Dahil nag aral ako sa maynila, nakita ko yung mga bagay noon ay nakikita ko lamang sa TV. Kabilaang rally, traffic, kaguluhan, holdapan at kung ano ano pa.
Isang eksenang naaalala ko.
Hayskul pa ko
Rallyista (TV ) : patalsikin sa pwesto!
Leader (diko kilala): Sobra na pagpapahirap mo sa bayan bumaba ka na sa pwesto!
siguro kung di ako nagkakamali si Erap ang pangulo noon.
2003
Rallyista (actual): patalsikin sa pwesto!!!
Leader (Ah sya yung nasa TV dati): Sobra na pagpapahirap mo sa bayan bumaba ka na sa pwesto!
Si Arroyo na ang pangulo noon. At ang galing sya pa rin ang leader nung mga nagrarally. May prinsipyo ang taong to.
Nasa abroad na ko parang 2010 ata
Rallyista (TFC): Patalsikin sa pwesto!
Leader (Sya pa rin): Sobra na pagpapahirap mo sa mga Pilipino!
Si Noynoy na ang pangulo noon. Aba at talagang bilib na ko sa taong to, may paninindigan at pagmamahal sa bayan. Sya ang laman ng kalsada at balita na tumutuligsa sa gobyerno.
Kasalukuyan
Rallyista (TV): Patalsikin sa pwesto!
Leader (Sya ulit puti na ang buhok): Sobra na! asan na ang pinangako mo! Naghihirap lalo mga Pilipino!
Si Duterte na ang pangulo. At grabe ang taong to, sobrang may paninindigan! nagmamasteral na ako at lahat nagrarally ka pa rin.
Ikaw na lang lumaban na Presidente ng Pilipinas!
YOU ARE READING
Dami mong alam
HumorKwento ng lahat ng bagay na makikita mo sa paligid na wala ka magawa kung hindi tumawa na lamang. Kahit gusto mo sitahin at pansinin wala ka naman magagawa pagtawanan na lang. Tawanan na lang natin mga bagay na hindi naman natin baguhin.