98% nangyari in real life. XD
-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-==-=-=--==-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-==--==-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-==-=-=-=-=-=-=
Nasa klasrum si Yna at nakatulala lang lahat pala ng nangyari na nagkatuluyan sila ni Rae ay IMAHINASYON niya lang pala. Hindi niya lubos maisip na yun pa ang naging daydream niya at ito'y isang nakakadiring daydream..
Nung magising na si Yna sa kanyang pagkakatulala dahil kinukulubit siya ni Rae na ngayo'y katapat niya nasa Row 1 si Yna at nasa Row 2 naman kasi si Rae at nasa bandang gilid silang pareho.
"Oh bakit?" inis na tanong ni Yna.
"Ballpen mo nga pahiram"
"Oh ayan isauli mo rin agad" inis na binigay ni Rielle ang kanyang ballpen.
''Salamat"
Mula noong hindi sila nag-uusap ni Rae at pa-absent absent na lang siya ay hindi na siya niloloko pang muli ni Rae. Tsaka mabuti na rin yun para kay Yna nang mawala na sa isipan niya si Rae.
Maya-maya lamang nakikipaglokohan si Rae sa mga ibang kaklase niya pati narin si Ken(yung bakla) nasa likuran lamang nito ni Yna. Nung nainis si Yna dahil hindi siya nakakaconcentrate sa kanyang ginagawa ay agad niyang sinigaw si Rae.
"Hoy! TUMAHIMIK KA NGA MAY SILI BA DYAN SA PUWETAN MO AT HINDI KA MAPAKALI DYAN?!"
"Chilax lang,tatahimik na po" nakangising sagot ni Rae.
Kinahapunan 3rd subject na nila at nagsimulang mangulit si Rae kay Yna.
"Hoy Mojako"
Hindi ito pinansin ni Yna.
"Hoy Mojako" sabay suntok lang nang mahina kay Yna at nung nainis na talaga si Yna ay sinuntok niya na rin si Rae.
"PWEDE BA TUMAHIMIK KA NGA KANINA KA PA HA!!!" sigaw ni Yna.
"Sorry, Sorry" natatawang sabi ni Rae
Lagi na lang ganyan ang routine nila araw-araw suntukan dito suntukan dyan, lokohan dito lokohan dyan,tawa dito tawa dyan, tinginan dito tinginan dyan...Pero para kay Yna walang ibig sabihin ito at nawala na sa isipan niyang 'crush' siya ni Rae na parang normal lang ang ganito para sa kanila.
Isang araw habang may ginawaga sialng Seatwork at wala ang guro at nagulat na lang si Yna nang makita niyang nasa labas ang Ex-girlfriend ni Rae at mukha itong galit at nakantingin kay Rae.
"Si Rae nga" sabi ng Ex ni Rae sa isa nilang kamag-aral at ibig sabihin nun para niyang pinapatawag si Rae sa labas.
Nung tinignan ni Yna si Rae para siyang kinakabahan na ehwan. Maya-maya lamang ay biglang napasigaw ang Ex ni Rae.
"SINONG TINATAWAG MO NA BITCH HA?"
Napatinign naman ang lahat sa Ex ni Rae at pati na rin si Rae ay nagulat din pero hindi niya ito pinansin.
"Eskandalosa" mahinang bulong ni Yna.
"Isara niyo nga yung pinto" -Rae.
Yung iba nilang kaklase ay medyo natatawa na gulat. Si Yna naman ay pinagpatuloy na lang ang ginagawa. At nung umalis din yung babae ay agad ding nagsalita si Yna na parang pinaparinggan si Rae.
"Yan kase, Yan kase" nakangising sabi niya.
"Anong pinagsasabi mo dyan Mojako?" na medyo natatawa rin dahil alam niya ang ibig sabihin dun ni Yna.
"Yan kase,Yan kase,hahaha" tapos umiwas na rin ng tingin si Yna kay Rae.
---
Minsan din habang nakikinig si Yna sa guro ay tinawag siya ni Rae na noo'y andun sa bandang likod dahil lumipat siya ng upuan.
"Yna, Yna"
Nung tumingin si Ynakay Rae ay kumindat kindat lang naman siya. At nainis si Yna pero natawa rin siya ,umiwas din siya ng tingin.
"YNA, YNA" tawag ulit ni Rae sa kanya.
Nung tumingn ulit si Yna ay kumindat kindat ulit ito at napatawa na lang agad si Yna ,alam naman ni Yna na umandar na naman ang pagkalokoloko ni Rae.
--
After 2 weeks:
Sa klase nina Yna habang may ginagawa silang seatwork ay lumipat ng upuan si Rae at pumunta siya sa likod ni Yna katabi niya si Ken nung busy si Yna na sumasagot may narinig siya sa usapan nila Rae.
"May girlfriend ka lang ganyan ka na" sabi nung isa nilang kamag-aral kay Rae.
"hahaha" tawa naman ni Rae.
Sa isip ni Yna "may sasagot pa pala dito sa mokong na'to".. hindi siya makapaniwala na may sasagot pa pala kay Rae.Pero hindi naman siya nagselos kasi nga 'she doesn't like him'..
Tinanong naman ni Yna sa kaupo niya na kaibigan ni Rae kung sino ang girlfriend ni Rae.
"Sino yung girlfriend ni Rae?"
"Ah si Lyka"
Kilala ni Yna si Lyka taga-ibang seksyon,mabait at maganda pero para kay Yna hindi sila bagay, hindi naman sa nagseselos si Yna kundi mabait yung babae na hindi mo lubos isipin na sasagutin niya ang isang loko-lokong tao na si Rae. Ganyan naman talaga ang pag-ibig kusang matatamaan. Over all masaya naman si Yna para kay Rae.
Kung tatanungin niyo naman kung paano na ang love life ni Yna ,nakuu! andyan lang yan sa gilid-glid naghihintayan..CX
+-=-==-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=--=-=-==-=-=-=-==-=-=-==--=-=-=-=-=-==-=--=-=-+
P.S. -They are only friends.
SALAMAT PO!
