2: Sunshine House

193 12 0
                                    

Dale's POV

Sabi nga ni Kuya Kim, ang buhay ay weather weather lang. Minsan, sobrang liwanag at puno ng saya. Minsan, dumadating din ang mga bagyong susubukin ang katatagan ng kalooban natin. Ang buhay ko, parang laging typhoon Katrina signal number three pero walang nakaka alam. Pinipili ko kasi na itago ang kalungkutan sa mga ngiting nagpapasaya sa mga mahal ko sa buhay. Para saan pa na magmukmok sa tabi at magpakalulunod sa mga damdamin ko kung pwede ko namang gamitin ang buhay ko para magpasaya ang iba.

Basta masaya sila, masaya nadin ako.

"Ate Dale!! Na-miss po kita!!!" matinis na sigaw ni Shine sabay ng pagyakap niya sa baywang. Binigyan niya ako ng ngiting abot sa kanyang mga mata, ngiti na tumatagos sa aking puso. Kahit na sobrang aga kong dumalaw, gising na gising padin sila.

"Pasensya ka na naging busy si Ate Dale sa school kaya hindi ako nakadalaw ha? Na-miss din kita Shine!" magiliw kong sagot sa kanya, hindi ko namalayan na hindi nalang pala kami ni Shine ang nasa kwarto. Ilang saglit lang, napaibabawan na ako ng sampung bata na nagtatampo.

"Si Shine lang ba ang namiss mo ate?! Paano na kami?" tanong ng ilan sa kanila habang kinukuyog nila ako. Hindi ko mapigilan ang matawa dahil alam kong naglalambing lang sila.

"Ay nako mga bata kayo! Syempre naman namiss ko din kayo! And of course, may pasalubong si Ate Daaaaaleeee!!!" excited kong sabi habang inalis ko sila isa-isa sa pagkakayakap sa akin at kinuha ko yung bag na punong puno ng iba't ibang klase ng school supplies.

Napangiti ulit ako nang nagsigawan ang mga bata sa tuwa na para bang nakatanggap sila ng regalo from Santa nuong Pasko. Bakas sa kanilang mga mukha na talagang matagal na nilang hinahangad na magkaroon ng school supplies. Pagkatapos kong ibigay sa bawat isa sa kanila ang surpresa ko, nilapitan ako ni Mother Cathy- ang lead ng 'Sunshine House', ang local bahay ampunan.

"Salamat talaga sa tulong mo Dale, hindi ka nakalimot. Mahal na mahal ka talaga ng mga bata.." masayang pagpapasalamat sa akin ni Mother Cathy. Niyakap ko siya nang mahigpit. Parang nanay ko nadin siya.

"Never po akong makakalimot Mother Cathy. Mahal na mahal ko po kayo at ang mga bata. Masaya po ako at nakakatulong ako, binibigyan niyo po ng halaga at purpose ang buhay ko.." pabulong kong sabi. Humiwalay na ako sa pagkakayakap ko sa kanya dahil nararamdaman ko nanaman ang luhang nagbabadya ng tumulo sa mga mata ko.

Nagpaalam na ako sa mga bata dahil kaylangan ko nadin pumasok sa school. Thank God nalang din at on the way lang ang Sunshine House sa school ko. Pagkatapos ng ilang minuto, nakarating na ako sa University of Southampton. Dali dali kong ipinakita sa guard ang ID ko at sinalubong ako ng mga kaibigan kong si Yong, Fenech, at Marco.

"Aaaaaat hindi siya na late today!!!" Pagwe-welcome sa akin ni Fenech saay high five sa akin.

"Muntikan ka nanaman ma-late bai!" Paninimula ni Yong, as if hindi ko alam na muntikan nanaman akong ma late.

"Pa ulit-ulit ka din Yong eh no?" Pambabara ko sa kanya. Tinawanan nalang niya ako sabay fistbump sa akin.

"Baka naman kasi may jowa na tong kaibigan natin at tinatago lang niya hahahaha" gatong pa ni Marco, kita nanaman ang mapang asar niyang ngiti.

Inirapan ko nalang siya habang natatawa ako sa kalokohan ng kaibigan ko. "Ewan ko sayo Marco, ang lawak talaga ng imahinasyon mo!"

Sasagot pa sana si Marco nang hatakin na ako ni Fenech dahil talagang male-late na kami sa klase kung mag chi-chikahan pa kami.

Sa pagmamadali, natapilok ako at nadamay pa si Fenech.

"AY BUSHAK!!!!" Sigaw ko ng mabundol namin pareho yung isa pang estudyante sa harap namin.

"Tsk." Naiinis niyang sabi. Kitang kita sa mata niya ang galit.

Patay na bai.

-

I'll Find You (MayWard Fan-fic)Where stories live. Discover now