Chapter 15: The Transferees

353 32 8
                                    

Thea's POV

Isang linggo na bago mangyari ang isang malaking REBELASYON sa 'QUEEN BEE' ng Hell Academy na si Jazzlyn maraming walang pumapansin sa kanya minsan nga nakikita kong minamaliit na lang nila ngayon ang dating 'QUEEN BEE' ewan ko ba parang nakahinga ako ng maluwag nabawasan na ang mga bully dito sa Hell Academy PERO nadagdagan naman ang mga binubully >_< 

 

"O to the M to the G!!" maarteng sabi ni Kim kay Jazzlyn pagkatapos nitong mabangga at matapon ang juice sa damit nito kaya nadumihan ito. 

"Gosh sis ang dumi na ng uniform mo" sabi ni Andrea at nilingon si Jazzlyn na tahimik lang 

"Tanga ka ba?" sabi ni Shaina kay Jazzlyn grabe parang kailan lang sunud-sunuran lang sila kay Jazzlyn ngayon ang tapang na nilang sagot sagutin ito

"Let's go girls wag niyo ng pansinin yung mga losers hindi natin dapat pinapansin yung katulad niya" sabi naman ni Lyka at inirapan siya nagsitanguan naman sila at pumunta na kanilang pwesto dito sa canteen. Si Jazzlyn naman naiwang nakatayo naninibago pa rin siguro siya sa pakikitungo sa kanya ng mga dati niyang kaibigan?? Kaibigan nga ba?? Nilapitan siya nina Arcelee at Dave pero marahan niya lang tinanggal ang braso niya at nagmamadaling umalis..

"Hey wag mo ngang pansinin yung isang yun kumain ka na hindi pa nababawasan iyang pagkain mo oh" saway sakin ni....

"Hayaan mo siya Jhem kung ayaw niya ako ang kakain nito" sabi ni Michelle at inagaw sakin yung plato ko -_- si Lory naman busy sa paglamon.. Oo mga killers este readers magkakasama kaming apat hindi ko nga alam kung pano nangyari yun iniiwasan ko pa naman tong si Michelle kasi natatakot akong bumalik nanaman yung gawain ko dati pero anong magagawa ko mapilit ayaw niya raw dumikit dun kay Anthony..

Ayun kain lang sila ng kain habang ako nakatingin lang sa kanila hindi naman ako gutom atsaka ano pang kakainin ko diba? Kinuha na ni Michelle bigla namang nagbell at nagsitayuan na kami at sabay sabay na pumuntang classroom and as usual katabi ko si Kervin hindi pa rin naman siya nagbabago tahimik pa rin siya, pumasok naman si Ms. Hyena at nakangiti ito. Weird. Kasabay ng pagpasok niya pumasok na rin ang tropa nila Lyka ang bilis namang magbihis ng isang to nakabisangot ito at inirapan lang si Ms. Hyena at dirediretso sila sa kanilang upuan para magdaldalan salbahe talaga..

 

"Goodafternoon class meron akong good news" sabi naman ni Ms. Hyena nakangiti ito kahit walang nakikinig sa kanya at may kanya kanyang ginagawa ang mga classmates ko..Batuhan dito, batuhan dun. Ingay dito, ingay dun at kung ano ano pa

"CLASS LISTEN!!! WAG KAYONG BASTOS ANG SABI KO MAY NEW CLASSMATES KAYO HINDI BA KAYO MASAYA?" sigaw na tanong ni Ma'am sabi

"Whatever" sabi ni Janelle at nakipagflirt na lang kay Anthony ako lang ba to o nakita ko talagang umirap sa kanilang dalawa si Michelle? Hmmmm...

 

"Aish daming alam papasukin mo na kaya?" sarcastic na sabi ni Lendrei at binato ng papel si Kervin sapul ito sa salamin ni Kervin pero wala man lang itong reaksyon nagtawanan naman ang mga classmates ko, grabe wala na talaga silang magawang matino -,-

Welcome to HELL Academy [OnGoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon