Entry #4

3 0 0
                                    

3 DAYS LEFT UNTIL THE AUDITION..

mukhang magkakasakit pa ata ako...

'wag muna please. I'm preparing already.

lumabas muna ako ng condo para bumili sa drugstore ng meds.

nung na-lock ko na yung pintuan, may lumabas na babae sa katabing condo ko. Mukhang bad trip ata si ate.

napasulyap siya sa'kin at nahuli niyang tinitignan ko siya..

Teka, sandali...

parang siya yung nakita ko nung nakaraang araw sa may park bench..

"What are you looking at?"

sunget naman pala ng babaeng 'to.

"ay sorry.."

yun na lang ang nasabi ko sa kanya then I rushed myself papuntang elevator.

Mahirap na, baka ako pa pagbuntungan ng galit niya.

Tss. akala ko lahat ng babaeng makikita't makikilala ko madadaan ko sa looks ko. But not her.

Hindi man lang kinilig nung nakita ako.

May dumi ba'ko sa mukha?

nung tumingin ako sa salamin ng elevator, wala naman.

baka masyadong nagwa-gwapuhan lang sa'kin si ate kaya galit siya. Haha. Joke lang.

Pero totoong gwapo talaga ako.

Tanong niyo pa sa author eh. Haha.

nabili ko na yung gamot na kailangan kong inumin.

dumaan muna ako sa pizza parlor para bumili ng lunch.

grabe par!

Ang epic ng pag pasok ko sa restau kasi halos lahat ng babaeng nandun, nakatingin sa'kin.

Anong meron mga ati? Haha

nung nakapila na'ko sa counter para mag take out ng pizza, natulala ng ilang minuto yung babaeng cashier sa'kin.

"uhmm ate, bayad ko po.."

sinundot ko yung ilong niya and finally! Nagkamalay na siya..

"ay sorry sir. Ang gwapo niyo po kasi eh."

ngumiti siya sa'kin nung inabot niya yung bayad ko..

"ehe.. ang lambot naman ng kamay mo sir.."

okay. Natakot ako dun.

nginitian ko na lang siya sabay alis.

pero bago pa'ko tuluyang makalayo,

"sir oppa balik ka ha?"

nag smirk ako at nagpipigil ng tawa.

actually, sanay na'kong ganunin ng mga babaeng hindi ko kilala.

Maraming beses na kasing nangyari sa'kin yung nangyari kanina sa restau.

'pag lalaki nga yung cashier, minsan sinusungitan ako. O kaya naman, masama yung tingin sa'kin.

Hindi ko alam kung may problema ba sa mukha ko o naiinggit lang sila.

I have nothing to do with my looks. Ito ang biyayang binigay sa'kin eh. Alangan namang takpan ko di ba?

Edi mukha naman akong dumb nun haha.

pagdating ko sa condo ko, pinainit ko muna sa oven yung dalawang pizza slices tapos nahiga saglit sa kama habang nag-aantay.

"nga pala! Save Me!"

kinuha ko yung phone saka yung earphones ko..

Listen to my heartbeat,
It calls you whenever it wants to.

Give me your hand, save me save me, I need your love before I fall...

ang galing talaga ng Bangtan Boys. Maganda na yung music, relate ka pa sa lyrics.

Sana ako rin.

Pag naging trainee na'ko sa Galaxy Entertainment, magpapractice na rin ako sa pag compose ng kanta.

I wanna make people inspire.

I wanna share my music to them.

Gusto ko, yung full of motivation saka full of hope.

Uso kasi ngayon ang mental ilnesses. Like yung Anxiety and Depression. Pwede yung mag lead sa suicide, kaya gagawan ko ng kanta yung mga taong nawawalan ng pag asa just to lift them up and make them realize na mahalaga ang buhay.

sang lupa ko nahukay yun? Haha

"ding!"

uy! okay na yung pizza!

kumuha ako ng pot holder at nilabas yung pizza na nasa plato.

"thank you po sa food! Sana gumaling na po ako! Amen."

after nun, kumain na'ko.

Sana talaga mawala na'tong lagnat ko...

Ininom ko na yung binili kong gamot after kong kumain.

***

nandito lang ako sa parking lot ng condo ko. Hindi kasi ako mapakali.

I don't know why.

dapat hindi ako nagkaka ganito.

"Hey bro! What are you doing here?"

kagulat naman tong si Vincent.

napatayo na lang ako bigla nung nakita niya akong nakasandal sa kotse.

"ah. Nothing. I'm just idling around. Ikaw? 'bat nandito ka?"

"hinahanap ko lang yung kotse ko.. Nga pala lapit na audition mo ah.. Goodluck.."

niyakap ko naman siya.

"thanks bro. Actually, I'm a bit nervous.."

binigyan niya ako ng "seriously?" look.

"luh? nakapag handa ka naman ah.. I know you can do it.."

kinurot niya yung pisnge ko.

shaket ah.

"aray."

sabay suntok sa balikat niya. Umiwas naman siya agad.

"Woow! Haha! Basta! Alam kong kaya mo yan!"

sigaw niya habang tumatakbo palayo. bago pa siya tuluyang makalayo, may sinabi pa siya na pinagtaka ko..

"Hey bro! If ever na makapasok ka sa Galaxy Ent. wag mong kakalimutang magbigay pugay sa boss! 'pag 'di mo ginawa yon, katapusan mo na haha!"

and nakalakad na siya ng tuluyan.

I can't understand. Ano ibig niyang sabihin?

mas lalo tuloy akong hindi mapakali.

No.

I need to calm myself. I need to be ready.

-----------------------------------------------------
Sorry sa mabagal na update ~T_T~

Prelim Exams kasi namin.

= naka English Translation yung Save Me ... few lyrics lang nilagay ko.. I hope na appreciate niyo mga be...

Purple ko kayong lahat!

VOTE. VOTE. VOTE.

Ang Boyfriend Kong MaknaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon