"Haay, what a stressful flight! Grr.. Samahan pa ng bwisit na Derrick na yun. Tsk. Kainis talaga!" sa wakas, nakarating na rin kami dito sa Dublin. Hindi pa rin ako maka get over sa nangyari kanina. Urrgh. >.<
"Ahehe, okay lang yan, Jane. Eh teka, ano ba nangyari kanina, bakit inis na inis ka dun sa Derrick na yun? Sino ba sya, ex mo?" tanong sakin ni Ella.
"Hmm, oo eh..." tumungo na lang ako nung tinanong sakin ni Ella kung ex ko ba sya. "Pero wala na akong pakelam sa nararamdaman nya."
"Ah, ganun?"
"Hinde, joke lang."
"Sus, eto naman pilosopo. Pero ano ginagawa nya dun? Ay, baka sinusundan ka? Makikipagbalikan ata sya sayo eh!"
"WAPAKELS."
"Haha, Jane naman! Bakit galit na galit ka dun? May ginawa ba sya sayo?"
"Malamang, kaya nga binreak ko diba?"
"Ano ba ginawa nya?"
"Ayun, nakita ko kasi sya dati sa tinutuluyan nyang hotel, may kalampungan syang babae dun. Grabe ang laswa nga nila sobra eh. Nakakasuka. Galit na galit ako nun grabe. Hinabol nya nga ako nun tapos ineexplain nyang nalasing lang silang dalawa. Ano bang palusot yun no? Sa inis ko sinikmuraan ko sya eh."
"Ahhh, kaya pala nasabi mong manloloko yun. Onga no. Mga walang kwenta yung mga ganung lalake. Parami na nga sila nang parami eh. Ewan ko rin ba kung bakit ambilis nila magreproduct."
"Eh. Ibang topic na nga lang. Nakakainis kasi pag naaalala ko yun eh. Hmp..."
Papunta na kaming dalawa ni Ella sa tutuluyan naming hotel sa Dublin. Nung makarating na kami sa isang hotel nagpacheck-in na agad kami. Magkasama kami syempre sa iisang kwarto. Pagkarating namin sa kwarto namin, nagulat ako nang makita kong lumabas si Derrick sa katabing kwarto namin.
"Hoy! Ano na namang ginagawa mo dito? Nananadya ka bang talaga?" inis kong sabi kay Derrick.
"Bakit? Bawal ba akong magpahinga dito? Wag mo sabihing sayo rin itong hotel ah?" pang-asar nyang sagot.
"Urrrg! Bakit ba palagi na lang ganito!!" pumasok na lang ako sa kwarto namin dahil asar na asar na talaga ako.
"Pano ba yan, Jane? Keri mo ba yan?" tanong sakin ni Ella habang nagliligpit ng gamit namin.
"Nakakainis na talaga! Isa na lang! Isang-isa na lang, dadalhin ko na sa impyerno yang dugyot na yan!"
"Hahahaha, grabe ka talaga Jane. Ay, wait lang, may nakalimutan ata ako sa baba. Kunin ko lang saglit ah."
"Sige lang..."
Dahil sa sobrang pagod at inis ko humiga na muna ako sa kama at nagmumuni-muni. Andami ring tanong na pumapasok sa isip ko kung bakit palagi ko na lang nakikita si Derrick. Good timing ha. Good timing talaga. Urgh.
"Ay palaka mo!" nabigla na lang ako nang may biglang kumatok. Sarap sarap ng higa ko eh. Istorbo.
"At ano naman ang kailangan mo ngayon?!" pataray kong tanong kay, sino pa ba, edi si Derrick. =_=
"Ikaw..." paawa nyang sagot sakin.
"Get lost you freak! Nananahimik yung kaluluwa ko dito eh! Gusto tuloy pumatay ng isang dugyot na katulad mo!"
Isasara ko na sana yung pinto nang bigla nyang hinarang yung paa nya.
"Please Jane. Just give me one more chance!"
"Shut the f*** up!!"
"Jane, please..." ang tigas din ng isang to ah.
"Ano ba! Alisin mo nga yang paa mo! Kundi tutuluyan ko na yan!!" kumukulo na dugo ko sa kanya. Pramis. >.<
"Okay, fine..." hay, buti naman sumuko na din ang isang to. "I still love you Jane."
"GET LOST!!!" napasigaw na ko ng di oras at binato sa kanya yung baso dito pero nasara nya na yung pinto.
Grabe, dahil sa sobrang galit at pagod ko, hinigh blood pa ako ng Derrick na yun, napaupo ako at umiyak nang umiyak. Naiinis na talaga ako sa kanya. Bat ba ayaw nya akong tantanan?
"Hala, Jane anong nangyari sayo?" nagulat si Ella pagpasok nya nang makita nyang may basag na baso sa may pinto at ako na umiiyak. Pinuntahan nya agad ako at cinomfort nya ako.
"What happened here Jane? Tell me..."
"Ella, umalis na tayo dito sa hotel na to. Sa iba na lang tayo magcheck-in..." sabi ko sa kanya habang tuloy tuloy ang pagtulo ng luha sa mata ko.
"Uhh, okay. By tomorrow..." sagot nya habang yakap-yakap nya pa rin ako.
Kinabukasan umalis na kami sa hotel na yun at naghanap ng ibang hotel.
Pagkarating namin dun sa hotel na yun, hay salamat hindi ko na ulit nakita ang Derrick na yun. Matatahimik na rin ang kaluluwa ko. Thank God!
"Oh ayan, Jane. Mukhang wala nang "Derrick" na magpapakita pa ulit sayo dito." sabi sakin ni Ella.
"Oo nga eh. Salamat din sa wakas." nakangiti kong sabi sa kanya.
To be continued..
x)) kakatamad mag update :P
BINABASA MO ANG
Just fall in love again [on going series]
RomanceAnong gagawin mo kung yung ex-boyfriend mo na minsan ka nang niloko ay binalikan kang muli, pero ngayon seryoso na sya sayo? Magpapaloko ka ba ulit o susundin mo ulit ang tinitibok ng puso mo? "Kahit ilang beses mo pang sabihing hindi mo sya mahal...