××Baby really hurt me
Crying in the taxi
He don't wanna know me
Says he made the big mistake of dancing in my storm
Says it was poisonNapakaraming mata ang nakatingin sa kanya habang kumakanta. Marami sakanila ang nakatutok lang sakanya, kabilang ang isang pares ng mata na kanina pa nakatingin sakanya.
Maraming tao ngayon sa bar dahil sa araw ng sahod. May mga estudyante na halatang kakalabas lang ng eskwelahan. Biyernes ngayon at malamang marami talaga ang gumigimik. Habang sa kabilang banda naman ay isang grupo ng mga kalalakihan na mukhang kalalabas lang ng opisina dahil sa kanilang mga kasuotan.
So I guess I'll go home
Into the arms of the girl that I love
The only love I haven't screwed up
She's so hard to please
But she's a forest fire"Pare, hindi ba't si Lea 'yong kumakanta?" Saad ng lalaking kaibigan ni Aga.
"Hindi ako maaaring magkamali, pare, kanina ko pa din siya pinagmamasdan. Kahit saang anggulo ko tignan kamukha niya si Lea." Saad ni Aga habang nakatingin parin sa babaeng kumakanta sa harapan.
I do my best to meet her demands
Play at romance, we slow dance
In the living room, but all that a stranger would see
Is one girl swaying alone
Stroking her cheek"Pero, pare, dalawang taon na ang lumipas wala parin tayong kasiguraduhan kung talagang patay na si Lea" seryosong saad ni Chard at tinignan si Aga.
"Kailangan kong lapitan ang babaeng 'yan, pare" seryosong saad din Aga at nilagok ang alak na nasa bote.
They say, "You're a little much for me
You're a liability
You're a little much for me"
So they pull back, make other plans
I understand, I'm a liability
Get you wild, make you leave
I'm a little much for
E-a-na-na-na, everyoneHindi parin mawala ang tingin ni Aga sa babaeng kumakanta. Patuloy parin ang pag obserba ni Aga sakanya. Mula ulo hanggang paa kanya itong pinagmasdan ng mabuti.
The truth is I am a toy that people enjoy
'Til all of the tricks don't work anymore
And then they are bored of me
I know that it's exciting
Running through the night, but
Every perfect summer's
Eating me alive until you're gone
Better on my own"Sasalubungin ko siya mamaya sa labas, pare" saad ni Aga kay Chard.
"Seryoso ka ba diyan, pare? Baka naman mabigla siya" sagot naman ni Chard.
"Pare, kailangan kong malaman kung siya ba talaga si Lea. Pare, alam mo namang ang tagal tagal na namin siyang hinahanap, ngayon pa ba ako susuko?" Seryosong saad ni Aga at napatingin naman sakanya si Chard.
"Paano kung kamukha niya lang si Lea? Paano kung ibang tao pala siya?" Tanong ni Chard.
"'Yun na nga, pare e, kailangan kong malaman"
"Sige, pare, sasamahan kita diyan" sagot ni Chard at tinapik naman sa balikat si Aga.
They say, "You're a little much for me
You're a liability
You're a little much for me"
So they pull back, make other plans
I understand, I'm a liability
Get you wild, make you leave
I'm a little much for
E-a-na-na-na, everyoneThey're gonna watch me
Disappear into the sunNagpalakpakan naman ang mga tao sa loob pagkatapos kumanta 'nung babae. Hindi naman mawala ang tingin ni Aga sakanya sa bawat kilos na kanyang gagawin. Bumaba na sa mini stage ang babae at tumayo naman si Aga sa kanyang inuupuan at sinundan niya ang babae.
"Lea!" Hinila ni Aga ang babae pagkalabas nito ng pintuan at saka niya ito niyakap ng mahigpit.
"Huh?" Gulat namang saad ng babae at kumalas sa pagkakayakap ni Aga.
"Lea, babes, ang tagal tagal kana naming hinahanap." Saad ni Aga at tumulo ang kanyang mga luha.
"I'm sorry, Mister, but I'm n--" hindi na niya matapos ang sasabihin niya nang halikan siya ni Aga.
Natulala naman ang babae sa ginawa ni Aga na paghalik sakanya kaya ito napaatras.
"You're Lea, babes!" Malungkot na saad ni Aga.
"Mr, you're drunk! Bakit mo ako hinalikan? Gago ka ba?" Sigaw ng babae kay Aga.
"No, I'm not drunk, I'm sober. Babes, isasama na kita" saad ni Aga at pinunasan ang kanyang mga luha.
"Sige, tatawag ako ng guard!" Pagbabanta ng babae. May lumapit namang isang security sakanila.
"Ma'am, may problema po ba?" Tanong ng guard.
Nag aalangan naman ang babae kung sasabihin niya sa guard na ginugulo siya ni Aga nang sumabat naman si Aga."Ah, wala boss! Nag uusap lang kami ng fiancé ko." Sagot naman ni Aga at hinawakan ang kamay ng babae.
"Anong fian--" hindi naman niya natapos ang sasabihin niya ng hilain siya ni Aga.
"Tara na uuwi na tayo, sigurado ako at sobrang matutuwa sila tita kase nahanap na kita, babes!" Masayang saad ni Aga at hinila niya ang babae palabas ng tuluyan sa bar.
Bago pa man sila makasakay sa kotse ni Aga nang bumitaw ang babae mula sa pagkakahawak ni Aga.
"Hey! Saan mo ako dadlhin?" Tanong babae
"Iuuwi na kita, babes" seryosong saad ni Aga.
"At bakit naman? Magkakilala ba tayo?" Nagtatakang tanong ng babae.
"Babes, hindi mo ba ako nakikilala? Ako ito si Aga, fiancé mo ako" seryosong sagot ni Aga.
"Aga, wala akong kilalang Aga,"
"Babes, baka naman nagka amnesia ka? Da-dalawang taon mula 'nung bumagsak ang eroplano sinasakyan mo papuntang London, maraming nakaligtas at isa ka sa mga iyon. Lea, babes! Ikaw si Lea" Pagpapaliwanag ni Aga na ipinagtaka naman ng babae.
"Hindi ako si Lea, I'm from New York, nandito ako sa Pilipinas kase dito kami ikakasal ng fiancé ko" Pagpapaliwanag naman ng babae.
"No! Ako ang fiancé mo, Lea, tayo ang magpapakasal, babes, kung hindi mo ako natatandaan, tutulungan kitang maalala lahat" sagot ni Aga at niyakap niyang muli ang babae.
"Aga, siguro nga, maaaring kamukha ko ang Lea na sinasabi mo. Pero hindi ako si Lea" nakayukong saad ng babae.
"Ikaw si Lea, babes, please!" Pagmamakaawa ni Aga
"Aga, I'm sorry, but I'm not that Lea, hindi ako siya" seryosong saad ng babae at tinignan niya si Aga ng deretso sa mata.
"Kung hindi ikaw si Lea, sino ka ba? Bakit pa tayo nagkita?" Sigaw ni Aga.
"I'm Jackie"
The end.
××
Thank you for reading, famdt! God bless us all. 💖
