~hand in my hand and we promised to never let go
We're walking the tightrope
High in the sky we can see the whole world down below
We're walking the tightrope
Never sure, never know how far we could fall
But it's all an adventure that comes with a breathtaking view
Walking the tightrope, with you~Tightrope
By: Michelle Williams (from The Greatest Showman)
××"Kita mo 'yon, babes? Makaka graduate narin tayo sawakas!" Masiglang saad ni Aga at mahigpit niyang niyakap ang kanyang nobya.
"Babes." Tipid na saad ni Lea at kumalas sa yakap ni Aga at mabilis na pinunasan ang mga luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata. "Babes, why? Why are you crying? Aren't you happy? Kase look, after so many years makakamit na natin 'yong mga pangarap natin sa buhay together." Iniharap najman ni Aga si Lea sakanya at hinawakan ang mukha nito.
"Masaya ako, Aga, I'm beyond happy, but-" Hindi na naituloy pa ni Lea ang sasabihin nang muling pumatak ang kanyang mga luha.
"Babes, why? I don't get you." Kinakabahang saad ni Aga habang nakayuko naman si Lea. "Kuya wants me to go with him." Kalmadong sagot ni Lea at iniangat ang kanyang ulo at tumingin ng deretso sa mga mata ni Aga, bakas naman sa mukha ni Aga ang pagkadismaya sa mga sinabi ni Lea.
"Pupunta ka ng England? Iiwan mo na ako?" Malungkot na tanong ni Aga ngunit parang tinutusok naman ang puso niya.
"Ayaw kong umalis, Aga, pero kailangan." Sagot naman ni Lea habang umiiyak.
"So, iiwan mo nga talaga ako? Paano na tayo? E 'yong mga pangako natin sa isa't isa? Diba nangako tayo na tutuparin natin 'yung mga pangarap natin na magkasama? Diba nangako tayo na walang mang iiwan?" Deretsong sagot ni Aga at tumayo naman siya kaya naman napatayo narin si Lea.
"Babes, mas magiging maganda kung pupunta ako roon diba? Mas magandang buhay ang aabutan ko doon. Maraming opportunities ang naghihintay saakin doon." Pagpapaliwanag naman ni Lea at sinusubukan niyang kumbinsihin si Aga.
"Diba dito rin naman? Magkasama naman tayo e, tsaka, look gagraduate na tayo. Makakahanap tayo ng magandang trabaho dito sa Pilipinas, babes please!" Pagmamakaawa ni Aga at hinawakan ang mga kamay ni Lea habang umiiyak parin.
"Alam ko naman na magiging ok ang lahat kase kasama kita, alam ko din naman na makakaya natin to." Saad ni Lea at niyakap niya ng mahigpit si Aga.
"Hwag mo akong iiwan, Lea. Hindi kita papabayaan, tutuparin ko 'yung mga pangako ko sayo. Hwag mo naman akong ganituhin, babes." Mas hinigpitan naman ni Aga ang yakap kay Lea at hinlikan ito sa noo.
"Ayaw kitang iwan, Aga. Mahal na mahal kita, hindi ko alam kung ano nalang ang mangyayari saakin kung wala ka, halos kalahati ng buhay ko naging kasama kita, masaya ako kase you're with me, babes." Umiiyak naman na saad ni Lea habang nakayakap parin kay Aga.
"Babes, walang aalis ah, dito ka lang saakin, haharapin natin ito at makakaya natin ito na magkasama."
"I'll convince kuya Gary, babes. Hindi kita iiwan, pero alam mo rin naman na there's a part of me na gusto kong maging maganda 'yung kinabukasan nating dalawa diba, babes?" Pagtatanong ni Lea. "I know, babes, I know. Thank you." Muli naman niyakap na mahigpit ni Aga si Lea.
--
2 years later
Alas dos na ng madaling araw pero kakauwi lang ni Aga. Nadatnan niya si Lea na nakatulog na sa sofa. Naramdaman naman ni Lea na may mga humaplos sa mukha niya kaya ito nagising.
"Babes" saad niya. "Bakit dito ka natutulog, babes." Tanong naman ni Aga at inalalayan niyang umupo si Lea.
"Hinihintay kase kita e." Sagot naman ni Lea.