAH!"sabi niya at tumawa pa talaga."Ikaw talaga kahit kailan ka!Dinadamay mo pa si Lola."sabi ko at nilakad na namin ang way papunta sa bahay niya dahil malapit lang naman iyon."Lolaaaa,kasama ko na po ang girlfriend koo!"sigaw ni Ancer pagpasok na pagpasok namin sa bahay nila.
"Ikaw talaga,Ancerius.Pinaglololoko mo na naman to si Kaina.Ang bata bata niyo pa e."sabi ng Lola niya at agad na lumapit sa akin para bumeso.
"Hayaan niyo na Lola.Last naman na yon,hindi ko na kukulitin si Kaina."sabi niya at awkward na ngumiti.
"Ano bang sinasabi mo diyan,Ancerius?"tanong ko.
"Diyan na kayong dalawa,bad timing kayo at may deliver pa ako."sabi ni Lola at umalis na.Hinila ako ni Ancerius sa kwarto niya at agad na lumabas sa veranda.
"Ancerius,tapatin mo nga ako.Ano ba talaga ang tingin mo sa akin?"hindi ko na napigilan at hinarap siya."Gusto kita,Kaina."sabi niya.
"Gustong gusto kita,pero alam kong bata pa tayo.Magagalit sayo sila Tita pagka nagboyfriend ka kaagad.Naiintindihan ko iyon at alam ko din na may iba kang gusto.Wag mo na lang pansinin ang mga sinasabi ko.Makakalimot pa din naman ako.Bata pa tayo,e!"sabi niya at hindi na ako naka sagot pa.
"Tara na!Ihatid na kita sa inyo."walang emosyong sabi sakin ni Ancer at agad na hinila ako palabas ng bahay.
Nag commute kami pauwi at kahit isa sa amin ay wala ng nag abala pa na mag salita.Gabi na nung nakarating kami sa bahay."Goodbye,Kaina!"saad ni Ancer sa akin at pinisil ang mga pisngi ko.Tumalikod na siya at umalis na.
Bakit parang ang sakit ng goodbye niya sa akin?Bakit ka ganyan Ancerius.
Hindi ko namalayan na naluha na pala ako ng makahiga sa aking kama.
Halo halong emosyon na naman ang namamahala sa puso ko kaya't hindi ko namamalayan ang nangyayari sa akin.Itinulog ko na lang ang pagod ko upang mahimasmasan kinabukasan.