Two

20 1 0
                                    

"Fiona, aalis na 'ko ha? Siguraduhin n'yo lang na pumapasok kayo at nag-aaral kundi ay ako mismo ang sisipa sa inyo papunta sa ibang planeta," nagbigay ako ng pera sa kanilang dalawa na hindi siguro lalagpas ng fifty pesos. Iyon lang kasi ang nasa bulsa ko, at maging ako naman ay wala naring pera.

"Opo, ate. Sige na, umalis ka na! Baka mapagalitan ka pa nung masungit mong manager." tinawanan ko si Fiona at nagpaalam na sa kanilang tatlo. Binilinan ko rin si lola na inumin ang kanyang gamot. Mamaya ay maghahanap ako ng pwedeng itakip sa bubong upang hindi iyon tumulo ng tumulo. Lalo na at may bagyo raw na paparating.

Napabuntong-hininga ako ng makarating ako sa cake shop sa tamang oras. Namataan ko rin doon si Sarah na nakabihis at nakauniporme na. Maliit lamang itong cake shop na pinagta-trabahuhan namin. Kaya dalawa lamang kaming empleyado, at masungit pa iyong manager nito.

Nagbihis na ako at sinamahan na si Sarah doon na maghintay kung may bibili ba o wala.

"Ano Thea, nakabayad ka na ba ng tubig at kuryente?" tumango ako sa kanya. Nagbayad ako bago ako makapunta rito, mabuti nalang at sumakto ang pera ko para doon. Hindi na baleng wala akong makain ngayong araw, nasanay narin naman ang sikmura kong walang laman na pagkain araw-araw.

Hindi katulad ko, ay may kaya sa buhay si Sarah. Hindi s'ya mahirap, kagaya ko. Pero nakakatuwa dahil hindi s'ya nandidiri saakin, o hindi iba ang tingin n'ya saakin. Itinuturing n'ya akong matalik n'yang kaibigan kaya natutuwa ako sa kanya dahil doon.

"Aalis na muna ako, kayo na ang bahala dito." umalis na ang manager kaya napabuntong-hininga kami. Dahil dalawa lang naman kami rito at maliit lang itong cake shop ay kaming lahat ang gagawa ng mga bagay katulad ng paglilinis at pagpapaganda nitong shop nya.

Hindi naman iton mabenta kapag walang okasyon, kadalasan ay tuwing Valentines lamang malaki ang kita namin, kapag normal na araw ay hindi gaano. Depende nalamang kung may nagsasapit ng kaarawan.

"Oo nga pala, kamusta 'yung isa mong trabaho? Papasok ka ba dun mamaya?" tumango muli ako sa kanya.

"Kailangan eh, ikaw ba?" tumango rin sya. Ang isa pa n'yang trabaho ay tagalinis ng kotse, ako naman ay tagalinis ng sapatos.

"Maligaya ka naman dun sa pagbebenta mo nung ginagawa mong tshirt?" natawa ako sa kanyang tanong at tumango. Gustong-gusto ko talaga kapag nailalabas ko kung anuman ang nasa isip ko sa pamamagitan ng paggawa ng disensyo ng tshirt.

"Eh kamusta naman ang benta mo?"

"Medyo madalang, pero ayos lang. Nakaka-enjoy naman dahil maraming natutuwa sa mga ginagawa ko." binigyan n'ya ako ng ngiti kaya sinuklian ko s'ya noon.

Kahit na hindi ganoon kalaki ang kinikita ko sa tuwing nagbebenta ako ng tshirt ay masaya naman ako dahil nagagandahan sila sa mga disenyo ko. At nakakakilala rin ako ng iilang mga tao.

Nang sumapit ang tanghalian ay saglit naming nilagyan ng 'lunch break' ang screen sa labas at nagsimula na s'yang kumain. Habang ako naman ay naiilang na nakaupo lamang doon. Hindi ako sigurado kung saan ako titingin. Kung sa labas ba, o doon sa mga cake, o sa kanya na kumakain. Pero ayoko namang isipin n'ya na patay-gutom ako kaya hangga't maaari ay hindi ako tumitingin sa kanya.

"Gusto mo ba? Eto oh, sa'yo nalang 'to. May baon pa naman akong isa." alok nya saakin na kaagad ko namang tinanggihan. Palagi nalang kasi n'ya akong tinutulungan sa lahat ng bagay kaya nahihiya na ako sa kanya.

"Hindi na, okay lang ako. Busog pa naman ako dahil marami akong nakain kaninang umaga." binigyan ko s'ya ng matamis kong ngiti. Pero hindi sya nakumbinsi ng ngiting iyon dahil napa-iling sya sa pagtanggi ko.

"Thea, bakit ba nahihiya ka parin saakin? 'Di ba magkaibigan naman tayo? Ang kaibigan, nagtutulungan. Kaya eto na, sa'yo na 'to. Meron pa akong pagkain dito sa bag ko." inilagay n'ya sa tapat ko ang pagkain n'yang kinakain, pinahiram n'ya pa ako ng kutsara at tinidor mula dito sa shop at ibinigay iyon sa akin.

Shattered.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon