Dedicated po to sayo ateh Siomai kasi nainspired ako sa mga stories mo especially Ang Campus Maid at From Childish to Mature at ikaw ang aking unang friend dito sa watty...Thank you!
Sorry poh kung ndi masyadong maganda yan lang nakayanan ng utak ko hindi pa kasi ako bihasa.
=========================================================
Started:|September | 15 | 2013
Joke Lang Yun (FORMER SEATMATE)
---------------------------------------------------------------------------------------
"Yna,Yna" tawag ni Rae kay Rayne na noo'y lumipat sa likod ni Yna.
"Ano na naman?" inis na sagot ni Yna.
"I miss you" nakangiting sagot ni Rae.
"Ughh!pwede ba tumahimik ka nga" naiinis na sigaw nito kay Rae.
Pagkatapos ay tinuloy na ni Yna ang kanyang ginagawa.
Si Rae ay dating kaupo ni Yna noon at kaka-aarange lng ng Sit Plan ngayon. Silang dalawa ay kapwa 15 taong gulang pa lang at sila'y nasa 4th year hayskul na. Nasa Row 1 si Rae habang si Yna naman ay nasa Row 3 kaya malayo sila sa isa't isa at lumilipat si Rae malapit sa likod ni Yna.
Nung Lunch time nga nila tapos na silang kumain at nasa room nila si Yna na nakaupo sa inuupuan niya.
Nagulat na lang siya nang narinig nya ang boses ni Rae na sumisigaw.
"May gusto ba kayong malaman na hindi niyo pa nalalalaman?"
"Anu?!" sigaw ng kanyang mga ibang kaklase.
"Gusto ko si Yna.''nakangiti niyang sabi tsaka siya tumingin kay Yna.
"Ayiee" tukso ng kanilang mga kaklase. Nang biglang tumayo si Yna at tinuro-turo pa si Rae "Ikaw ha! gumaganyan ganyan ka na porket hindi na tayo magkaupo.Nakuu!masasapak talaga kita."
Tumatawa lang silang lahat kasali na doon si Rae.
Nung bandang hapon nga ay nagsimulang mangulit si Rae kay Yna na hindi na namn uli inaasahan ng dalaga.
"Yna,Yna" tawag na naman ni Rae mula sa likod.
"Oh bakit na naman?"sabay tingin kay Rae.
"Sabay tayong umuwi mamaya ha?"nakangising sabi nito.
Bigla naman kumunot ang noo ni Yna sabay sabing "Ayoko nga"
"Basta sabay tayong uuwi ha?"
"Mag-isa mo!"
"Mam may nanliligaw ata dito eh" sabi ni Jefferson na kaklase nila.
Nagtawanan naman ang iba nilang kaklase.
"tsss.."-Yna.
"Mam crush ko po kasi si Yna eh"habang tinuturo si Yna na lumapit sa tabi nito.
"Nahiya naman ako sa inyo."nangingiting sabi ni mam.
"Mam hindi po yun totoo" anang ni Yna habang tinutulak palayo si Rae sa tabi nito.
Bago umalis si Rae may pahabol siyang sinabi kay Yna.
"Nagjojoke lang ako.hahaha"
Napairap na lang ng tingn si Yna kay Rae.
Narinig naman ni Jefferson ang sinabi ni Rae .
"Huwag mo naman siyang jinojoke,seryosohin mo"
![](https://img.wattpad.com/cover/1796140-288-k316149.jpg)