Batang 90's

4 0 0
                                    


Nag-aral ako noon sa Adamson University, ang saya kasi ang laki ng school tapos dami mo kaibigan. Isa akong probinsyano kaya masaya ako pagnakakakita ako ng kakilala ko sa loob ng campus na taga Quezon din. Isang araw, isa sa mga kaklase ko ng hayskul ang nakita ko sa Adamson. Si marjon, isang baklang kulot na pagnagsalita akala mo ay naka megaphone na akala mo ay palaging galing sa mahabang lakaran.

Sa tuwing makikita ko siya kahit di pa sya nagsasalita matatawa na ko. Tawag nya sakin ay daddy G, na sa tuwing babanggitin nya ay parang ngongo na nanlalaki ang bilog ng butas ng ilong. "nani g nani g" kumain ka na ba? "nani g nani g" san ka puputa?. Matatawa ka na lamang sa kanya.

Noong panahon ko sa adamson ay si Arroyo pa ang pangulo, kaya kabilaan ang rally noon sa mendiola at kung saan saang parte ng kamaynilaan. Iniisip ko noon ano kaya ang napapala ng mga nagrarally eh nasasakytan lang naman sila.

Hanggang isang araw inimbitahan ako ni Marjon na sumama sa rally. Ha? aktibista ka ba? sabi ko sakanya. Nagulat na lamang ako na isa pala yun sa mga pinagkakaabalahan nya noong panahon na yun kaya pala palaging mukhang pagod. Ano mapapala natin kung sasama tayo sa rally? eh marami pa ko assignment, sabi ko sakanya. Ano ka ba ang saya kaya sumama sa rally, tugon nya. Libre na ang pagkain, ang saya pa maligo pag binobomba ka na ng bumbero!

Dalawa ang naiisip ko ng sabihin nya yun, kaya sya sumama sa rally kasi may libre ligo na. Oh kaya naman gusto nya talagang mabomba ng bumbero!

Dami mong alamWhere stories live. Discover now