Prologue

27 8 11
                                    

"Lave ano naman bang mabuti ang ginawa mo sa babae?" hangos na hangos na tinanong ni Quil si Lave nang makarating na kaming anim sa bar.

Last week of the vacation na namin ito supposed to be at napag-isipan na namin na maglaro ng billiard sa bahay ni Yihiro nang bigla na lang kaming nakatanggap ng tawag galing kay Lave. Nasa bar daw siya at kailangan niya ng resbak sapagkat hindi siya makaalis dahil may naghahanap na grupo ng mga lalake sa kanya. Agad naman naming kinuha ang mga motorbike namin nang marinig naming maputol ang linya ni Lave at na-itrack siya ni Rye gamit ang GPS tracker niya. 

"Nahilo lang naman yung babae tsaka nasalo ko, malay ko bang ganun ka advance mag-isip ang boyfriend niya." napakalot siya sa ulo niya at binatukan naman siya agad ni Tyelo.

"Huwag ka na kasing maglalapit sa mga babae, palagi na lang naiistorbo ang tulog ko sa tuwing napapa-away ka dahil sa maling akala ng mga boyfriend nila." inis na inis niyang sabi kay Lave. Pero alam ko na kahit na binatukan niya si Lave, nag-aalala pa din siya dito.

Gagantihan sana siya ng batok ni Lave nang biglang may nagsidatingan na sandamak-mak na mga lalakeng pinapalibutan kami ngayon. Napabuga ng hininga si Lave, iritang inayos ni Syan ang eyeglasses niya habang nasa unahan niya naman si Quil na nakagesture na ng kamao ang mga kamay, inis na inis silang tiningnan ni Tyelo, at kaming tatlo ni Rye at Yihiro ay matiim silang tiningnan.

"Look what we have in here. The royal sons and the oh-so-called Prince Azi." napakuyom ako ng mga kamao ko. Ramdam kong nainis din ang anim pa nang maramdaman kong medyo gumalaw sila.

"Oh? May guts bang makipaglaban ang mga Prinsipe? Hindi ba sinanay naman kayo na maging gentleman gaya ni Lave -na sa sobrang pagkagentleman ay sinulot ang girlfriend ko." mariin niyang tiningnan si Lave at gayon din naman si Lave sa kanya.

"We rule in our own ways. Hindi kami puppet na sunod-sunuran lang. Aw, hindi ka pala nakakarelate sa mga prinsipe dahil hindi ka naman katulad namin. You're nothing but a boy who's surname is Aviesta." diniin ko ang bawat salitang sinasabi ko at nakita kong mas napikon siya. Napangiti naman ako at inexcercise ang ulo ko. Sakto namang sumugod sila papunta sa aming pito. Ha! Akala ba nila papalagpasin namin ang gulong 'to dahil lang sa posisyon ng mga magulang namin? They are very wrong. Hindi kami anino nila.

Nagsialisan na ang iba sa bar nang makita nilang nagrambulan na kami. Hindi na ako nag-aalala sa kanilang anim dahil kaya naman nila ang sarili nila. Isa pa, ang grupo ni Aviesto ay sisiw lang naman sa aming pito. Nasa harapan ko ngayon ang leader ng mga kumag na humahabol kay Lave -si Fraz Aviesto. Nakangisi pa itong nakatingin sa akin habang hinihintay akong umatake.

"Ano ba, mag ba-bato bato pick pa ba ta-..."

BOOOOOOOOOOOOGSH

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla na lang akong sinuntok sa may panga ko. Dahil sa bilis ng paggalaw niya ay hindi ko namalayan na pasugod na pala siya sa akin. Bwisit. Sineryoso ko ang tingin ko sa kanya, hindi ako papayag na hindi makaganti. 

"Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo na mag-ask permission muna?" nagkibit balikat lang siya at nakita kong mas lumaki ang ngisi niya nang masapak ako -ha! Una't huli na lang yun. 

Sinugod ko siya at nang makita kong sa kanang gilid siya iilag ay sinundan ko ito ng sipa, dahilan upang matumba siya. 

"Oooops not sorry." nginisihan ko lang siya nang makita ko ang sariling mga paa na nakatapak sa kanya. 

Kinuha niya ang pagkakataong nakatapak ako sa paa niya upang itumba ako pero mabilis kong natukod ang mga kamay ko at sinipa siya sa may tiyan niya. 

"Marunong ka lumugar. Aviesto ka lang, Gwedalvega ang kinalaban mo." Napaatras siya sa may female CR na hawak-hawak ang tiyan niya. 

"Lumugar ba kamo?"  nagbasag siya ng bote ng alak sa may counter  at sakto namang may lumabas na babae, medyo paliko-liko pa itong naglakad pero nagulat siya nang pumunta sa likod niya si Fraz at tinutok sa may leeg niya ang basag na bote. Mas nagising naman ang diwa niya nang maramdaman niya ang bahagyang pagtusok sa bote sa may leeg niya. 

