x2x

140 1 0
                                    

Zane's POV

"Hoyy Zane Michelle Kelson! Bumangon bangon ka na at may bisita ka na agad dito!"

Walanjo tong si Mommy. Ingay! Si Ella lang naman yan. Laging ang agang tumambay dito!

"Opo! Liligo lang ako." sigaw ko din kay mama.

Naligo na ako at nag-ayos. Nakakahiya naman, baka mamaya hilain na naman ako ng babaeng to papuntang mall. Aba! Ayoko ng maulit yung dati. Tss.

*Flashback

"Good Morning Zane!" bati sa akin ni Ella.

Look at this girl, smiling like crazy.

"Ang aga mo namang mangbulabog?" sabi ko sa kanya at umupo sa sofa. Kakagising ko lang. Paano ba naman eh agang aga nandito na agad tong babaeng to.

"Yayayain sana kita eh. Kailangan ko kasi ng dress mamaya, eh lahat ng dress sa bahay naisuot ko na kaya, TARA NA! Mall!" sabi niya at bigla akong hinila.

Pinigilan ko sya. "Sandali! Pwedeng maligo muna? Ha?" sabi ko at aakyat na sana sa kwarto ko ng hilain niya ulit ako.

"Huwag na! Mabilis lang naman eh pati 11 na! Kailangan ko na yun ng 2!" at nahila niya na ako ng tuluyan. Huhu! iNakapambahay ako eh.

Mall

Gaya nga ng sabi niya, 11 na kaya marami ng tao dito sa mall. Sarap patayin nitong kasama ko eh. Hiyang hiya na ako eh.

"Bubugbugin kita pag uwi natin. Kanina pa akong pinagtitinginan dito eh." bulong ko kay Ella ng may pagbabanta.

"Ayaw mo nun? Sikat ka? Aray! Masakit yung hampas mo ah!" pagrereklamo nya habang hinihimas yung braso niyang hinampas ko.

"Bilisan mo na at ng makauwi na tayo." sabi ko sa kanya at tinakluban ang mukha ko ng buhok ko.

Paano ba naman ako hindi pagtitinginan. Tanghaling tapat, may isang dalagang babae ang pupunta sa mall ng naka sleeveless, shorts at slippers. Tapos ang gulo pa ng buhok at oily pa ng face. Hindi ba yan pagtitinginan? Sana lamunin na lang ako ng lupa. T_T

"Zane?" sabi ng lalaking nasa harapan ko. Eto ang kinakatakot ko eh, ang may makakita sa aking kakilala ko.

Nakatungo ako kaya hindi ko pa nakikita mukha nito.

"Oh Matthew! Hi! Zane si Matt."

Napaangat ako ng ulo at nakita si Matt. o.O

WAAAÀAAAAAAAH!

"Ha-hi. He-he." s-hit! Badtrip.

Nakita ko syang nagpipigil ng tawa. "Sige, ilabas mo na yan at baka mamatay ka."

"Hahahahahahaha! Bakit ka hahaha nakaganyan hahahaha?" At tumawa naman sya? Edi okay! Ako ng nakakatawa!

Nakakahiya talaga! Lalo na at yung crush mo pa ang nakakita sayo! Huhuhu,

*End of flashback

Bumaba na ako at nakita si....... Zack? -_- Grrrrr.

"Anong ginagawa mo dito?" pagtataray ko sa kanya. Ayaw ko na siyang maging kaibigan. Bakit ba naging crush ni Ella ang ganitong klaseng tao? Pssh.

"Taray mo jan Zane." Isa pa tong si Mama! Epal aii. Minsan din naiisip ko bakit may nanay akong parang teenager kung mag-isip at magsalita. Tch.

Ngumiti si Zack kay mama. Pssh. Pacute ang g-ago.

Umimik ulit ako habang ang dalawang kamay ay nasa bewang, "Mind to tell me why you're here?"

"Sabi ni Ella." whuut? Anong sabi ni Ella? "Wag kang mag-isip ng kung ano jan. Sabi ni Ella sunduin daw kita, mag-aayos pa daw sya eh." pagpapatuloy niya.

"Saan ang punta?" tanong ko, ulit. :)

"Ewan ko, gala daw." ahh. Gala talaga ng babaeng yun.

"Kasama ka?" nakakapagtaka lang kung kasama tong lalaking to. Masyadong girly kasi yung si Ella kaya ayaw niyang may kasamang lalaki kasi ayaw niyang nahihila sa mga panglalaki o sa lugar na madaming lalaki, like arcade.

"Oo." totoo to?

--

"Hoyy! Gutom na ako! Kanina pa tayong lakad ng lakad! Hindi ba kayo napapagod?" Tibay naman nitong dalawa eh. Napansin ko lang kanina pang nagkakasundo tong dalawa sa pupuntahan namin. Hindi na naman ako kumokontra kase dalawa sila at aba isa lang ako, mahirap na.

"Tara dun." may tinuro si Ella na restaurant. Mukha namang masarap dun.

Pumasok na kami sa restaurant. Gutom na gutom na ako kaya dumeretso agad ako sa counter at umorder na ng pasta at drinks. Yung dalawa umupo na. May lumalapit naman na waiter kada table pero kase gutom na talaga ako eh. "Pakibilis po ha. Salamat." sabi ko dun sa babae. Pumunta na ako sa table namin. Umoorder pa lang sila.

"Rice?" tanong ni Zack kay Ella.

Hmm, I smell something fishy....

"Okay. Chicken." sabi ni Ella.

"2 spicy chicken, please." spicy? di naman sinabi ni Ella ahh.

"Hoyy! Anong spicy? Miss, 1 spicy and 1 is not. Thanks." sabi naman ni Ella at umalis na yung waitress.

"Akala ko mahilig ka sa Spicy?" eh? Kelan pa? Eh puro sweets ang gusto nan.

"Past is past Zack. Dati yun." oww? Now I'm getting curious.

"Gusto mong spicy dati? Eh kung maayawan mo ngayon parang nakakadiring pagkain lahat ng spicy foods ahh." tanong ko. Duhh! Kasama naman nila ako eh kaya okay lang siguro na kasama ako sa usapan noh?

"Wala yun. Ayan na food mo." At tama nga sya. Dumating na pagkain ko. Nilantakan ko agad yung pasta. Pasensya na. Masama akong magutom eh, sobra!

Pagkatapos naming kumain, lumabas na kami ng restaurant at naglakad lakad.

"Tarang arcade!" yaya ni Zack. Nakoo! Patay ka jan kay Ella.

Lumapit ako sa tenga ni Zack at bumulong, "Yari ka! Magsisisi kang nagyaya ka sa Arcade. Tch."

Tiningnan nya ako ng seryoso at inirapan. Grabe! Mas mataray pa sya sa akin ha!

"Tara! Miss ko na ding mag-arcade eh." at nauna na sya sa paglalakad.

Tumingin sa akin si Zack at tumawa, "Yari pala ako! Haha! Tch." at sumonod na sya kay Ella.

Seriously? She would really throw anything that she holds when someone came up to the idea of going to arcades, and now? Umoo na lang sya basta? Ano bang nangyayari?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving You For No GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon