Nandito parin ako sa bahay ngayon kasama ang bugok na 'to.
Akala mo kung makaasta parang bahay niya 'to, hindi naman. Grabe lang!!!!! Ang sarap halikan---este batukan ng lalaking to.
"Manang pwede po bang makahingi ng juice? Nauuhaw na po kasi ako eh! Hindi po kasi ako inaalagaan ng loveydovey ko" sabay akbay sa akin.
Kinuha ko naman ang kamay niya sa balikat ko binatukan siya ng todo todo."Loveydovey mo mukha mo! Che! "
" Grabe ka naman iniwan lang kita ng 10 taon naging sadista kana"
Matatanggap ko pa yung iniwan niya ako pero 10 taon LANG??? Wala lang ba sakanya ang pinagsamahan namin ng isang taon bilang magGF-BF at 14 years namin bilang magbestfriend?
Ayoko nang marinig pa ang sinabi niya kaya pinili ko nalang na sumunod kay manang Rose sa kusina.
Naabutan ko naman siyang nagtitimpla ng juice para kay Andrei.
Nang palabas na si manang sa kusina ay lumapit muna siya sa akin at may binulong na sya namang ikinagulat ko. Lumapit ako sa mesa na nakatulala at pilit ko paring pina s-sink in sa utak ko ang sinabi niya.
Nakakain at nakainom na ako't lahat hindi parin siya na sink in sa utak ko.
PROCESSING
10%
.
.
40%
.
.
60%
.
.
.
100%PROCESSED
"Siya naba si Andrei ang mapapangasawa mo? Boto ako sa kanya"
"Siya naba si Andrei ang mapapangasawa mo? Boto ako sa kanya"
"Siya naba si Andrei ang mapapangasawa mo? Boto ako sa kanya"
"Siya naba si Andrei ang mapapangasawa mo? Boto ako sa kanya"
Flashback 7 years ago
Nandito ako ngayon sa bahay kasama si manang Rose dahil wala dito si dad and mom.
18 years old na ako ngayon at heto naghihintay parin kay Andrei.Wala naman akong magawa kaya these past 3 years tapos niya akong iwan nagsusulat ako sa diary. Sinusulat ko dun lahat ng hinaing ko at kahit mga embarrassing moments ko.
Pero paglipas ng mga taon at narealize ko na hindi na siya babalik ,balak ko sanang itapon yung mga diary kaso kinuha sakin yun ni manang.
"Shanelle iha,wag mo nang itapon. Ako nalang ang magtatago niyan at ipapakita ko sa mapapangasawa mo."
End of flashback
Ipapakita lang naman pala ni-- IPAPAKITA NI MANANG ANG DIARY KO KAY ANDREI?!?!!!
"MANANG ROSE!!!!!!! "
Pagkalabas ko nang kusina ay may nakasalubong akong katulong
"Nasaan si manang?" tanong ko sakanya.
"Ah nasa taas po pero hindi ko alam kung saang kwarto. Baka dun po sa kwarto niyo ma'am. Ah!! Kasama niya rin po yung boyfriend mo."
"Salamat" sabi ko sakanya pero bago pa ako makaakyat sa hagdan hinarap ko ulit siya."Hindi ko siya boyfriend okay.=______="
"Pasensya na po. Akala po kasi namin boyfriend niyo po yun"
Namin?? So akala nilang lahat boyfriend ko si Andrei. Maaring oo pero noon yun.
Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at tumakbo papunta sa kwarto ko.
Pagbukas ko pinto wala sila. Sa kwarto ni manang Rose. Tama!!
Tumakbo na maman ako sa kwarto ni manang Rose pero pagbukas ko ng pinto....whaaaaaa!!!!!
Lupa please lamon me right away!!!! Huhuhuhu!!! Wala na. Huli na ang lahat. Nabasa na niya.
"Oo, gwapo ka. Oo, hot ka. Oo, maraming nagkakandarapa sayo at oo, mahal parin kita!!! Pero wala kang karapatang pakialaman ang diary ko na walang laman kundi tungkol sayo!!!!"
Uh-oh!!! Napatakip agad ako sa bibig ko.
"Wala akong sinabi." sabi ko sabay takip ulit ng bibig ko."Promise. Wala talaga!!" sabay taas ng kanang kamay ko na parang nag p-promise.
Dahan dahan akong naglakad palabas pero kung sinuswerte ka nga naman. Nakakulong ako sa mga bisig ng aking prince charming.
Shanelle!! Stop day dreaming!!!
"Saan ka pupunta?"
*gulp* *gulp*
Kinakabahan na talaga ako pramis.
Diba ito yung napapanuod ko sa mga teleserye? Yung hahalikan ni boy si girl. Whaa!! Go Andrei kiss me!! Chos lang. Hahaha.
"L-alabas na. Wala naman akong gagawin pa dito diba."
Hindi naman niya ako sinagot pero hinarap niya si manang na hanggang ngayon nakatingin parin samin na parang kinikilig.
"Manang pwede bang lumabas muna kayo? We just need some privacy."
Ano pa ba sa tingin niyo ang ginawa ni manang? Edi lumabas. Manang!!! Wag mo akong iwan dito!!!!.
" Ngayon tayong dalawa nalang ang nandito. Sabihin mo nga sakin, hinintay mo pa ba ako nung iniwan kita? "
"H-hindi ah!"
"Sasabihin mo oh hahalikan kita?"
"Oo na. Sasabihin ko na. Oo, hinintay kita. Hinintay kita ng halos 5 taon pero ano? Ngayon ka lang dumating. Ni hindi ko na alam kung mahal mo parin ako o hindi na. Pero ako, mahal parin kita Andrei. Mahal parin kita"
*tsup*
"Bakit mo ako hinalikan?!!"
Ine-expect ko na hahalikan niya ako pero sa hindi ganitong paraan.
"Sabi kasi nila, kiss a girl to shut them up. Naniniwala ka naman dun diba? Kung hindi, gusto mong patunayan ko?"
Napatahimik naman ako sa sinabi niya. Gusto ka sanang sabihin sa kanya na hindi ako naniniwala kaso nahihiya ako.
"Iniwan kita noon at sinabi ko sayong hindi true love yon. Na isa lang yung puppy love, infatuation pero lahat ng yun hindi totoo. Iniwan kita dahil ayokong saktan ka. Nag migrate kami sa ibang bansa para ipagamot si daddy at hindi ko alam nung time na yon kung makakabalik pa kami kaya pinili ko nalang na hiwalayan ka dahil ayaw kitang umasa sa wala. Mas malala pa na bankrupt ang company namin dahil sa pagpapagamot kay dad. Kaya nga nagtatrabaho ako ngayon sa company niyo diba. At hanggang ngayon mahal parin kita Shanelle"
This time ako naman ang humalik sakanya.
"Alam ko Andrei. Alam ko. Sinabi mo nga kanina diba? "
"K-kanina? Hindi kaya."
"Paano naman ako magkakagirlfriend kung ikaw lang naman ang nasa puso ko." sabi ko habang ginagaya ang boses niya.
And guess what?? ^////////////^ Nag b-blush si Andrei.......
"Oo na nga. Sinabi ko na yun at hinding hindi na kita iiwan promise. I love you Shanelle Peirne. Loveydovey of my life."
"Promise mo yan ha? At I love you too Andrei Fuentes. Ang Loveydovey ng buhay ko."
And for the last time we kissed.
"Ay.... Ang sweet....."
Napatigil naman kami ni Andrei sa narinig namin. Panira naman ng moment tong mga to.
"Ay.......ikaw kasi eh. Tumigil tuloy sila."sabi ni manang sa isa sa nga katulong namin.
Hay....... Ito na ba ang happy ending na sinasabi nila? Sana nga. I guess our love story started from a puppy love, infatuation and it turned out to be a true love.....
Iniwan man niya ako, alam kong babalik siya at sa pagbabalik niya mas naintindihan ko ang salitang love. Kaakibat nito ang sakit, pagsasakripisyo pero hanggang may tiwala kayo sa isa't isa sa paglipas ng mga panahon mas magiging matibay ang relasyon niyo.
So.... Ito na ng happy ending namin. Wait! Hindi nga pala happy ending. Sabi nga ni Vice : "happy lang walang ending"
Babayuuuuu!!!!!
BINABASA MO ANG
PUPPY LOVE
Teen FictionNaniniwala ka ba sa true love? Well I guess you do but isa si Shanelle sa hindi naniniwala sa dito. Sa paniniwala niya ang mga teenagers hindi nagmamahal. Para sa kanila puro laro lang ang lahat. Pero ano kaya ang gagawin niya pag nameet niya ulit...