Prologue

62 1 0
                                    

Graduation na kinabukasan ngunit tila'y marami pa rin ang hindi tama, animo'y ang pakiramdam ay paglalamayan at hindi pagsasaya sa nalalapit na celebrasyon nang pagtatapos sa kolehiyo.

Tumayo si Rachele at tinitigan ang sarili sa salamin bumalik nanaman sa kanyang ala-ala ang mga sinabi ni Adrian at di niya matanggap na ang tanging lalaking minahal niya simula pagkabata ay kaya siyang saktan ng sobra animo'y napupunit ang kaluluwa't damdamin niya.

Umuwi si Sam sa kanilang bahay at nadatnan nanaman niya ang isang random teenage girl na nakaupo sa dining room at nakabath robe lang, may karapatan man siyang awayin ang dalagita dumiretso na lamang siya sa kanyang kuwarto at humiga sabay earphones on and world off.

Umuwi si Ayumi sa kanyang apartment at as usual siya lang naman ang nandoon at wala ng iba. Tinanggal niya ang contact lens niya at sinuot ang kanyang eyeglasses. Kakain nanaman siyang mag-isa.

Pagdating naman ni Jewel sa kanilang bahay ay madali siyang tinignang ng kanyang mommy mula ulo hanggang paa tila'y hindi kilala ang sariling anak.

Pag-uwi naman ni Erica ay tumingin agas siya sa twitter para tignan kung anong susunod na pupuntahan ni Amber today.

Samantalang si Adrian ay umuwing takot na takot at tila hindi na alam kung anong gagawin.

Si Greg naman ay tila nawawalan na ng pagasa na siya'y makakauwi pa...

Ano nga ba ang alam natin sa buhay ng bawat estudyante? Sila nga ba ang iyong inaakalang sila sa silid aralan? Ano nga ba sila pag-uwi sa kani-kanilang mga tahanan?

Silid AralanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon