Stefano's POV
4 days passed...
"'Tol? Ayus ka lang ba? Kanina ka pa wala sa mood." Sabi niya at kinuha ang isang bowl ng vegetable salad sa kamay ko.
Ayoko ng green veges, pero kumakain lang ako kapag stress. At alam nila 'yun.
"Wala pa akong nakikitang babae na pwede kong imodel."
"Bakit 'yung kapatid mo?" Tanong niya.
I shook my head, "Hindi ako makakaconcentrate. Ang hilig niyang magfunny faces kapag idadrawing ko siya." At napaface palm na lang ako.
"Ohh? 'Tol, wait lang. I saw an elephant. Gusto kong makakuha kahit second place lang." Sabi niya, tumango na lang ako at umalis na siya.
"Kamusta na ang tatay mo?" Tanong ni Isaac.
"Mamaya na ang opera niya. Pinahiram kami ni Uncle. Buti nga hindi siya nagalit dahil hindi pa ako nakakabayad nang unang utang ko sa kanila." Sabi ko.
Umabot kasi ng hundred thousand ang operation fee ni Tatay kaso lagi na siyang umiihi na kulay pula pati ang mga side at likod ng ribs niya sumasakit na. Sabi ng Doctor, kapag hindi pa siya maooperahan baka magkaimplikasyon din ang kabilang kidney niya.
"Medyo malaki na ang bato sa kidney niya at kailangan niya ng isurgery."
Pumayag na kami at lumapit na sa mga kamag-anak namin.
"Kailangan ko ng magsketch. Mauna na ako. Kita na lang tayo sa gate." Sabi ni Isaac at umalis na rin.
Tumayo na ako at KAILANGAN ko ng maghanap ng babae. Bakit naman kasi kailangang babae pa.
"Majin Buu!" Rinig kong sigaw.
"Hoy! Majin Buu!"
Ba't ba ang hilig nila kay Majin Buu? Ang daming butas sa katawan at hindi marunong magshare ng pagkain.
"Hoy! Mr. Majin Buu?!" And she stopped in front of me.
I looked at her.
Dugdugdugdugdugdugdugdug
Eh? High blood ba ko? Hypertension? Ba't namamawis ang mga kamay ko? Ba't ang bilis ng tibok ng puso ko?
"Mr. Majin Buu?"
And i heard a crash of an airplanes and plates inside of my head. Ayus na eh. Majin Buu?
"Ako ba?" Tanong ko.
Nagpamewang naman siya at binigyan ako ng matalim na tingin sabay turo niya sa ulo hanggang sa paa ko.
"Sino ba dito ang nagiisang taong kulay PINK lahat ng suot? Mataba? At Cute? Sige nga." Sabi niya.
Pink? Tumingin naman ako sa paligid. Meron namang nakapink pero hindi tulad ko na hanggang sapatos at cap ay kulay pink. Mataba. At cute? Psh!
"Sa lahat Majin Buu? Pwede namang baboy ah? O kaya tatay ni Peppa Pig?" Tanong ko.
She looked at me in the eyes at biglang tumawa ng malakas.
"Seriously? Funny ka rin eh, 'no? Anyway, nahulog mo." Sabay bigay sa akin ng wallet ko, "Tyaka nahulog 'to." At ipinakita ang bill sa hospital.
"Salamat." Sabay kuha at tago ulit sa wallet ko.
"Open minded ka ba?" Tanong niya.
I looked at her, "Green minded. Oo."
She laughed again, bakit?
"I like you."
"Me too." Agad na sagot ko.
BINABASA MO ANG
Hey, Mr. Majin Buu! (Short Story)
Short StoryA guy that loves PINK, but HATER of Majin Buu. Hate the RED, but he loves JOLLIBEE. A guy with an old perspective of courting a woman at merong respeto sa mga babae. His GREATEST goal and dream is to be one of the FAMOUS band in their University na...