Filipino 2

581 3 0
                                        

Aralin 2

Unang wika
- ang tawag sa wikang kinagisnan
- tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue at arterial na wika.

Pangalawang wika
- wikang natutuhan ng isang tao pagkaraang matutuhan ang kaniyang unang wika.

Diyalekto
- nangangahulugang barayti ng isang wika, hindi hiwalay sa wika.

Bernakular
- ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook
- isang hiwalay na wika na ginagamit sa isang lugar na hindi sentro ng kalakal
- wikang panrehiyon

Bilingguwalismo
- ay tumutukoy sa dalawang wika

Multilingguwalismo
- ang paghalo-halo ng iba't ibang wika sa isang lugar o bansa.

LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD AT URI NG WIKA

Lingguwistikong komunidad
- batid natin na ang wika ay ginagamit sa komunikasyon at ito ang dahilan kung bakit nagbubuklod.

> May kaisahan sa paggamit ng wika at na iibahagi ito sa iba

Homogeneous ang wika, ibig sabihin iisang anyo at uri (Chomsky, 1965)

> Nakapagbabahagi at malaya ang kasapi sa tuntunin ng wika at interpretasyon

> May kaisahan  sa pagpapahalaga at palagay sa gamit ng wika (Labov 1972)

Homogeneous
- ang lingguwistikong komunidad ay umiiral lamang sa sektor, grupo o yunit na nagkakaunawaan sa isang gamit nila sa wika.

Hal:
•Sektor - mga manggagawa na malaya sa kanilang karapatan at tungkulin sa nagbubuklod sa pagsapi ng kilusang pag gawa.

•Grupong pormal - Bible study group
•Grupong di-pormal - barkada
•Yunit - sa basketball

MULTIKULTURAL NA KOMUNIDAD

Heterogeneous
- magiging iba-iba, samot sari, o marami ang mga wika dahil sa multikultural nating katangian, identidad at pinagmulan.

Hal:
International - United Nations
Rehiyonal - European Union
Organisasyonal - Microsoft, Google

1) Sosyolek
-nilikha ng isang pangkat
-text messaging (jejemon)

2) Idyolek
- espesipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao

3) Diyalekto
- ginagamit sa isang partikular na lugar/rehiyon

Hal:
Dalanghita/aranghita

4) Rehistro
-angkop na pananalita at espesyalisadong terminong dapat gamitin sa partikular na larangan



A HUMSS StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon