Antarah's POV
Pagdating namin sa kompanya agad naman akong lumapit sa guard. Friends kami nito eh siyempre hahaha. Tatanong ko lang kung dumating na si Mrs.Chua. Ngumiti naman ito nang makita akong kumakaway sa kanya.
"Hi manong guard good morning po gusto ko lang po itanong kung dumating na si Mrs.Chua, yung head sa HR Department?" tanong ko sa kanya at ngumiti.
"Good morning din iha. Hindi pa siya dumadating" sabi ni guard at sinuklian naman ang ngiting ginawad ko sa kanya.
Tumango naman ako. Salamat naman at hindi pa siya dumating. Kung nauna sa akin yun dito malamang hanggang bukas na naman ang sermon niya sa akin. Ewan ko ba kung bakit ako trip ng matandang iyon. Hindi siguro mahal ng mama niya.
"Sige manong salamat po" sabi ko at pumasok na sa loob. Nasaan ba si Scarlet? Nauna na naman siguro. Hindi man lang ako hinintay.
"Hoy ano ba beast hindi mo man lang ba ako hihintayin! Ang mean!" sigaw ni Scarlet na naglalakad patungo sa akin mula sa likod ko. Napatingin naman ako sa kanya at napakagat labi.
"Naku beast nandiyan ka pa pala. Sorry hindi kita napansin akala ko kasi nauna ka na sa loob" paliwanag ko sa kanya.
"Grabe ka kita mo naman na nagbabayad pa ako doon sa jeep"sabi niya at sumimangot sa akin. Hehehe, hindi niya naman siguro inaway si manong driver.
"Sorry na beast, tayo na sa department natin. Mabuti na lang wala pa si Mrs.Chua" sabi ko sa kanya habang papunta kami sa elavator. Nang makasakay kami, pinindot ko naman ang floor kung nasaan ang department naming dalawa.
"Nag text pala si Alexander beast sabi niya uuwi daw siya. Walang exact date at month pero sabi niya uuwi daw talaga siya." imporma ni Scarlet sa akin kaya mabilis akong napabaling sa kanya.
"Talaga beast? Sinabi mo ba na pasalubong ko?" tanong ko sa kanya agad. Kapag nakalimutan niya iyon ewan ko nalang talaga.
"Siyempre ako pa." proud niyang saad.
Tumawa nalang ako, 'buti naman kung ganun. Huminto naman ang elavator at bumukas ito kaya lumabas na kami. Pagdating namin sa department marami rami na rin ang mga tao. Kadalasan kasi ang mga na le-late ay sinasabon ni Mrs.Chua sa trabaho kaya ang aga ng mga kasamahan ko. Kahit ako ayaw ko ding masabon.
"Punta nako sa cubicle ko beast" paalam ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Night With A Mafia Boss (Season 1): The Lost Heiress
RomanceAsher Kyle Yeager | Maiccah Antarah Parker