LMV 4

6 2 0
                                    

Dumating na ang mga guard ng hospital kasama si kuya

Hindi na sila mahihirapan dahil mismong hospital na ito
Hayyy...sinilayan ko ang mga taong  nakahandusay ngayon sa harap ko dahil Sa kadahilanang pinatay ko sila

Lumapit sa akin ang taong ayaw kong makita ,napabuntong hininga nalang ako,Ang taong kausap ko sa telepono kanina ay ang taong Kaharap ko ngayon

"You should check yourself on the mirror"sabi niya at inabutan ako ng panyo, as if totoong may pakielam sila sa akin

Fake people nagkalat sa buong mundo lalong lalo na sa paligid ko hayyy...

Tumalikod na ako sa kanya at nagsimula ng maglakad paalis sa kwartong ito

"Kayseri "tawag niya sa akin

Huminto ako pero hindi na ako humarap sa kanya,bakit pa diba?

"Believe it or not,I really care for you my sister"saad niya,umiling nalang ako at nagpatuloy na sa paglalakad

Hindi na sila nadala,pinapahamak lang nila ang mga sarili nila

Sinisigurado ko pag may nangyari pang ganito kay mama,ako mismo ang papatay sa kanila
.............

Tulala lang ako na naglalakad papuntang cr

Napapansin ko rin na iniiwasan ako ng mga taong nadaraanan ko dahil duguan ang kamay ko at may hawak din na baril

Kayo ba pag nakakita ng parang wala sa sarili na duguan sinong hindi matatakot

Kahit ako nga natatakot sa sarili ko ehh...

Hindi ko nalang sila pinapansin

............

Nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko
Tinignan ko siya,parang namumukaan ko siya pero hindi ko lang maalala kung saan

"Can we talk?"tanong niya,meron din akong makikitang pagtataka sa kanyang mukha

"Wait lang pupunta muna akong cr"sabi ko at tumalikod na ulit para pumunta ng cr,nang makapasok ako ay nakita ko ang suot ko na croptop na may dumi na siguro dahil doon sa pagsipa sa akin sa tiyan nung isang lalaki kanina

pati yung buhok ko ay gulogulo na at may mga konting dugo Sa mukha ko

Hayy...

Nang matapos ako ay lumabas na ako ng cr

Nakita ko naman yung lalaki kanina na humawak sa kamay ko na naghihintay

"Can we talk now? "Sabi niya

"Ofcourse"sabi ko medyo inaantok na ako at nawawalan na ako ng gana

"Doon tayo sa labas"sabi niya

"Okay " naglakad na siya palayo,alangan ako mauna diba duh.. siya kaya nagaya sa akin

Pero parang nakita ko na siya kung saan eh

Baka isa siya sa mga nabugbog ko?haaahhahaha joke lang ang gwapo pa naman niya hehehe

Naku kayseri parang hindi ka galing sa patayan kanina ahh...

............

Huminto kami sa garden, kahit gabi na ay marami pa ring mga tao ang naglalakad dito

"Bakit mo nga pala ako gustong kausapin?"tanong ko sa kanya

"Hindi mo ba ako nakikilala?"

"Huh? Sorry hindi eehh " sabi ko
Medyo na disappoint naman ang mukha niya

Hahaha sige ok lang

"Ako yung kuya nung batang kasama mo sa mall kanina " saka lang pumasok sa isip ko si kenley luxor at siya
Siya pala yun ...

"Ahh si kenley?"sabi ko

"Yup"sabi niya

Katahimikan ang namayani  sa amin

Awkward

"Hindi mo dapat ginawa yun"

"Yung ano?" Naguguluhang tanong ko

"Yung paglalakad mo na may dugo sa mga kamay mo at m-may hawak pang baril"saad niya

"Ahh...yun ba?Hind ko nga rin alam kung bakit ginawa ko yun ehh"sabi ko

Natahimik ulit kami ...
Ako na ang bumasag sa katahimikan

"Ahm... bakit mo nga pala ako gustong makausap? "Tanong ko sa kanya with a question face look

"Ahh kasi..."medyo kinakabajan na sabi niya,ano naman kayang ginagawa ng lalaking to?

"Be my friend "sabi niya at umiwas ng tingin

Pero umiling din agad siya

"Ay hindi pala,be my best friend "mas lalo akong nagulat sa sinabi niya

"May nag utos ba sayo na kaibiganin ako?"tanong ko sa kanya,hindi ko alam kung gusto lang talaga ng lalaking ito na makipagkaibigan o may iba siyang intensiyon

"Huh? W-wala"sabi niya,ahh ok

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatanggi sa kanya,wala naman sigurong mawawala sa akin kung magiging kaibigan ko siya diba?

"Okay"sabi ko,napalingon naman siya sa akin

Nakita ko ang saya sa kanyang mga mukha
"Ayy oo nga pala,ano palang pangalan mo?"tanong niya sa akin

Tignan mo tong lalaking ito nakikipagkaibigan tapos hindi pa pala alam ang pangalan ko

"Kayseri hassey amazon"sabi ko

"Ahh pwede bang tawagin nalang kitang khassey"saad niya

(Pronounce as ka-si)

"Saan mo naman nakuha yun"tanong ko sa kanya

"Sa pangalan mo kinuha ko ang K sa kayseri at idinugtong sa second name mo na hassey "sagot niya

"  ahhh ...Ang ganda naman"sabi ko at ngumiyi sa kanya

"Oo ,kasing ganda mo"saad niya pero hindi ko narinig  dahil bulong lang iyon

"Huh? Anong sabi mo? "Sabi ko ng maypagtataka

"Wala wala!"sabi niya

"Ahh ok "sabi ko at tumango nalang

"Ilang taon mo na nga pala?"tanong ko sa kanya

"17 ikaw ?" Sabi niya

"Same age " sabi ko habang pinanonood ang mga taong nag lalakad dito sa garden

Nag usap usap pa kami ng may maalala ako

Ano nga ang pangalan nito? Naging bestfriend ko tapos hindi ko alam ang pangalan. Stupid kayseri hayy...

"Ahh may itatanong sana ako "sabi ko

"Ay khassey kailangan ko ng umuwi,emergency kasi ehh hinahanap na ako sa bahay"sabi niya at tumayo na

"Ahhh pero..."

"Sige bye khassey see you next time"at naglakad na siya palayo

"Wait lang !"sigaw ko pero hindi na niya yata narinig dahil medyo malayo na siya

Hindi ko man lang natanong kung anong panagalan niya Hayyy.....

Ano kayang pangalan ng boy bestfriend ko?

°°°°°°°°°°°°°°

La Mia VitaWhere stories live. Discover now