"Prince Azi, tulungan niyo po siya. Sasaktan po siya ng isang Aviesto, hindi ba kaya namang gawing ng isang Gwedalvega ang lahat?" nagmimic si Fraz habang sinasabi niya ito at medyo tumatawa pa tsaka biglang sumeryoso ang mukha. 

"Hoy anong prince-prince ang pinagsasabi mo?! Nasa Pilipinas tayo baliw ka, bobo ka ba o hindi ka lang nakikinig sa History teacher mo?" medyo kumunot naman ang noo ko sa narinig  sa bunganga ng babaeng ito. Alam niya ba ang pinagsasabi niya? 

"Araaaaay! Puta you!" nagsitigil ang lahat sa pagrarambulan nang sumigaw ng pagkalakas-lakas ang babae dahil sa pagdiin ni Fraz ng bote. Maging ako ay medyo napaatras dahil sa lakas ng pagkasigaw niya, si Fraz naman ay napapikit -malamang baka medyo bingi na siya dahil sa lapit ng tainga niya sa bunganga ng babae.  Buti nga sa kanya.

"Azi di ka raw niya kilala oh. Bakit? Ah, sino ba namang makakakilala sa isang prinsipe na walang ginawa kundi ay gumawa ng gulo. Isang inutil na Prinsipeng hindi kayang magligtas ng isang civilian."  napakagat ako ng dila nang marinig ko ang mga katagang yan sa labi ng isang Aviesta. Tsssss ang daming satsat.

"HA! Ako pa ba ang inutil ngayon sa ating dalawa? Sino ba ang nanghostage ng babae para takutin ako at umilag sa away. Papatayin mo siya? Sige, ipakita mo kung gaano kaduwag sa pakikipaglaban ang isang Aviesta. MAGALING LANG PUMATAY NG ISANG WEAKLING PARA TAKASAN ANG MALAKAS NA KALABAN - did you remember your dad Fraz?" nakita kong mas himigpit ang kapit niya sa bote.

"Azi, be careful of what you're saying -may involve na civilian dito." narinig kong sabi ni Yihiro. Hindi ko na mabawi ang sinabi ko dahil nasabi ko na yon.

"Pakawalan niyo na ako please, I won't seek out ever again. Hindi na ako iinom ng alak, tsaka hindi na ako mangba-busted ng lalake, papasok na din ako sa school please. Kung inutusan kayo ng daddy ko, please tawagin niyo siya sabihin niyong magiging good girl na ako. Huhuhuhuhuhuhu" nagulat kami nang bigla na lang humagulhol ng iyak ang babae. Napaisip naman ako sa sinabi niya, wala namang connection yun sa nangyayari ngayon. Baliw ba'to?

"Fraz let her go please." napatingin ako kay Syan at tinitigan siya ng masama sa mata. Hinawakan siya ni Quil, tsaka napatingin sa akin at medyo umatras. 

"HOW DARE YOU TO BEG IN THIS LOWLY PERSON?! HINDI TAYO NAGMAMAKA-AWA SYAN!" tinutok ko ang mga daliri ko sa kay Fraz. Hindi nagmamaka-awa ang Premiers.

Napalunok ng laway ang babae, at iniiwasan kong tingnan siya. Gagawa ako ng paraan para hindi siya madamay dito, at pagbabayaran ko ang Aviesto sa gulong ginawa ng magaling nilang Fraz.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaa! Puta! Puta!" nagulat naman kaming lahat nang magsisigaw na si Fraz matapos siyang kagatin sa kamay ng babae. Nahagip pa ng bote ang leeg niya kaya nakita ko na medyo may tumulong dugo dito. 

"I bless you in the name of the precious liquid!" Lumapit naman siya sa akin at tinadyakan ako sa paa, tsaka ako binugahan ng laway at mabilis na tumakbo palabas ng bar.

"FUCK!" diring diri kong pinahid ang leather jacket sa mukha ko. Sinubukan pa siyang habulin ng anim pang Premiers pati ng grupo ni Fraz nang bigla na lang may dumating na mga pulis. Agad kaming napaatras at  mabilis na tumakbo sa ibang direksiyon ng bar pero naunahan kaming harangan ng iba pa.

"Shits, we're dead now." narinig kong sabi ni Rye bago ko nakitang palapit ang pinaka ina-ayawan kong tao sa lahat -ang magaling kong ama. 

-----------------------------------------------------------

Author's Note:

This story is a work of fiction, any resemblance of names, characters, places, incidents, and events are purely coincidental. The author is with full knowledge that she is not a veteran writer, so any critics in grammar, comments in story line and reaction towards the plot is accepted for the betterment of the story. 

The New Era's KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon