Chapter 1: Dominique Eunice Cruz Gomez

23 0 0
                                    

Maaga akong umalis na bahay, medyo malayo kasi yung school eh. 1 hr gamit ang bike, 45 minutes pag nagcommute. At dahil hindi naman ako mayaman, eto ako’t nagbibike papasok. Nakakatipid na sa pamasahe at the same time nageexercise na rin ako hahaha.

At last nandito na rin ako sa mamahaling eskwelahan. Pinarada ko na yung bike ko dito sa Guard house. Close kami ng mga guards ditto kaya pinapayagan nilang iparada yung bike ko hahaha.

“Good morning!!Ate Marj! Salamat ah, at dahil dyan eto bigay ko sa inyo baka hindi pa kayo nag aalmusal eh” bati ko sa kanila. Marjorie ang name ni ate guard pero Ate Marj ang tinatawag ko kasi close kami eh bat ba haha

“ Naku day, salamat day! Oo hinde pa kami nakain eh, nag abala ka pa”, sagot ni ate Marj.

“ Wala yun noh, tsaka every first day of the sem lagi ko naman kayo binibilhan ng almusal eh hehe”, sagot ko

“Kaw talaga, cge salamat ah, ako na magbabantay ng bike mo, pasok ka na! Bye day!

“Sige po” then umalis na ko. Yung parking area dito, may bayad at kada studyante may kanya kanyang slot sa parking, ganyan talaga kapag mayaman noh..

                Hindi pa pala ako nag papakilala,,, ay kilala nio na pala ako kasi nakalagay noh “Chapter 1: Dominique Eunice Cruz Gomez”, sa mga nakabasa nyan, ayan nga yung name ko, sa mga hindi naman na hindi nagbabasa ng title sa chapter, yan po ang name ko haha. Dominique Eunice Cruz Gomez, 18 years old, 3rd yr na taking up Bachelor of Science in Nursing dito sa PANGMAYAMAN UNIVERSITY este Dr. Guivarra University. Ang mahal kasi ng tuition ditto kaya mayayaman lang nakakapasok ditto. Pano ako nakapasok? Scholarship- Full. Salutatorian ako nung high school at namamaintain ko yunng grades ko kaya naavail ko yung scholarship then every sem my allowance oh di ba nag aaral na nga, kumikita pa, d naman sa pagmamayabang pero matalino ako eh bat ba?! Haha. Pinilit ko talagang makapasok sa mamahaling eskwelahang ito kasi dito nag aaral yung mortal kong kaaway, makikilala niyo rin yun mamaya. May kapatid ako si Daryl Earl, 15 years old, 4th year high school. Si mama mananahi cya at karpintero naman ang tatay ko. Hindi man kami mayaman atleast kompleto at masaya kaming pamilya.

“ Ms. Gomez, hindi porket Rank 2 ka sa buong campus eh pwede mo ng suotin ang damit na gusto mo”, sabi nung babaeng nasa likod ko.

Teka familiar yung boses nayun ah

“ Gale!! Good morning!! Ah hahahahaha, actually papunta akong CR eh hehehe, tapos nag peace sign ako.

Nakajogging pants kasi ako dahil nagbibike ako papasok d ba? Yung uniform namin long sleeve na puti at palda alangan naming mag bike ako na nakapalda.

Si Abigail Guillermo, Student Council Officer yan, classmate ko at syempre kaibigan ko, forever groupmate nga kami nyan eh, umpisa nung magduty kagrupo ko na yan. Bakit? Kasi magkasunod lng yung surname namin- Guillermo Gomez.

“First day ngayong 2nd sem pagbibigyan kita pero next time hindi na kahit kaibigan pa kita. Unfair kasi sa iba. cge na samahan na kita sa CR”, sagot ni Gale.

“Salamat Gale, love mo talaga ako haha” sabay kurot sa pisngi nya.

-----

Andito kami sa elevator papuntang classroom, nasa 4th floor kasi yung room namin.

“Nick try mo kayang tumakbo next year sa Student Council or sure panalo ka”

“Eh?? Ayoko nga, ayoko magorganize ng mga events noh tsaka ayoko manita ng mga students tlad ng ginagawa mo”

“ Hahaha eto naman, pano kung hamunin ka ni “Your mortal enemy since elementary” hah? For sure papaya ka , alam ko naming hindi ka tumatanggi sa hamon lalo na’t sa knya manggagaling”

“Nu-uh, hindi na tatakbo yun sa SC, school president ang tatay nya, para namang makasarili cya kung pati pwesto ng president sa SC eh aagawin nya, ibigay niya na lng yun sa iba noh!”

Hindi ko napansing nagbukas yung elevator kaya naman narinig niya ung sinabi kokay Gale.

“Tama ka Ms. Talunan, kaya nga wala akong balak sumali dyan eh, mapapagod lang ako at isa pa for sure ako ang mananalo in case na tumakbo ako.” Sabi nya

“Ang yabang talaga! Tara na Gale!”

Lumabas na kami ng elevator at pumasok naman cya.  Ang yabang, sure win na daw, well mukhang totoo naman =_=.Andito na kami sa classroom at naghanap ng magandang pwesto, for sure alphabetical na ang kakalabasan.

“Good morning Ms. Gomez” sabay sabay nilang bati. Ok anu meron? At sabay sabay pa talaga

 Good morning rin” then ningitian ko sila.

“Ang galing mo talaga Dominique, top 2 ka ulit sa buong campus.”, sabi ni Jessica

“Ah haha ganun ba, thanks.” Sagot ko.

“As usual and expected, hanggang rank 2 lang naman ang kaya ni Dominique eh” sabi ni Hazel. Ewan ko ba lagging maiinit ang ulo nyan sakin.

“Eh ano naman, atleast siya pasok eh ikaw? Ni hindi mo nga kayang makatungtong ng top 100 eh hahaha, sabi ni Jessica

Nakita kong sumimangot si Hazel, “sinasabi ko lang naman na hanggang rank 2 lng ang kaya nyang Dominique na  yan at d nya kayang matalo si Prince ko. Kailan ba nanalo yang babae nay an sa knya? Hindi pa di ba?!”

“Kung d kau tatahimik alam nio na gagawin ko sa inyo”, singit ni Gale.

Takot sila kay Gale, SC eh. Lumabas ng room si Hazel kasama yung kaibigan niya. Si Jessica naman tumabi sakin.

“Opo Ms. SC! Eh totoo naman kasi yung sinabi ko eh. Huwag mo ng pansinin yung Hazel na yun ah Nique. Sabi ni Jessica

“Hahaha oo naman, sanay na sanay na ko sa mga ganyan noh haha.”

Kaibigan ko rin yang si Jessica. Jessica Danielle Perez ang name nya. Mayaman cya pati rin si Gale. Classmate ko sila umpisa nung high school. Sila lang yung kaibigan ko, yung iba kasi ayaw sakin, ayaw sa mahirap =_=.kung ayaw nila sakin, eh di bahala sila, wala akong pakialam, kaya nga ako nandito kasi may tatalunin ko yung mortal enemy ko eh.

Nagring na means 7:00am na, isa isang nagsisipasukan yung mga students sa room. Nakita kong pumasok si mortal enemy nagkatinginan kami at  ningitian ako, anung nakain nun ang weird ah.

“Good morning BSN III section 1” bati ni Prof. Lopez

“ Good morning Maam”

Congrats mga anak at nasurvive nio ang mga subjects last semester. And I want also to congratulate Ms. Gomez and Ms. Guivarra, kindly please stand up”, utos ni maam. At eto tumayo kaming dalawa.

“Pasok na naman kayo sa top 100, Top 1 at 2 pa kau. Dinaig nio pa ang ibang courses kahit na mahirap ang Nursing. Class, give them a round of applause” then nagpalakpakan na sila.

As usual orientation at diagnostic exam lang naman ang ginagawa sa unang araw ng semester. Ang sakit sa mata mag exam, kada subject kasi 100 items at ang hahaba pang situation.  Uwian na, eto ako’t papuntang CR na malapit sa guard house para magpalit ng jogging pants dun ako magCCR baka mahuli pa ko at bigyna pa ng violation. Si Gale may meeting sa SC, si Jessica naman nagmamadali kasi sinundo sya nag parents niya, mukhang may lakad.

“Feel depressed?” may nagsalita mula sa likod ko pagharap ko, si mortal enemy, don’t tell me sinusundan nya ko.

“ Hindi kita sinusundan, nagkataon lang na parehas tayo ng dinadaanan” ngumiti cya at kumindat…First time nyang gawin sakin yun kaya nagulat ako!!!

“Anong meron at ngumingiti ka dyan, aba mister, d mo ko madadaan dyan. May balak ka noh?” Kadiri pag sya ngumiti parang mangrarape.

“Pinagsasabi mo, masama bang ngumiti. 2nd sem na oh, after nito 4th yr na tau at gaggraduate na pero hindi mo pa rin ako natatalo hahahaha. Top 1 pa rin ako pano ba yan, better luck next time Ms. Talunan”. Dagdag nya at umalis na.

“MATATALO RIN KITA TANDAAN MO YAN KEVIN EZEKIEL GUIVARRA!”sigaw ko sa kanya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon