Three

22 1 0
                                    

Pinagmasdan ko ang natutulog na mukha ni Richard. Iniayos ko sya sa kanyang pagkakahiga sa sofa at kinumutan. Hindi ko maialis ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ko ang librong ibinigay nya sa'kin kanina. 'Eleanor & Park' ang title no'ng libro. Isinulat ni Rainbow Rowell. Hindi ko pa naman s'ya kilala at ito ang unang pagkakataong magbabasa ako ng kanyang libro. Ang paborito ko kasing manunulat ay si Nicholas Sparks at John Green.

Alam ni Richard na mahilig akong magbasa. Iyon kasi ang pinaka-gusto kong gawin. Kung papipiliin ako ng gagawin ko sa buong isang araw, 'yon ay ang mag-basa. Dahil sa pagbabasa kasi, ay nawawala ako sa reyalidad. Malaya akong nakapag-iisip na umaayon sa binabasa kong libro, pwedeng-pwede akong maging masaya at kiligin.

Kaya naman palagi n'ya akong binibigyan ng libro sa tuwing nagkikita kami. Magaganda ang mga librong ibinibili n'ya sa'kin. Pwede na nga akong gumawa ng sarili kong bookshelf dahil sa dami ng librong naibigay na n'ya sa'kin eh.

Inilagay ko muna sa'king bag ang libro at saka iniligpit ang mga pinagkainan namin.

Habang hinuhugasan ko ang pinggan, hindi ko maiwasang hindi maisip ang pamilya ni Richard. Alam naman nila ngunit hindi pa nila ako nakikita ng personal. At sa tingin ko ay hinding-hindi ko nanaising mangyari 'yon. Lalo na sa kanyang anak. Hindi ko alam, at wala rin namang sinabi si Richard ngunit pakiramdam ko ay ako ang mag kasalanan kung bakit nag-rebelde ang kanyang anak at nag-punta sa ibang bansa ng ilang taon, noon. At ngayon ay bumalik na pala s'ya ulit rito. Balita ko ay may nobya narin ang kanyang anak na 'yun. Hindi n'ya kailanman sinabi kung sino s'ya, siguro para narin hindi ko masyadong isipin.

Kung tatanunging ako, ay hindi, hindi ako masaya sa sitwasyon kong 'to. Hindi ko kailanman ito ginusto.

Hindi ko alam kung bakit o kung paano. Dahil hindi naman namin ito pinag-uusapan ni Richard na sinasabi talaga ng direkta. Basta ay isang araw, nagising na lamang akong kabit.

Para sa'kin ay hindi naman 'to masama. Inaalagaan ko si Richard dahil may sakit s'ya sa puso at hindi n'ya 'yun gustong sabihin sa kanyang pamilya. Malaki rin ang utang na loob ko sa kanya kaya wala akong karapatan para tumanggi. Ngunit ito ang naging kalabasan ng araw-araw naming pagsasama. Inisip na kaagad ng ibang tao na ganoon dahil iyon ang nakikita ng mata.

Inalis ko sa isip ang mga pag-aalala at ipinokus na lamang sa paghuhugas ko ng pinggan at pagliligpit ng mga ito.

"Salamat Richard, pero 'di mo naman kailangang gawin 'to eh. Kaya ko namang mamasahe." ipinatong n'ya ang kanyang kamay sa aking ulo at bahagyang ginulo ang aking buhok. Nginitian n'ya ako.

"Palagi mo nalang akong nire-reject. Thea, ako ang may gustong ihatid ka dito. At isa pa, kung nahihiya ka man, ay 'wag na dahil hindi naman importante kung mayaman ka o mahirap." sinuklian ko nalang 'yon ng ngiti at niyakap s'ya ng mahigpit.

Mali s'ya. Napaka-importante kung ano ang estado ng isang tao sa buhay na 'to. Importante kung mayaman ka, at hindi kung mahirap ka. Gano'n naman talaga 'yon.

"Oo nga pala, gusto kong bumili ka ng mga libro para sa'yo at ipili mo na rin ako. May pera na sa loob ng bag mo."

"Pero kakabigay mo lang sa'kin ng libro kagabi, at isa pa--" iniharang na n'ya ang kanyang daliri sa aking bibig kaya napatigil ako sa pagsasalita.

"Sige na, pumasok ka na. Baka pagalitan ka pa no'ng manager n'yong mataray." tumawa ako sa kanyang sinabi at mabilis n'yang idinampi ang kanyang labi sa'kin. Kinawayan ko s'ya at kinawayan n'ya rin ako pabalik habang nagmamaneho na s'ya palayo.

Nang makapasok ako sa cake shop, napabuntong-hininga ako ng makitang wala pa si Sarah. Mabuti naman. Kundi ay mahihiya na naman ako sa kanya dahil makikita n'ya kami ni Richard.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shattered.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon