Sisimulan ko ang tulang ito,
Kung paano nagsimula ang mundo ko sayo.
Na kung paanong napa ibig mo na pala ako.
Nang dahil sayo, nabuo ang isang ako.Ang isang ako na umaasa, pero pinaasa.
Ang ako na buong pusong minahal ka.
Ngunit sadyang mapaglaro si tadhana.
Dahil may'ron kana pa lang iba.Ang hirap pala ano?
Sobrang hirap na kaibigan mo ang minamahal mo.
Dahil sayang naman yung pagsasama nyo,
Kung uunahin mo pa ang nararamdaman mo.Oo, araw-araw magkausap tayo.
Araw-araw nagkukulitan tayo.
Araw-araw magkasama tayo.
Pero masikit ding isipin na wala namang "TAYO".
Dahil kahit anong gawin ko, meron ng " SIYA" sa puso mo.
At hanggang kaibigan nalang talaga ako sayo.Ang hirap din pa lang pigilan ang nararamdaman ko para sayo.
Inaamin ko, sinubukan kong iwaglit ang nararamdaman ko sayo.
Pero makulit talaga si puso, kahit umiwas ako sayo.
Ikaw at ikaw parin ang hinahanap-hanap nito.Ngunit dumating parin ang araw na malaman mo ang totoo.
Na Hindi lang kaibigan ang turing ko sayo.
Pero nagulat ako, nagulat ako ng sabihin mong mahal mo rin ako.
Subalit bakit ganon? Ako ang mahal mo.
Pero sya ang nasa tabi mo.Ang Sabi mo maghintay ako, dahil humahanap ka lang ng tiyempo.
Kung paano mo tatapusin ang relasyon niyo.
Pero sawa na'kong maghintay.
Dahil araw-gabi na akong lumuluha ng walang humpay.Sawa nakong umasa.
Sawa nakong intindihin ka.
Sawa nakong masaktan pa.
Ngunit bakit ganon, Hindi ko kayang iwan ka?
Siguro dahil mahal lang talaga kita.
Sobrang mahal na mahal kita.
Kahit ang sakit sakit na.