Wala akong masabi sa story na to, basta enjoy na lang. Tahaha.. ^_^
~ PROLOGUE ~
Mabait..
Friendly..
Marunong makisama..
Maganda..
Sexy.. ('chos)
At higit sa lahat, I'm wild.. Rawr.. Pero hindi yung "wild" na iniisip nyo ha.. Yung wild na, palaban ba, para bang palagi na lang akong galit sa mga lalake.. Syempre may reason ako kung bakit ako galit sa mga lalake minsan.. Mamaya ko na lang ikukwento sa inyo.. Biography ko muna.. ^_^
I'm Jannica Leslie Cruz. My friends call me Jane. Simpleng babae lang naman ako na super friendly, pero pag ako ginago mo, kukunin ko yang kaluluwa mo. Pero syempre joke lang yun. Hanggang salita lang naman ako eh.
I'm 23 years old and yes, panganay ako sa aming 3 magkakapatid. Yung pangalawa kong kapatid ay ga-graduate na sa college, habang yung bunso naman 4th year high school pa lang. Retired na kasi yung papa ko kaya ako naman ang nagtatrabaho ngayon at ang nagpapaaral sa dalawa kong nakababatang kapatid. Actually ang trabaho ko ngayon ay isang flight attendant sa *** Airlines. At hoy, pang-international ako. Oha sosyal ano? Pero sa European at Southeast Asian countries lang ang pinupuntahan ng eroplano namin. At least sosyal pa rin. Marami na nga akong naiuuwing goodies mula sa United Kingdom of Great Britain at sa Cambodia. Mayaman na ang lola mo! Joke lang, di pa naman masyado. Sosyal na muna. :P
Ngayon, bakit nga ba ako galit na ngayon sa mga lalake? Dati naman kasi hindi ako ganun. Super friendly nga talaga ako eh. Kung hindi lang ako ginago nung ex ko. Yes, may ex na ako, palag ka? Actually first boyfriend ko nga sya eh. Tumagal kami ng 3-4 years ata. Kaya ko sya hiniwalayan dahil sa may nakita ako dati sa hotel nya na may kalampungan noon na syang ikinagalit ko ng sobra-sobra. Dahil nga sa inis ko nun nagawa ko pa syang sikmuraan eh. Niloko ako ng mokong na yun. Palibhasa gwapo eh. Nagpapatukso naman sa mga chicks na nakakasalubong o nakakausap nya. Hmp.. Kapal ng mukha sobraaaa!! Kaya ngayon hindi na ulit ako nagboyfriend pa kahit maraming nanliligaw sakin. Pake ko ba sa kanila, pakamatay na lang sila para masaya. Mwahaha, ang bitter ko no? :P
To be continued..
First chapter naaa.. Yay. x))
BINABASA MO ANG
Just fall in love again [on going series]
RomanceAnong gagawin mo kung yung ex-boyfriend mo na minsan ka nang niloko ay binalikan kang muli, pero ngayon seryoso na sya sayo? Magpapaloko ka ba ulit o susundin mo ulit ang tinitibok ng puso mo? "Kahit ilang beses mo pang sabihing hindi mo sya mahal...