Chapter 4

21 4 0
                                    

"I want you, Elena. And what I want, I get."

Paulit-ulit na pumapasok ang linya na iyon sa utak ko. Hindi ko mawari kung seryoso ba siya o hindi saakin.

Papasok ako ngayon sa school ng nakita kong nasa may gate si Stephen at parang may hinihintay. Hindi naman sa assuming pero assuming na sige, na ako ang hinihintay niya.

Lumihis ako ng landas ngunit huli na ang lahat at nakita na niya ako.

"Elena! Wait up!"

Naglakad ako na parang wala akong naririnig.

"Hey Sam!" Bati saakin ni Amber. Papasok na rin siya ng school.

"Hi." Ngumiti ako at sinama siya sa paglayo kay Stephen.

"Sam, hindi ba tayo papasok?" Nagtatakang tanong ni Amber saakin.

"Hey! Amber! Elena!" Patuloy parin ang paghabol saamin ni Stephen.

"Sam, si couz oh, tinatawag tayo." Pagpansin naman ni Amber sa pinsan niya.

"Pabayaan mo na." Sagot ko naman sakanya at nagamamadaling hinatak siya doon ng masmabilis.

"Sam, tell me the truth, ano ang meron sa inyo ni Steph?"

Nandito kami ngayon sa coffee shop malapit sa school, buti nalang at hindi na kami naabutan ni Stephen.

"Wala nga sinabi, ang kulit." Kanina pa kasi siya kinukulit ni Amber.

"Kunwari ka pa, may something ehh." Mapanuksong saad nito.

"Ewan ko sayo." At pinaikutan ko siya ng mga mata.

"Indenial ka pa kasi ehh."

Galit ko siyang tinitigan at ang lokaloka naman ay tumawa lang.

"Tara na nga, pumasok na tayo sa second subject." Aya ko nalang sakanya.

"Alright." At nginisihan lang ako.

...

Nandito na kami sa classroom at nagdi-discuss ang professor namin.

Nabobored na ako. Dudukdok na sana ako ng dinismiss na kami. Mabuti naman.

Naglalakad na ako palabas ng room at pupunta sa next class ko.

"Elena." Kinilabutan ako sa boses na tumawag saakin.

"S-stephen." Nauutal kong saad, kinakabahan ako.

"I'm serious about it Elena." Seryoso niyang sabi.

"H-huh?" Sagot ko naman, parang nawawala ako sa sarili ko.

"I know you know what I'm saying." Malumanay pero makahulugan niyang saad.

"Ahh ehh" Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko nagmumukha tuloy akong tanga.

Nanigas akonsa kinatatayuan ko.ng bigla akong akbayan ni Stephen.

"Kaya simula ngayon, I'll court you." Bulong niya saakin na ikinatindig ng aking balahibo.

"Hi-hindi. Ayoko." Saad ko.

"I don't care Elena. Sa ayaw o sa gusto mo, I'll make you fall for me."

Sweetest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon