Chapter 2

1 0 0
                                    

Collin's POV

Nagising ako sa mga sigawan nung mga tao sa baba, siguro naglalaro na naman sila. Tumayo ako at tumungo sa bintana ng tree house ko at nakita ko na nag-uusap sila at may kasama silang isang batang babae na parang kaedadan ko lang din.

"Basta I don't want them, I don't want your friends!"sigaw nung batang babae tapos biglang tumakbo.

Baka yun na yung sinasabi nung kambal na pinsan daw ni Ken na bagong dating lang. Pero hindi ko nagustuhan yung pagsigaw nya kanina kila Ren at Ron. Feeling ko ang taray nya tapos ang arte.

Saan naman pupunta yun? Saulo nya na ba ang daan pauwi? Baka naman tinuro na ni Ken sa kanya yung daan kasi maliit lang tong village na to pero itong kampo at bahay ni Ken ay malayo at maraming pasikot-sikot.

Bumaba na lang ako sa tree house ko para malaman kung anong nangyari.

"Sino yun? Bakit sumigaw? Tapos bakit tumakbo?

"Si Emerald yun, pinsan ko, dinala ko dito kasi sabi nya gusto nya mamasyal edi dito ko dinala para ipakilala ko kayo. Tapos ayaw nya pala sa mga kaibigan ko kasi ang dumi daw ng kamay ayaw nya daw, eww daw. Tapos yun tumakbo baka uuwi, ewan ko lang kung saulo nya yung daan pauwi. Pero baka saulo nya tumakbo pauwi e, aalis ba yun ng wala ako kung hindi nya saulo."sabi ni Ken.

"Baka nga pero tingnan mo kung nandoon sa bahay nyo, kung nakauwi ba?"ako

"O sige titingnan ko"si Ken tapos umalis na sya para tingnan na si Emerald.

"Maligaw sana sya sa buong village, ayaw ko dun sa babaeng yun ang taray"si Ron-Ron.

"H'wag ka namang ganun Ron,kadadating lang naman nun. Tapos maliligaw agad" sabi ko.

"E kasalanan naman nya kapag nawala sya e, may palayas-layas pa sya, alam naman nya na hindi nya saulo yung daan"si Ren.

"Malay nyo naman saulo nya pala yung daan kaya tumakbo, grabe naman kasi kayo mag-isip".

Habang pinaguusapan namin si Emerald ay biglang dumating si Ken na pagod na pagod.

"O ano na?"tanong ko.

"Wala sya sa bahay,tapos tulog yung mommy ni Emerald!"sigaw ni Ken.

"Ano?!"

"Hala!"

"Edi hanapin na natin!"sabi ko sa kanila.

"Sige hanapin na lang natin sya, total maliit lang naman tong village na to e"si Ron.

"O sige, saan naman tayo magsisimula?"tanong ni Ren.

"Sa--basta kahit saan. Maghiwa-hiwalay na lang tayo para mabilis nating makita" sabi ko.

"Paano kung bumalik sya dito sa kampo tapos wala tayo?"tanong ni Ken.

"Edi dyan ka na lang,hintayin mo sya dyan. Total pagod ka na rin naman sa pagtakbo mo"sii Ron.

"Okay, hanapin nyo ha!, ingat"sabi ni Ken sa amin habang tawang-tawang kumakaway tapos umupo sya sa mga upuang bato.

Grabe naman tong si Ken, e dapat nga sya ang nagpapakapagod maghanap dun kasi pinsan nya yun e tsaka sya naman ang may dahilan kung bakit nawawala yun. Bahala nga sya.

Tumakbo na kami nung kambal para hanapin si Emerald. Naghiwa-hiwalay kami,bawat street ng village na to pero,wala talaga.

Nagtry ako pumunta sa bahay namin baka nandun,pero wala rin. Dumeretso na lang ako sa Main Gate para tanungin yung guard pero wala rin daw syang nakikita.

Naisip ko naman na pumunta na lang sa bahay nila Ken para icheck,baka nakauwi na.

Habang naglalakad ako pabalik galing sa Main Gate ay nakasalubong ko sila Ren At Ron.

Sisters At Heart (On- Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon