ISA DALALWA TATLO HANGGANG SAMPU (IKALAWANG BERSYON)

12 0 0
                                    


Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Binibilang mo kung ilang araw mo na syang binabalewala. Tatlong araw mo na pala syang di kinakausap. Tatlong araw mo na pala syang hindi kinukulit. Tatlong araw na pala simula nung nakita mong may kasama syang iba. Tatlong araw na pala ang nakakaraan nung napagtanto mong naging isa ka pala sa laruan nya. Nakita mo sya, may kasamang iba. Matatanggap mo sana kasi baka kaibigan lang pero nakita mo din sa facebook na nagswimming sila, kasama ang mga kaibigan nya, may picture, nakayakap sya sa kanya. Matatanggap mo sana ang sorry nya kaso hanggang ngayon hindi pa din sya humihingi ng tawad sayo. Kaya naisip mong, baka wala na. Baka nga pinaglaruan ka lang nya. At ikaw tong tatanga tanga, naniwala at umaasa.

Nasasakatan ka. At hanggang ngayong nagbibilang ka pa din kung ilang luha na ba ang naipatak ng iyong mga mata. Apat.. Lima.. Anim.. Hindi mo na halos mabilang kung ilang araw ka na umiiyak. Kung ilang araw ka ng umaasa na magsorry sya. At babalikan ka nya. Kung ilang araw ka ng nagpapakatanga na ichachat ka nya. Wala. Walang ni isang chat, walang ni isang text. Pero naghihintay ka.

Hanggang sa ang isang linggo'y naging dalawa, naging tatlo hanggang sa lumaon ang mga linggo. Naghihintay ka. Pero hindi sya dumating. Sinabi mo sa sarili mong itutuon mo nalang ang sarili mo sa mga ibang bagay. Sa mga bagay na nakakapagpasaya sayo, sa mga bagay na mapapakinabangan mo. Pito.. Walo.. Siyam.. Sa pangsiyam, sya ay bumalik.

Ngunit wala na. Ayaw mong nang masaktan pa. Natuto ka na sa mga bagay na nakasakit sayo dahil sa kanya. At sampu.. Ayaw mo na. Hindi mo na babalikan pa sya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isang TagayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon