6, 8, 12

22 3 2
                                    

April 28, 2018 (04/28/18). 8:38AM

"Bye, Mga Bi. Hanggang sa muli." nakangiting sabi ko habang walang tigil ang pagbagsak ng mga luha sa mga mata ko.

Ika-dalawampu ng Abril, taong 2018 nang ako'y magpaalam.

Paalam? Ito'y salitang madaling bigkasin, ngunit kayang-kayang paguhuin ang mundo natin. Isang paalam lamang ngunit para bang isang milyong kutsilyo na tumatarak sa mga puso ang katumbas na sakit.

Kasabay ng kanilang yakap, ang pagbabalik ng mga ala-ala. Mula sa alitan, iyakan, hanggang sa mga kasiyahanan na walang kasiguraduhan kung muli pa bang mararanasan.

Bawat yapak na ginagawa, libo-libong luha ang rumaragasa.

'Bakit? Bakit kailangang umabot sa ganito?' Isa sa mga tanong na hindi ko masagot.

Napakasaya pa naman ng aming pagsasamahan, ngunit lahat ng ito'y may naghihintay na palang matinding kalungkutan.

------

May 28, 2018 (05/28/18) 8:38AM.

Nakangiti akong nakatanaw sa bintana ng aking silid. Nakangiti ako ngunit ang aking mga mata'y lumuluha kasabay ng patak ng mga ulan. At sa bawat patak nito, may mga ala-alang sumisilip mula sa nakaraan.

Isang buwan na rin pala sa eksatong oras ngayon. Isang buwan ng madurog ng sobra ang aking puso. Isang buwan ng pagiging miserable ko.

Isang linggo bago ang araw na 'to, hindi ako nagbukas ng social media accounts. Hindi ko kayang kausapin sila sa eksaktong ika-isang buwan ng pamamaalam ko.

Isang buwan na, isang buwan na ngunit ang buwan na ito'y tila ba taon na para sa akin.

'Isang buwan na ngunit pareho pa rin ang sakit na aking nararamdaman.'

-----

June 28, 2018 (06/28/18) 8:38AM

Ikadalawang buwan sa eksaktong oras na noong ako'y nagpaalam. Bahagya na ring bumabalik ang aking sigla. Ngunit sa tuwing ako'y magbabalik tanaw, hindi ko pa rin naiiwasang hindi maluha.

Sa unang buwan ng klase ay pinuno ko ang sarili ko ng mga gagawin upang kahit sandali'y makalimot. Sinubukan kong makipagkaibigan muli upang kahit pa-pa'no'y maiwasan ang pag-iisa.

Sa ikalawang buwan, hindi ako nagkulong o ano man. Bagkus ay tinawagan ko pa sila. Ngunit sa muling pagkakataon, kailangan ko na namang mamaalam.

"Talk to you in no time, Mga Bi! Mahal ko kayong lahat!" nakangiti at masigla kong sabi.

Ngunit sa pagbaba ng tawag, lumabas ang mga luhang kanina pa nagpipigil lumabas. Heto na naman, gano'n pa rin talaga ang sakit.

------

July 28, 2018 (07/28/18) 8:38AM

Ikatatlong buwan sa eksaktong oras. Narito ako't nakakulong sa aking kwarto. Umiiyak, at halos isumpa ang sarili.

Sa lahat ng araw na susumpungin ako sa ugali ko, ngayon pang ikatatlong buwan na. At sa kanila pa.

Pakiramdam ko'y napakasama ko. Nagawa ko silang pagdudahan. Nagawa kong pagdudahan ang pagmamahal na binibigay nila sa akin gayong halos gawin na nila lahat mapasaya lang ako. Ang sama sama ko.

The Art Of WritingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon