part 4

11 1 1
                                    


Nagising na lang ako sa ingay ng cellphone ko.Tatayo na sana ako nang bigla kong maramdaman pagkahilo ko.Leche mukhang di ako makakapasok ah.

Naligo na ako at kumain ng pancakes and hotdogs.Kailan kaya uuwi si shania?

Naisipan kong maglakad na lang papuntang school kasi di pa dumadating dito yung motor ko,ano na kaya ginawa nung driver ni jacob dun,jusq!

Paliko na sana ako sa kanto ng school ng maramdaman ko yung pagkahilo ko ulit.Dahil sa sobrang sakit ng ulo ko na paupo na ako sa sahig.Ang sakit sobra!

"Uy okay ka lang?"sambit nung lalaking ngayon nasa tapat ko,paa lang niya yung nakikita ko kaya di ko pa siya gaanong kilala pero parang familliar naman boses niya.

"Huy tinatanong ka"sambit ulit niya.Di ba obvious na masakit ulo ko,leche toh ah.

"Huy miss ok ka lang ba?" this time naka upo na rin siya sa sahig kaya nakita ko na mukha niya,siya pala yung transfer.

Sasagot na sana ako ng bigla ulit akong makaramdam ng sakit sa ulo.

"Na-nahihilo a-ako"halos nakakapit na ako sa sintido ko sa sobrang hilo at pananakit ng ulo ko.

Nagulat na lang ng bigla niya akong bitbitin,gusto ko sanang sabihin na ibaba niya ako pero masyadong akong nanghihina kaya di ko kaya,imbes na magsalita pa pinikit ko na lang mata ko hanggang sa nakatulog ako sa sobrang sakit ng ulo.

Last na naramdaman ko ay ang paglapag sakin ni timothy sa higaan ng clinic,pagtapos nun nakatulog na ako kaya wala na akong alam kung anong next na nangyari.

Minulat ko na mata ko at nakita ko si timothy nakaupo lang dun sa upuan na katabi ng higaan ko.Talagang hinintay niya ako ah.

"Uy gising ka na pala"agad siyang lumapit sakin para tignan kung okay lang ako.Tumango na lang ako bilang sagot.

"Ahm..Pupunta na ako sa room hinintay lang talaga kitang magising para malaman kung okay ka lang,papunta na rin pala si jacob ba yun..para ihatid ka sa inyo,nasabi ko na kasi sa teacher mo na may sakit ka at kailangan mo daw umuwi,since may pinapagawa sakin,di kita maihahatid"aniya niya,ang haba naman magexplain nito.

"Teka bat si jacob?"pagtataka ko.Bat naman kasi siya?

"Siya daw nagvolunteer na ihatid ka"saad ni timothy.Pagtapos ay umalis na siya ng clinic at sakto naman na pumasok si jacob.

"Ok ka na ba?"ani ni jacob.Tinanguan ko lang siya bilang sagot.Medyo naiilang ako kanya kasi hinawakan niya pa talaga leeg ko.

"Okay na ako jacob di mo na kailangan magalala pa",tugon ko sa kanya.

"Ano bang nangyayari sayo kahapon ka pa nagkakaganyan",ani ni jacob na akala mo boyfriend ko kung makapagsalita.

"Bakit ka ba concern?"tanong ko out of nowhere.

"Masama ba?Matulog ka na nga lang ulit dyan.Mas maganda ka pagtulog"Sagot niya. Ang sungit letse.

"Arte mo naman.Crush mo ata ako eh"Biro ko.Ang seryoso naman kasi niya eh.

"Pano pagoo"ang seryoso ng boses niya kaya tinignan ko na rin siya.Nakatingin siya ng seryoso sa mga mata ko.

"W-wala,geh na matutulog na ako"agad ko ng pinikit yung mga mata ko para kunwari tulog na talaga ako.



Nauubosan na ako ng idea sa story na Toh. SEE YOU SA NEXT CHAPTER!!

Not DestinedWhere stories live. Discover now