Chapter 8: Thea's Friend

1K 90 72
                                    

 

Thea's POV

" Thea.... Thea...!! " naalimpungatan ako ng may naramdaman akong may yumuyugyog sakin para magising kaya napaupo ako bigla hindi ko alam na pinagpapawisan na pala ako ng malamig

 

" Anong nangyayari sayo Baby? " alalang tanong ni Mommy sakin hindi ako nakasagot dahil inaalala ko ang nangyari.. Ano nga ba ang nangyari? Isang babae napapalibutan ng apoy at humihingi ng tulong sakin? Panaginip lang pala akala ko totoo na..

" A-ah W-ala po Mommy.. Saan po pala si Daddy? " pagbabago ko ng tanong bigla namang lumungkot ang mukha nito para bang may ayaw sabihin sakin kaya hinawakan ko siya sa kamay at tinignan ng maigi

" Mom tell me.. Saan si Daddy? "

" Ahmm ano kasi Thea may inaasi kaso ang daddy mo sa siyudad ngayon Thea pansamantala lang naman " sabi nito at ngumiti ng pilit

“ Pansamantala o Pansamatagal ?? He promise right? Sabi niya hindi na siya ulit aalis sa tabi natin? “ nalulungkot ako hindi naiinis ako akala ko kasi hindi na lalayo si Daddy ngayon iniiwan nanaman niya kami...

“ Understand your dad thea kailangan niyang magtrabaho para may makain tayo “ pangaral sakin ni Mommy napairap na lang ako ng palihim..

" Okay Mom " ngumiti na lang ako sa kanya ng pilit

" Okay ka na ba talaga? Kung Oo matulog ka na at may pasok pa bukas "  tumayo na ito at tuluyang lumabas ng kwarto ko

Napahinga ako ng malalim ako na lang mag-isa sa kwarto ko. Naalala ko nanaman ang panaginip ko akala ko totoo na -_- Sino naman kaya ang babaeng nagpakita sa panaginip ko? Paano niya nalaman ang pangalan ko? Biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko at napatingin sa paligid baka mamaya ay totoo yun at nandito lang siya sa paligid nitong kwartong to..

 

 

 

*After 15 minutes*

Ang tahimik naman dito sa bahay nauuhaw pa ako.. Lumabas ako ng kwarto at bumaba papuntang kusina habang pababa ako may naaninag akong anino sa pintuan mistulang may sinisilip ito.. Glass na malabo ang pinto namin hindi ko makita ang mukha niya tumigil ito sa pagsilip at tumayo na lamang na nakatingin sa pinto hindi ako makagalaw baka mamaya ay magnanakaw na pala ito kinuha ko ung walis doon sa gilid ng pintuan namin at dahan-dahan kong binuksan ang pinto…

Welcome to HELL Academy [OnGoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon