Lihim

346 3 1
                                    

AN: Hindi po siya karugtong ng "SANA". Maraming salamat po.

Kamusta ka?
Ako ay nagagalak na makilala ka.
Isang taon na ang nakalipas
Bagkus ako lang yata ang nakakaalam.
Isang lihim na hindi ko kayang sabihin.
Ganunpaman, pagtingin mo sana'y hindi magbago.
Ako sana'y matanggap, sa lihim na aking ibubunyag.
Ngunit, nasaan ka?
Matagal ka pa ba?
Ako'y hindi na makapaghintay.
Habang tumatagal ang oras.
Ako'y lalong naiinip.
Lumiliyab na ang alitan sa pagitan ng dalawang kampo
Kung ito ba'y aking sasabihin o hindi, na
Ikaw na lang ang kulang sa pahina ng aking aklat, pakiusap
Takpan mo ang iyong mga mata
At damhin mo ang aking sasabihin.

SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon