Mirror Never Lies

214 4 2
                                    

May mga bagay talaga kung minsan ang hindi agad maipaliwanag. Mga nakikita ng dalawang mata pero hindi mo alam kung san nagmula at anong ibig sabihin. Ang tangi mo lang basihan ay ang huling pangyayari at ano ang totoo mong naramdaman...

Tala: Mama nandito na po ako......

Melo: So sigurado kabang ok kana?

Tala: Oo Melo salamat huh at pasensya kaya kung hindi ako makapagsalita sa daan siguro pagod lang ako.

Melo: Lollipop?(alok niya habang ibinibigay ang lollipop)

Tala: ikaw talaga sige salamat para sayo na yan hehe

Melo: Sigurado ka? Para sayo to tanggapin mo na

Napangiti ang dalaga at marahang aabutin ang iniaalok ng binata ngunit...

Melo: Pero wala na pala akong extra eh wag nalang nga sakin nalang to bumili ka nalang ng para sayo XD (nakangiting sinabi ng binata)

Tala: gggggrrrrrrrrrrrrrrr ogag ka talaga Melo sige na umuwi kana at baka abutin ka pa ng dilim sa daan

Melo: hahahahahahaha.. sige pahinga ka ng maayos kita kits bukas (kindat ng binata)

Tala: ok(umiiling habang nakangiting binanggit ang pag sangayon)

UUHMMM(sigh) what a day... MAAAAA? MAMA?

Hmm asan kaya ang napakaganda kong mama..... mamaaaaaa? nandito na po akooo..

eeeiiiinnnnkkkkk.............(tunog ng bumukas na pinto)

Napatingin si Tala sa kwarto nya sa hinalang duon ng mula ang narinig na tunog.. dahan dahan sya umaakyat ng hagdanan habang hinuhubad ang jacket..

Tala: Mama alam mo mejo sumama ang pakiramdam ko kanina. nawalan po ako ng malay sa school, nagising po ako na nasa clinic na.. 

Mama.. ako na po ang bahalang mag ayos ng silid ko, wag na po kayong mag abala. pasensya na po kung hindi ko naayos kanina sa pagmamadali. 

Bloooooog.....!!!(sumara ang pintuan ng  kwarto)

Tala: Mama? ayan ka nanaman eh hay naku..

Binuksan niya ang kwarto sa pagasang makikita ang ina na nasa loob ng kanyang kwarto ngunit sa tingin palang nya mula sa labas ng silid ay wala na syang makitang tao sa loob nito. Sinubukan nyang pumasok sa loob para makita ang kabuoang bahagi ng silid ngunit wala naman ang kanyang ina.

Bukas ang bintana, gumagalaw na kurtina sa dampi ng mapagbirong hangin.

Tala: Ayyy naiwan siguro ni mama na bukas ang bintana (sigh)

 Habang papalapit sa bintana mula sa pintuan ay napadaan sya sa salamin sa kanyang silid. Marahang paglalakad. Biglang natigilan si Tala pagkalampas ng salamin, hindi man sya lubos na nakatingin sa salamin ngunit ramdam niya na wala sa nadaanang salamin ang kanyang sarili. Nanlalaki ang mata nya sa gulat, at para makasigurado ay marahan siyang bumalik at makita ang harap ng salamin. 

Buntong hinga ng dalaga...

Nakahinga ng maluwag ng makita niya ang sarili sa salamin. Marahan nyang tinitigan ang paa paas sa mukha para makitang mabuti ang itsura sa harap ng salamin. Bahagyang ngumiti ang dalaga ng makita ang maamo niyang mukha sa salamin, Itinaas ang kanang kamay at humawak sa salamin na tila pinag hawak ang kamay mula sa katotohanan at kamay sa loob ng salamin

Lukso Ng DugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon