It was saturday night, akala ko katapusan na ng mundo, akala ko 'yon na ang araw ng kamatayan ko. Kasi putcha naman! Minuminuto akong nakakabalita na namatay na daw si Ganito, ni-rape daw si ganito, nanakawan daw si ganito. Ang worst? Nakita kong sumabog ang isang sikat na mall dito sa amin sa mismong harap ko pa!
As in seriously? Why am I even seeing this things? May mga dumating na Ambulansya, mga pulis. Ang tanging naririnig ko ay mga ingay ng sasakyan.
Takot ako sa dugo! Pero lahat ng nasa paligid ko ay dugo!
"Aahhh!" Napasigaw ako nang may tumalsik na eyeball sa tapat ko. Jusko naman! Napahawak ako sa aking dibdib.And then I heard a devilish chuckle. Bumilis ang tibok ng puso ko. Shit! Nagsitaasan ang balahibo ko. Natatakot akong lumingon sa aking gilid at shet lang... PUTA BAT ANG GWAPO NG NILALANG NA NASA TABI KO?!
"Ang sayang makakita ng kaguluhan hindi ba?" Ngumiti siya sa akin. Devilish. Not angelic.
Nag-sign of the cross naman ako dahilan para mapadaing siya."Pwede bang huwag mong gawin 'yan kapag nasa tabi moko?! Tangina aahhh!"
Nanlalaki ang matang tinitigan ko ang pagkasunog ng kaniyang itim na Leather Jacket.
"Playtime's over Lucas! Umuwi na tayo!"
Napalunok ulit ako. Bat ba nakakarinig ako ng malademonyong boses?! Huhuhu nagsisimba naman ako eh.
At saka-- napatingin naman ako sa lalakeng nasa harap kong mukhang ayos na at tinititigan ako ng masama.
"Dadalhin kita sa impyerno kapag ginawa mo ulit iyon."
And then a--- portal ba 'yon?! Ah basta parang portal. Pero mukhang papuntang impyerno.
Nakanganga lamang ako habang pinagpmamasdan ang dalawang dumadaan sa portal.Mga demonyo ba sila?!
Juskopo. Kailangan ko na yatang mamemorize ang Holy Rosary.
BINABASA MO ANG
Do Demons Fall?
FantasíaHanggang ngayon, tinatanong ko parin sa isipan ko... Nahuhulog nga ba ang mga demonyo? I mean, may possibility ba na magbago sila? May puso ba sila? Lahat ng tanong na iyan ay biglang nabuo sa aking isipan mula nang mahulog ako... sa isanf literal n...