Adrian POV,
Nandito kami ngayon sa mango farm namin. Kaka video call ko lang kasi kay dad kanina at nagtatanong kung ano na ba daw ang nangyayari dito sa El fennis. Sinabi ko lahat sa kanya, lahat ng mga nalaman ko pero except kay ms. Aswang. Hehe!
Magtatagal pa sana yung VC (video call) namin ni dad e kung hindi lang sumali si klenn! Ang gunggung na yon nang-aasar pa din about sa aswang. Hay nako! Kung makita niya kung gaano ka ganda ang babaeng aswang na pinagsasabi nang mga tao dito. Baka ma in love pa yun! Malandi kaya yun! Hmmpp!
"Manong hinog na ba tong mangga nato?" Tanong ko kay manong. Sinusuri niya kasi isa-isa ang mga mangga dito.
"Oo Adrian. Nangangamoy na nga e" sabi naman ni manong.
"Pede kong pitasin? Hehe" nahihiya kong sabi. E sa natatakam ako!
"Oo naman Adrian" ngiting sabi ni manong Pinitas ko naman yung mangga tsaka kinuha yung nakabalot. Hmmm! Amoy palang masarap na. Kina-in ko naman ka agad pero syempre binalatan ko muna.
Nakatingin lang ako sa mga mangga habang naglalakad. Actually malapit na naming Malibot ang buong manggahan dito. At super nakaka pagod na! >__<
"Adrian baka nangangalay na yang paa mo kakalakad pwede ka namang maunang umuwi sa mansyon. Ibibigay ko nalang sayo mamaya ang resulta dito sa manggahan"
Nagdiwang naman ang mga paa ko dahil sa sinabi ni manong. Yes! Makaka-uwi na din ako sa wakaaasss!
"Sigurado po kayo?"
"Oo naman Adrian. Kaya na namin to. Alam ko namang hindi ka sanay sa mga ganitong trabaho" haayyy!!!! Labyooo na talagaaa Manongggg!!!
"Okay po. Mauuna nako sa inyo." Naka ngiti kong sabi sa lahat.
"Adrian alam mo ba pabalik sa mansyon?"
"Oo naman po."
"Nga pala Adrian. Hindi makakapasok dito yung kotse niyo sa manggahan kasi makitid ang daan dito. Okay lang ba sayo ang maglakad lang?"
Tinignan ko muna yung lalakarin ko. Patay! Ang layo naman!! T^T
"O-okay lang po" huhu! Pasensya na mga paa ko kasi magagamit ko kayo ng todo-todo ngayon!
Nagpa-alam na ako sa lahat ng trabahador sa manggahan at naglakad na palayo.
Lakad ng lakad lang ako ng sumagi sa isipan ko yung aswang.
Ano na kaya ginagawa nun?
Nagkakatay na ba ngayon yun ng tao? Kadiri naman kung ganun nga. Hayst!Ano kaya kulay ng damit nun? Itim pa din ba? O baka naman hindi pa din nagbibihis yun hanggang ngayon? Kadiri naman kung ganun nga. Hayst!
Nakatali na kaya ang mga buhok nun o hindi pa din? E pano kapag magluluto siya syempre sagabal yun at pano din Kung accidentally na may mahalo na buhok sa niluluto niya? Kadiri naman Kung ganun nga! Hays----
"Hoy! Bago ka dito ah? Ang kinis pa ng balat mo! Anak mayaman ka no?!"
Hindi ko namamalayan na may naka salubong pala akong mga 5 limang lalaki. Bwesit na aswang yun! Kung di ko siya iniisip ede namalayan ko sana na may nakasalubong akong mga lalaking malalaki ang katawan! >__<
Kung titignan sila para silang may masasamang binabalak! Nako naman!
"Hoy! Sumagot ka nga! Kinakausap kita! Bingi kaba o pipi ka?!" Sabi nung lalaki sakin at tinulak ako. Tang-ina! Kung lalabanan ko sila baka di ko lang kakayanin!
"I'm not deaf. I'm sorry about kanina But can you move? Your blocking my way" sabi ko at tumayo. Sakit ng pwet ko ah? >__<
Dada-an na sana ako kaso hinarangan Nila ako. -__- di ba maka intindi ang tang-inang to?
"Haha! Hoy pare! Wag mo kaming ma English-English kasi wala ka sa Ibang bansa at hindi ka din namin ma intindihan! Minumura mo ba kami ha?!" Putaaa! Ang sarap humalakhak sa tawa ngayon! Buset! Minumura?? Ambobo naman pala nito? BWAHAHA!
"Di ko kayo minumura kanina. Aalis na kasi ako so pwedeng umalis kayo sa dinadaan ko?"
"Aba! Loko to ah? Ang tapang mo namang gago ka?!" Inis na sabi niya tsaka sinikmuraan ako! Pucha! Ang sakit tang-ina >__<
"Hoy! Pare mukhang Mali yung binabangga natin. Anak to ng may-ari ng El fennis e!" Sabi naman nung isa! Mabuti naman at nakikilala niya ko! -__-
"Ows ganun ba? Mabuti ngayon eh!"
"Huh? Ano bang plano mo?"
"Kidnapin nalang natin to tapos mag papa ransom tayo! Haha!"
"Grabe ang talino mo pare!" Saka sila nagtwanan!
Hindi ko kayo papayagan sa mga plano niyo gung gung!
Winaksi ko naman yung kamay nung mga nakahawak sakin at isa-isa silang sinikmuraan. Nang may lalapit sana sakin pero inunahan ko na to at sinapak ko kaagad. Ayokong mabangasan ang gwapo kong mukha no!
*paakkk*
*bogsshhh*
*bogshh*.
Lima laban sa isa? Imposible para sakin yun. Sumusuka na ako ng dugo ngayon. Di ko pala sila kaya >__<
"Yaaannn! Lalaban Pa kasi! Haha!" Nagtawanan ulit sila tsaka ako sinipa sa tyan ko. Napasuka naman ako ng dugo. Pucha! Ang sakit ng katawan ko! Halos hindi ko maimulat yung mga mata ko
Medyo blur na ang paningin ko at hindi ko na kaya. Araw ko na ba? Napasuka ulit ako ng dugo dahil tinadyakan ako nung lalaki sa tyan ko. Tapos nag tawanan sila.
"Shit!"
May narinig akong nagmura. Pero hindi ko Alam kung sino yun. Tsaka ko narinig ang kakaibang tunog.
"Arrrcckkk!"
"Booggsshhh"
"Tama na tama na! Parang awa mo na"Yan ang mga naririnig ko. Sinubukan ko namang idilat yung mga mata ko kaso hindi ko talaga kaya.
Wala na akong marinig na ingay at naramdama ko nalang na parang may nagbuhat sakin. Pinilit Kong buksan yung mga mata ko at nakita ko ang babaeng nagpa tibok ng puso ko mula nung una ko siyang nakita hanggang ngayon.
I smiled.. In love naba ako sayo babaeng aswang na to?
"Shit! Fuckin' open your eyes dipshit!"
Huling narinig ko. And everything went black...
![](https://img.wattpad.com/cover/156571042-288-k737112.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Aswang Kong Girlfriend
FantasyWhat will gonna happen if you'll find out na ang tinitibok ng puso mo ay para pala sa babaeng kinatatakutan mo? Matatakot ka ba? O Magiging masaya ka sa oras na malaman mo ang lahat sa kanya? "Isipin niyo na ang ang gusto niyong isipin, pero wala...