Chapter 2

3 0 0
                                    

Pamu

   Kanina pa kame andito and we are still waiting for Maggie and Bullet. Usapan nmin 7am ang alis nmin para hindi kame abutin ng gabe sa gitna ng dagat but it's already 8am wala pa rin sila. Why is it too difficult for people to value time? Nakakaimbyerna! Especially that Maggie, kahit kelan laging late parang walang respeto sa mga taong kausap nya. This is not the first time na ginawa nya to.

   "Guys, sorry. Sinumpong kasi ng asthma kapatid ko kaya medyo binantayan ko muna hangang makasiguro ako na okay na sya. This is the first time na nalate ako, hindi nman siguro kayo magagalit sa akin?", nakangiting tugon ni Bullet pagkababa ng kotseng sinasakyan nila.

   "Nagtext ka man lang sana para aware kame sa situation mo. Hindi yung kulang na lang murahin namin kayo mula ulo hangang paa", pataray na sagot ko.

   "Sorry nman po. Speaking of Text kasi, narealize ko na naiwan ko ang Cellphone ko sa bahay. It doesn't matter nman. Wala nman akong itetext. So tara na?", mahabang paliwanag nito.

   "Not yet. Wala pa yung muse natin", sagot ni Third.

   "Ano ba yan? Akala ko ako na lang ang hinihintay, nasan na daw ba sya?", medyo iritang sambit nito.

   "Wow ha! Parang hindi na late? Kamusta nman kameng wala pang araw andito na?", panunuksong sagot ni Eich sabay irap na sinundan ng pabirong ngiti.

   "Ayun na! Kausap na ni Alex sa Phone", singit ni Melody na nakayakap sa nobyo nitong si Raffy.

   "Haynako! Pakitanong nga kung pupunta pa sya para nman alam natin kung hihintayin pa natin o iiwan na natin sya", hindi ko na naitago ang inis na nararamdaman ko sa mga oras na iyon.

   Ayokong kainisan ako ng marami sa kwentong ito pero ako kasi yung taong marunong mag Value sa oras. Actually, hindi lang oras, maging money, learnings, friends and everything. Alam ng lahat yan especially ni Melody na pinakamalapit kong kaibigan. Hindi rin nakakapagtaka na achiever ako at consistent honor student. Young entrepreneur din. I have a small coffee shop na puno ng libro. I love reading books, nabubuksan ang imahinasyon ko everytime I read them. Hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung bakit ako ganito. Ulila na kasi ako, I live alone and I decided to use yung kunting money na naipon ng family ko sa pagbebenta ng gulay sa palengke. Gusto ko lahat ng mangyayare sa buhay ko araw-araw, may path. May sense at may mapapala ako ofcourse. Kung kaya nman mabilis mag-init ang ulo ko pag may mga bagay akong gustong mangyare na hindi nangyayare according to plans. I hate last minute changes. Nakamind set lahat ng gagawin ko. Ganun akong klase ng tao.

   Which is total opposite ni Maggie, ang Muse and Beauty Queen ng barkadahan. She's always late in everything she's doing, maging sa studies. Not to brag, pero sya ang perfect example ng quotation na "What is beauty if the brain is empty". Sa aming magkakaibigan, ako ang number one na irita sa kanya. Wala lang choice ei, parte sya ng grupo kaya kelangan pagtiisan na kasama sya. Magkasundo sila ni Alex dahil pareho silang Fashionista, Kikay at Bratt but kung may isang bagay na significant difference nila, hindi stupid si Alex. Going back to Maggie, sobra akong nanggigigil sa kanya ngayon. Napaka walang respeto sa mga taong naghihintay sa kanya. Wala man lang pasabi, Texts or tawag sa whereabouts nya.

   "Okay Guys! Chill! She's near na daw. Let's give her atleast 5minutes", nakangiting sabi ni Alex ng ibaba nito ang phone nya.

   "Oh thank God!", Tugon ni Eich na naiinis na rin.

   "If that's the case, let's go to the yacht na and bring our things there para sakto pagdating ni Maggie", suhestyon ni Red.

   "Great Idea! And pag wala pa sya within 5 minutes, iwan na natin", pabirong sagot ko pero gusto kong totohanin.

DEADLY ISLANDWhere stories live. Discover now