Ibig lumaya,
Ibig tumawa,
Ibig sumaya,
Ibig tumaya,Palaisipan ng isang tao,
Paano ba magpakatotoo?
Saang nga ba dapat simulan,
Upang makamtan ang iniibig na kapatawaran?Sa pagpapatawad sa sarili?
Dito ba dapat ang umpisa ng minimithi?
Napakahirap lumaya sa sariling kulungan,
Ginawa rin ng sarili lamang,Inaasam na kasihayan,
Na para bang pangarap nalang,
Umaasa na sana balang araw,
Mapagbibigyan ang sariling kapatawaran,Sa proseso ng paglalakbay,
Ng kasihayang panghabang buhay,
Sana di lang manatiling palaisipan,
Sana maging ng katotohanan,
YOU ARE READING
Still Unknown
Poetryastrochandria's "Unknown" i lost my account so i will continue my works here "lahat ng isinusulat ko ay base sa aking malawak na kaisipan"