Win The Ticket (One Shot)

24 0 0
                                    


Click. Click. Click.

Luluwa na yata ang mga mata ko, kanina pa 'ko nakaharap sa laptop ko. I'll buy ticket thru online.

Sobrang hirap pala, kung 'di lang ganoon kadumog bumili sa mga outlets nila 'di ako magtitiyaga dito kakaclick at kakahanap. May lumalabas pang website na iba ang language, pero isa ito sa legit na nagbebenta ng tickets online.

Binagsak ko ang katawan sa kama at pumikit. Paano ba kita makikita Ji Yong? Tell me! Ilang araw nalang concert mo na at wala pa rin akong hawak na ticket.

"Mag beauty rest ka naman, darating ang boyfriend natin tapos mukha kang zombie dyan!" Napaangat ako ng mukha at nakita ang bestfriend ko. Super fan kami ni GD eh.

"Kung alam ko lang na mahirap palang bumili online sumabay na 'ko sa'yo." Nakasimangot kong sabi.

"Gosh! Wala ka pang ticket? Paubos na pa naman daw nang makabili ako. 'Di bale pagkatapos na lang ng klase natin sasamahan kita sa mall." Napahinga ako ng malalim.

Pagkadismiss lang sa'min ay agad kaming nagpunta sa mall para bumili na ng ticket ko.

"Sorry miss, ubos na po, kanina pa pong 10AM."

Hindi pwede.

Tinignan nya naman ako ng malungkot. "Maghahanap nalang tayo online. Hindi pwedeng 'di kita kasama sa concert ni GD."

Nag-overnight sya sa bahay para samahan akong magpuyat.

"Wala pa rin." Humilata na ko sa kama. Suko na ko.

Bitbit nya rin ang laptop nya, tinutulungan nya kong maghanap. Tumili sya at hinatak ako pabangon. "Look oh!" Tingnan ko naman ang tinuturo nya sa monitor ng lappy nya.

Win The Ticket.

"Nagpop-up lang yan pagbukas ko sa website na 'to.." Hindi pa sya tapos sa sinasabi nang bumalik ako sa pagkakahiga at nagsalita. "Scam yan."

Nawawalan na 'ko ng pag-asa.

"Ano ka ba! Try natin! Ilalagay ko yung info mo bahala ka! May ilang question lang oh tungkol naman kay GD masasagot natin to!"

Bored na bored ko syang pinapanood sa pagsagot nya doon sa Win The Ticket ad. Eh mukha naman kasing wala lang 'yun. Marami na kong naencounter na ganyan. Dati pa nga ay mananalo daw ako ng IphoneX to claim the prize kailangang sagutin ko daw muna ang kung anu-anong katanungan nila. Sa huli wala naman.

"Pag nahack lang ang lahat ng accounts ko, ikaw ang sisisihin ko." Lahat kasi ay connected sa google account ko. At ang google account ko pa ang binigay nitong account nang manghingi sa kanya ng email 'tong sinasagutan nya.

"Oh ayan na tapos na! Click confirm! Tadaaaa!" Hyper nitong sabi.

"Oh ano nangyari?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

"I-check mo kaya muna dyan sa gmail mo. Baka may email na pumasok. Ang nega mo kasi girl!"

Sinunod ko rin sya. Chineck ko rin talaga ang email ko. Hindi rin naman masama umasa kahit 1% lang.

Nang makita ang laman ng inbox ko ay tahimik kaming pareho. Nang irefresh ko ito lalo kaming natahimik.

Nagtalukbong ako ng kumot.

"Ayoko na! Wala naman eh!" Pagsuko ko.

"Hindi pwede! Mahal natin sya kaya wag mo syang susukuan!" Hagalpak naman kami ng tawa, para kaming mga baliw. Yung tono nya pa naman 'kala mo nagdadrama.

"Kailangan ko nang magmove-on. Ipinapaubaya ko na sya sa'yo." Sabi ko naman sa kunwaring nalulungkot ring tono. Tapos tumawa na naman kami.

Pagkagising namin ay 'di sya agad umuwi. Dahil Saturday ngayon ay nag stay pa sya rito sa bahay. Nang maboring kami pareho, lumabas muna kami para magshopping. Bibili daw sya ng susuotin nya sa concert ni GD. Ako mukhang pambahay lang bibilhin ko dahil mukhang #teambahay talaga ko nito bukas.

Yeah, bukas na ang concert ni GD at wala 'kong ticket. Kaiyak. Pero kung mag #teamlabas nalang ako baka may magbenta pa sa'kin ng mga ticket doon sa venue. Ubusan kasi talaga pag kay GD.

Kinabukasan ng makarating ako sa venue. Wala man lang lumapit sa'kin para mag-alok ng ticket. Nasa loob na rin ang bestfriend ko. May irereveal pa naman daw sya sabi nya sa isang interview nyang inilabas ng entertainment na may hawak sa kanila.

Mrs. Kwon. Narinig kong sabi nya. Nasa labas ako ng venue at rinig na rinig ang boses ni GD. May kalakasan ang speaker sa stadium. Nagsisimula na syang magsalita.

He uses the term "Mrs. Kwon" in teasing his fans.

Na-hurt ako, knowing na hindi ako kasama sa Mrs. Kwon na tinatawag nya, nasa labas lang ako. At ang tinutukoy nya ay ang mga fans na nakikita nya ngayon na kasama nya sa loob.

Mrs. Kwon.

Mrs. Kwon.

Mrs. Kwon.

Mrs. Kwon.

Nasa taxi na ko at pauwi na, tila naririnig ko pa rin ang boses ni GD.

Mrs. Kwon.

Mrs. Kwon.

Mrs. Kwon.

Nang makauwi na'ko, nag-ring ang phone ko. Nang tignan ko ang caller it's my bestfriend.

"Hello Mrs. Kwon." Pang-aasar pa nito. Malakas ang tugtog sa background nito. "I'll hang up the phone bes, lakas ng music dito eh."

Mrs. Kwon.

Mrs. Kwon.

Naririnig ko na naman ang boses ni GD.

Mrs. Kwon.

Ganito ba talaga epekto sa'kin ni GD?

May naramdaman naman akong parang basa sa pisngi.

Maiiyak na ba ko?

Yung kabilang pisngi ko naman ang nakaramdam ng parang basa.

Marahan kong binuksan ang mga mata ko. Nananaginip na naman ako. Bulong ko sa sarili. Kulong ako sa mga braso habang nasa ibabaw ko at kinikissan ang magkabilang pisngi ko ng paulit-ulit.

"Are you dreaming of your GD again?"

Tuluyan na 'kong nagising, as someone's pressed a soft lips to mine.

Umalis ito sa ibabaw ko. "Malapit na 'kong magselos sa kanya huh?" Tinignan ko naman sya at sinimangutan. Hindi pa ko nakakapagsalita ay naunahan nya ko sa sasabihin.

"You don't won the ticket, but you got the prize. Mrs. Kwon."

I'm Meri Kwon, and I got Ji Yong's last name.

Win The Ticket (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon