"Whoever Dares to Ask"

126 6 0
                                    

Shie'sTheOne

©July 2014

 Sabi ng Lola Grany ko isuot ko daw tong singsing na 'to at wag ko daw huhubarin hanggang sa araw bago ang kasal ko. Pagsinunod ko daw ang bilin nya paniguradong makikita ko ang One True Love ko.

Fourth year na ako nung ibinilin niya sa akin 'yon. Syempre bilang pinakapaborito nyang apo, sinunod ko sya. Dahan-dahan kong isunuot ang mahiwagang singsing sa ikaapat kong daliri sa kaliwa kong kamay. Parte na naman ng bilin nya. Oh yan.. Sinipat-sipat ko pa ang singsing baka kasi may mangyaring reaksyon. Ung tipong mala-blusang itim. Yung kapag sinuot mo gaganda ka at panigurado yung One True Love pa mismo ang lalapit sayo. Yun nga lang, hay naku waepek!

One true love?

Bakit kaya? May magic powers nga kaya 'tong singsing na pamana ni Lola Grany?

Anim na buwan ko nang suot 'tong singsing pero wala pa ring lumalapit o nagpaparamdam man lang sa akin. Tinanong ko si Lola Grany ang sabi nya maghintay lang daw ako. Darating din daw un. E ako naman itong si uto hintay nga naman ako. Sa kaiintay ko inabot na ako ng  apat na taon, wala pa rin!

Ung iba kong batchmate may mga asawa at anak na.  Ako manliligaw man lang, wala! Aba sumpa ata ang dala nito e. Dati rati naman may nanliligaw sa akin pero ngayon wala man lang magtangka. Ano kayang problema ng mga un? May itsura naman ako. May trabaho. May lupa't bahay pa nga. At ito pa ang nakakainis lagi pa akong napagkakamalang may asawa na. Lechugas na buhay nga naman. Hopeless romantic na nga ang eksena ng buhay ko tas ganun pa! Pambihira!

Kaya isang gabi, tinitigan ko ung singsing. Gustong gusto ko na siyang alisin kaso nakita ako ni Lola Grany.

"Oh hija. Aalisin mo na?" hindi ako umimik.

"Hindi ka ba naniniwala sa sinabi ni Grany na dahil sa singsing na yan makikita mo ang one true love mo?"

"Bakit may magic ba talaga 'to Grany?"

"Haha. Ikaw talaga! Basta! Pagdating ng araw na un, malalaman mo kung siya na if he ask you 'something' even if it's evident. And it requires courage kaya 'wag mo papakawalan yung taong 'yon."

"Ha? Ano Grany?"

"Basta maniwala ka lang."

Hay. Sige na nga. Kahit ano talaga sabihin nitong si Lola Grany naniniwala agad ako. Kaya yon! Hindi ko na inaalis with the hope na magkatotoo ang sinabi niya. Lord, please naman po ibigay Niyo na si One True Love!

Sunday morning, dumaan ako sa Figaro para magkape. Iilan pa lang ang tao dito sa shop. Umupo muna ako at nagsimula magbasa ng dala-dala kong libro. Nang biglang may lumapit sa akin na lalaki at nagsalita.

"Misis, maganda yang librong binabasa mo."  Ano daw misis?! Mukha na ba talaga akong may asawa?! Last check ko sa salamin, hindi naman ah. Ngumiti na lang ako. Pero mukhang hindi pa sya satisfied sa sagot ko.

"Paupo a." aba umupo pa talaga tong mokong na 'to.  "Ayoko kasi maniwala sa nakikita ko e. gusto ko magtiwala sa instinct ko." napakunot na lang ako ng noo.  "A e kasi may asawa ka na ba?"

"Bakit ba palaging 'yan ang tanong niyo sa akin ha? Mukha na ba talaga akong gurang para mapagkamalang may asawa?" napakamot sya sa ulo sabay ngiti.

"Sabi ko na nga ba e tama ang instinct ko." mas lalo ako naguluhan. "kasi MISS bakit ka may singsing dian sa kaliwa mong kamay? Malamang mapagkakamalan ka talagang kasal niyan." napatitig ako dun sa singsing.

Dun ko lang narealize na kaya pala pag may lumalapit sa akin bigla silang magbabackout, un pala gawa nitong singsing. Akala nila kasal na ko. Hay buhay!

Napailing na lang ako sa ideya nitong si Lola Grany. "Pagdating ng araw na un, malalaman mo kung siya na if he ask you 'something' even if it's evident. And it requires a lot of courage kaya 'wag mo papakawalan yung taong 'yon." Ngayon gets ko na.

Napaalis ang tingin ko sa singsing at napatitig sa taong nasa harapan ko. Siya na nga kaya? Ang aking One True Love?

"By the way, I'm Mikael.  And you are?" tapos ngumiti siya and suddenly my heart skips a beat. Yung ngiting gugustuhin mong makita araw-araw.

"Ahm Hi! I prefer to be called Ms. Kath rather than Mrs. Kath." I emphasized and he chuckles.

"Of course, Ms. Kath!"

Mula non, hindi ko na nakalimutan ang anim na letrang pangalan niya.  Ilang oras na lang, yung ngiti na nakita ko noon, makikita ko na araw-araw.

At sa araw na 'to aalisin ko na ang singsing na bigay ni Lola Grany.

Dahil may isang singsing na papalit na dito. Singsing na sisimbolo na totoong may asawa na ako. From Ms. Kath, at last magiging Mrs. Kath na ako.

May magic nga kaya? O dininig talaga ni Lord ang dasal ko?

Kung ano man ang dahilan kung pano ko nakilala ang aking One True Love, ang mahalaga masasabi ko na sa halos apat na taong pag-iintay, 'it's all worth the wait'.

-THE END-

“You'll never know until you try. Sometimes a question is all it takes to find One True Love.”

"Whoever Dares to Ask"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon