kabanata 1

107 32 11
                                    

Kabanata 1

Nagkunot ako ng noo nang madinig ang pag tunog ng sariling cellphone na nasa lamesa. Nag text na naman ang mga kaibigan ko saakin. They are asking me if I am not busy today. Mabilis kong ini-off ang gripo sa lababo at pinahid ang kamay sa suot na damit. Tinignan ko rin kaagad ang text nila saakin.

Alex:
Hindi ka ba pupunta??? Ikaw nalang ata kulang, on the way na si Mariel.

Pinaglaruan ko ang sariling dila. Saka lang ako napabuntong hininga noong dumaan si Papa sa likuran ko. Galing sya sa likod ng bahay, dala nya ang mga nilabhan kong damit.

"Sino 'yang ka text mo?" agarang tanong nya nang mapansin ang mahigpit na hawak ko sa cellphone.

"Sila Alex po Pa, nagtatanong kung sasama ba ako mamaya."

A hint of disapproval is written on his face. Nagkunot sya ng noo. Hindi ko na nasundan ang naging reaksyon ni papa dahil pumasok na sya sa kwarto at inilagay ang nilabhan sa loob.

"Aalis ka na naman?" si Mama habang pababa ng hagdanan.

Nadinig nya ata ang pagtunog ng cellphone ko kanina. Katulad ni Papa, ayaw nyang sumasama ako kay Alex at sa iba kong mga kaibigan.

"Bakit ka ba dikit ng dikit dyan kay Alex? Tignan mo nga 'yang suot ng batang 'yan, palaging may nakasabit na mga hikaw sa tenga."

Tinikom ko nalang ang bibig at hindi na nagsalita pa. Kapag papatulan ko sila, mas lalo lang lalaki ang usapan. They dislike my friends, end of discussion. Kahit na anong gawin kong pagtatanggol at pagpapaintindi, ako iyong magiging mali.

They'll decide what's wrong and right inside our home. Dahil bahay nila 'to. Sila ang batas sa loob. Ano mang gawin namin, may masasabi sila.

"Diba sabi ko sayo na 'wag na 'wag ka ng sasama dyan sa mga barkada mo? Tignan mo 'yang sarili mo, napapabayaan mo na ang tungkulin sa simbahan. Puro ka kasi gala. Puro ka barkada. Puro ka nalang alis." si Mama ulit habang binubuksan ang ref.

Umusog ako ng kaonti para maiwasan si Mama. Gusto ko mang umalis at hindi na makinig, mas lalo lang mag-iinit ang inis saakin nina Papa. They want me to listen to them everytime they'll speak. At kapag hindi ko iyon nagagawa, tatawagin nila akong walang galang.

"Nag si-simba ba 'yang mga barkada mo, ha, Weasley? Baka puro lang 'yan inom at babae ang mga 'yan. Mga pabigat sa bahay."

Hindi ako nagsalita at nagkunwaring walang nadinig. Hindi naman perpekto ang mga kaibigan ko. But my parents sounds like they dislike my friends from head down to toe. Lahat ng gagawin nila, pinupuna.

Nakita ko ang pagbaba ni Courtney. Hawak nya ang cellphone at mabilis na nilapitan si Mama, hindi nya pa nga natatanggal ang tuwalya na nakasabit sa ulo. I just watched my family talking about someone else's business.

"Ma, nakita mo 'yung post ni Chris?" mabilis na tanong nya.

Nagtaas ng tingin si mama at nagkunot ng noo. Lumapit sya sa nakakatanda kong kapatid at dinungaw ang screen ng cellphone. Sobrang seryoso nilang dalawa habang tinitignan ang profile ng anak ng kaibigan ni mama sa Facebook.

"Diba duda tayo na nabuntis sya ng kung sino? Tignan mo Ma, naglagay sa day nya ng mga mangga at isang picture ng PT."

Nagkatinginan pa silang dalawa dahil sa sinabi ng kapatid ko. Gusto kong matawa dahil sa pinag-uusapan nila. They act as if they're holy. How can I try to hide my sarcasm when they are like this?

Araw-araw, ganitong tagpo ang nakikita ko. Every sunday, they'll put their fake faces on and enter the most sacred place to pray. They'll dedicate their hearts, making their faith stronger and act as if they're saints.

Sunrise Series #4: Moonlit NightWhere stories live. Discover now