Nagring na ang bell ng eskwelahan, signal para sa pagtapos at pagsimula ng klase.
Pumasok na ang mga Journalism students sa Room 237, agad agad na rin dumating ang kanilang professor kaya wala ng masyadong ingay ang naganap.
"Say present when I call your name." Sabi ng professor, isang middle aged na lalaki kung titignan ngunit kabilang pala sa federasyon.
Nag roll call ang professor hanggang tawagin si
"Samantha Perez.. Andyan ba siya?" Mamarkahan na ng professor na absent ang pangalan niya nang dumating ang isang hindi katangkarang babae, morena ang kulay, balingkinitan ang katawan, medyo mahaba at light brown ang dulo ng kanyang buhok at may tattoo siya sa kanyang right hand na isang snake.
"Present sir!" Sabi ni Sam na tila'y wala naman pakielam kung late siya.
Ganyan talaga si Sam loner kung titignan pero halos ng classmates niya ay takot o kundi naman ayaw sa kanya kasi hindi siya ngumingiti o nakikipag-kaibigan man lang sa kanila.
Umupo siya sa pinakalikod ng classroom kung nasaan ang kaibigan niyang si Greg.
Si Greg ay ang MVP ng basketball team ng university, six foot two in height, moreno, may braces, hindi gwapo ngunit may appeal.
"May practice?" Tanong ni Sam kay Greg, napansin kasi niya na hawak nanaman ng matangkad na lalaki ang kanyang sports bag.
"You know it." Nagsmile siya kay Sam dahil ma-eexcuse nanaman siya sa class for practice.
"Ba't late ka nga pala?"
"Alam mo na kung bakit."
Hindi na umimik si Greg dahil alam niya na ang mood at buhay ni Sam. Magkakilala sila since high school dahil once na silang nagsama sa paggawa ng mga short films para sa competition outside their campus.
Tumayo na si Greg at kinuha ang kanyang bag naglakad siya papalapit sa professor at pinakita ang kanyang excuse slip. Lumabas na si Greg sa silid aralan at huling sumulyap sa kaibigan na kanyang iniwan.
Nagsimula ng magtanong ang professor para sa kanilang graded recitation.
"Ano ang unang dalawang librong naipalimbag dito sa Pilipinas?"
Sabay na nagtaas ng kamay sina Adrian at Erica, ang dalawang dean's lister o di kaya ang inaasahang Summa Cumlaude at Magna Cumlaude ng batch nila.
Ngunit iba ang tinawag ng professor, si Ayumi Fontanillas. Siya ang bitch ng class, tama lang ang height, curvy ang katawan, laging nakaayos ang buhok, magarang pananamit, at laging iba-iba ang contact lens na suot.
"Can that be.. Uhh, Something I don't know?" Nag-giggle siya at nag smile sa professor.
Napatawa niya ang matanda.
"Miss Fontanillas Filipino subject ito gayun pa man, I like your answer. Sit down."
Konting charm at wave of sense of humor ni Ayumi mapapatameme ka na. Kaya halos lahat nga ng lalake kaya niyang kunin.
Napangiti si Erica sa ginawa ng kaklase. Naisip nanaman niya kung gaano ka-cool ang iniidolo niyang si Ayumi na hindi niya mapapantayan. Sino nga ba naman siya? Isa lang naman siyang chubby na nineteen year old, geek kung tawagin, manang ang pananamit, naka-eye glasses, hindi maka-suot ng heels dahil sa kanyang fear of heights.
"Bes, sa tingin mo may pupuntahang party mamaya yang si Ayumi?" bulong niya sa bestfriend niyang si Rachele.
Si Rachele ay isang cute na babae, napakahaba ng buhok, girly, masiyahin, at friendly.
"Baka naman gusto mo pang tanungin ko o aantayin mo na lang itweet yun ni Ayumi?" Sagot ni Rachele.
Umismid si Erica ng konti at nagtawanan din sila sa huli ni Rachele.
Biglang napatingin sa kanila si Jewel.
Si Jewel ang best friend ni Ayumi, ang happy go lucky girl na laging masaya, mukhang walang problema, ngunit kapansin pansin ang palagian niyang pagtetext.
"They're talking about you again." Bulong ni Jewel kay Ayumi.
"Never mind them.. Hanggang diyan lang naman siya e. If she flies close to our circuit, I know she'll die like a bug." Pagtataray ni Ayumi.
Naistorbo ang kanilang paguusap dahil nagdedebate sa kanilang likuran ang magkaibigang si Rachele at Adrian.
Si Adrian, pinanganak na maralita, scholar siya sa university, pangarap niyang maging presidente ng Pilipinas, gagawin niya ang lahat magtagumpay siya sa buhay.
"Hindi kase Nuestra Senora del Rosario ang nauna.. Doctrina Cristiana kase.." Pagpupumilit ni Adrian kay Rachele.
"Basta kung ano ang sinabi ko ang tama.."
"Mag-aral ka nga, babagsak ka nanaman sa quiz niyan e."
Abot hanggang tainga ang ngiti ni Rachele.
Duamaan ang isa't kalahting oras at natapos rin ang class ng A-205 Journalism students.