Paalam

212 0 0
                                    

Tagu-taguan maliwanag ang buwan
Pagbilang kong lima nakatago na kayo
Magtatago pa ba ako? E nung nasa harap mo nga ako tila may hinahanap pa yang mga mata mo

Nagsimula sa "Hi" na
Sana'y matapos sa salitang masaya.
Naalala mo pa ba yung chinat mo ako?
Chinat mo ako dahil ewan? Hindi ko alam? Pero masaya ako.
Masaya ako dahil napansin mo ako
Dahil isa lang naman ako sa mga taong kilala mo lang.
Sa mga taong hindi mo binibigyan ng halaga kasi hindi naman kahalaga-halaga
Nanahimik ako e! Kuntento na ako na sinusulyapan lang kita
Pero ikaw itong nagpagulo, kinausap mo ako.
Kinausap mo ako na parang wala lang.
Na parang walang nangyari
Alam mo kung ano ang masakit? Yung nagpasalamat ka para sa oras na tinutuon ko hanggang sa magmukha na akong tanga

Sana!
Sana ganun ka din
Sana mabigyan mo rin ako ng halaga katulad ng pagpapahalaga ko sayo
Sana mabigyan mo rin ako ng oras kahit katiting lang
Sana kung ano man ang nararamdaman ko ay bigyan mo ng pansin dahil ang aking tanging hiling, ako'y maramdaman mo rin

Pero anong magagawa ko?
Wala akong magagawa dahil hindi mo kayang ibigay sakin yan.
Hindi ako siya eh
Hindi ako yung taong mahal mo
Kaya kahit kailan hindi mo ko mapaglalaanan ng oras
Hindi ako yung taong nababagay sa isang tulad mo
Dahil hindi ako yung taong pinapangarap mo
Pero sana, sana ako na lang yon, sana ako na lang siya para mayroong ikaw, ako at tayo.
Sana ako na lang siya
Sana ako na lang siya para naman maramdaman ko kung paano ka magmahal
Sana ako na lang
Sana hindi mo na lang ako kaibigan

Pero hindi lahat ng hi ay nagtatapos sa masaya
Dahil lahat din ng hi ay natatapos sa masakit na salitang "paalam"
Paalam na magsasara sa pintong minsan ay binuksan at nagbigay ng daan
Paalam na magtutuldok sa ating nasimulan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon