1:39am"Uy dare tayo!" Sinabi ni Aeri na parang excited sa mga mangyayari. "Sure!" —Soojin "Uy sige sige game ako dyan!"—Eunbyul.
"Oy ayoko nga di ako sasali diyan" Tumingin sila kay Yoonri at nagsmirk "Oo na nga sasali na ko"
Kumuha sila ng softdrinks at inubos nila ito. Pinaikot na nila ang bote. Tumapat ang bote kay Yoonri at agad naman silang tumawa maliban kay Yoonri dahil sa kanya tumapat ang bote.
"Ok dare ko sayo bumili ka ng ice cream at peel off mask sa 7/11" sinabi ni Eunbyul habang natawa pang lalo sila Aeri.
Pumayag naman si Yoonri sa dare ni Eunbyul sa kanya dahil malapit lang naman ang 7/11 sa bahay nila soojin.
Lumabas na ng bahay nila Soojin si Yoonri at nagsimula na siyang maglakad sa direksyon papuntang seven eleven. gabi narin at madalim na ang kalsada.
Pagkadaan niya sa Park ay bigla niyang nakita ang swing na gumalaw kaya binilisan niya ang kanyang paglakad at hindi na rin ito pinansin. nakita niya naman sa cellphone niya na saktong 3:00am na kaya siya ay mas natakot pa.
Pagkadating niya sa 7/11 ay agad naman siyang kumuha ng apat na peel off mask at ice cream. Nagbayad na siya sa counter ng mga binili niya.
Umupo muna siya sa bench ng 7/11 para magpahinga dahil napagid rin siya kakatakbo "Hay nako pano naman ako uuwi nito grabe nakakatakot dun sa park" kinakausap niya ang sarili niya dahil di niya alam kung uuwi pa ba siya.
Ilang minuto rin ang lumipas ay lumabas na siya ng 7/11. Habang naglalakad siya pauwi sa bahay nila Soojin may biglang humawak sa kanyang kamay.
"Miss hAtiD nA KiTa" Naamoy niyang amoy alak ang lalaking humawak sa kanya kaya napagtanto niyang lasing pala ito.
"Bitawan mo nga ako" Sinabi ni Yoonri ng parang natatakot.
"Miss tara na wag ka ng makulit ihahatid na kita" sinabi ng lasing na lalaki habang nakasmirk.
"Ano ba bitawan mo nga ako!" Hinigpitan pa ng lalaki ang paghawak niya kay Yoonri
At bigla nalang.......
"Diba sabi niya bitawan mo siya?" Nakita ni Yoonri ang isang lalaking nakamask at sinapak niya bigla ang lalaking nagpupumilit na ihatid si Yoonri. Hinila niya ang kamay ni Yoonri at sabay sabing "Yoonri tara bilis takbo!!!"
"Huh?? Bakit niya ako kilala?!"— nagtatakang inisip ito ni Yoonri
Tumitig si Yoonri sa kanilang mga kamay at bigla siyang nagblush kahit hindi niya kilala ang nagligtas sa kanya ngunit para sa kanya parang pamilyar ang lalaking nagliligtas sa kanya
[Sorry walang pic eh isipin niyo na lang na natakbo sila hehehehe]—Baliw na author
Upang matakasan nila ang lalaking humahabol sa kanila umupo sila sa likod ng kotse.
"Sino ka kilala ba kita?" Sinabi ni Yoonri at bigla niyang tinanggal ang mask ng lalaki.
Tumawa naman bigla ang lalaki at hinampas naman ni Yoonri ang braso niya. "Nakakainis ka ikaw lang pala yan Jeongin kinabahan kaya ako!" Pasogaw na sabi ni Yoonri
Bigla namang tinakpan ni Jeongin ang bibig ni Yoonri. "Wag kang maingay baka makita tayo" pabulong na sinabi ni Jeongin
Pagkatapos rin ng ilang minuto lumabas na sila sa pinagtataguan nila. "Madaling araw na ah bakit nasa labas ka pa rin?" Nagaalalang sinabi ni Jeongin "Nagdare kasi kami nila Unnie tapos saakin tumapat yung bote kaya inutusan nila akong bumili ng facemask at ice cream malapit lang naman kaya pumayag ako"
"Pero anong oras na oh pano kung may mangyari sayo?!" Pasigaw ngunit parang nagaalalang sabi ni Jeongin kay Yoonri "Okay na wag ka ng magalala ayos lang ako buti nga nandyan ka eh!"—Yoonri "ayoko lang naman na may mangyaring masama sayo " nagaalalang sabi ni Jeongin
Bigla namang niyakap ni Jeongin si Yoonri at nagulat naman bigla si Yoonri kaya napayakap na rin siya kay Jeongin
[Isipin niyo na lang si Jeongin yan pati kayo.Nagiba rin yung color ng damit wala akong makitang iba eh so ayan na lang. Basta isipin niyo na lang na naka all black lang siya.] —baliw na author
Namula naman ang pisngi ni Yoonri dahil sa mga ginawa ni Jeongin. Maya-maya rin ay bumitaw na si Jeongin kay Yoonri at hinimas ni Jeongin ang buhok ni Yoonri at sinabing "Ayokong nasasaktan ka Yoonri walang pwedeng manakit sayo sabihin mo sa akin kung may nanakit sayo okay?" Tumango na lang si Yoonri at naglakad na lang sila.
Hinatid ni Jeongin si Yoonri sa bahay nila Soojin. "Bye! Ingat ka sa paguwi ah! Salamat pala sa kanina!" Sinabi ni Yoonri habang nakangiti "Walang anuman Yoonri basta para sayo Bye rin!" Sinabi rin ni Jeongin.
Pagkapasok ni Yoonri sa bahay ay nakita niyang tulog na silang lahat "Hay nako itong mga to talaga!". Pagkatapos rin magpalit si Yoonri ng damit at naghilamos ng kaniyang mukha ay natulog na rin siya.
YOU ARE READING
•WAVE• // y.jeongin
Fanfiction[ON-GOING] "Yang Jeongin waved at you tap to wave back"|| s t r a y g a y s series #1 ~ ✧・゚: *✧・゚:* *✧・゚: *✧・゚:* *✧・゚: *✧・゚:* * ➳a Yang Jeongin fanfiction ➳Yang Jeongin x You ➳written in taglish [ ! ]