~ Jane's P.O.V. ~
"Back to work na naman after may beauty rest... *yawn*" nagpahinga ako ng 1 week mula sa trabaho dahil syempre nakakastress ba naman ang palaging nasa eroplano. Right now, nandito ako ngayon syempre sa hometown ko, The Philippines! "Nako, 30 mins na lang maiiwanan na ako ng eroplano! Daliiii!!" hinihingal na ko sa kamamadali dito. Mukhang naliligaw pa ata yung necktie ko, ano ba yan! Buti na lang nahanap ko na kaagad. Tumakbo ako pababa ng hagdan at syempre hindi ko nakalimutang magpaalam sa parents at mga kapatid ko.
"Babye na po, mama, papa. Kayo ring dalawa ha, pagbutihin nyo pag-aaral nyo at alagaan nyo ring mabuti sina mama't papa." bilin ko sa dalawang kapatid ko.
"Ate, ate! Yung iPhone 4s na pinangako mo sakin ha!" kalabit sakin ng bunso kong kapatid na babae.
"Oo, ikaw pa! Basta makapasok ka lang sa top, may maiuuwi ako sayo."
"Yay! Sige ate! I love you!!"
"I love you din Eunice..." at umalis na ako sa bahay namin..
Buti na lang at hindi traffic, nakapunta agad ako sa airport. May 15 mins pa naman. Sinalubong naman ako ng kasama ko sa eroplano na si Ella na isa ring madaldal at hindi nauubusan ng chismis.
"Uy Jane! May kwento ako sayo! Alam mo ba....." chuva chuva, kung anu-ano sinasabi, umo-oo na lang ako. Kawawa naman yung tao kung hindi ako makikinig sa mga walang kwentang chismis nya. Pagbigyan ko na lang, tutal close naman kami eh.
"Oo nga pala, san tayo nakadestino ngayon?" tanong ko kay Ella pero tuloy-tuloy pa rin ang bibig nya sa kakadakdak kaya parang hindi nya ako narinig. "Huy, ano ba, san nga tayo papunta ngayon?" sinampal ko nga nang matauhan. Takte nakakairita bunganga nya eh. :3
"Ay! Sa Dublin daw..." sagot naman nya. "Ahh, okay..."
Dumeretso na agad kami sa eroplanong sasakyan namin at nag-ayos-ayos kaming dalawa. Make-up make-up lang, tali ng buhok, etc. pero eto talagang si Ella daldal pa rin nang daldal. Hindi ba napapagod panga neto? Jusko, parang walang bukas kung magkwento. End of the world na ba bukas? Grabe, kung pwede lang tahiin bunganga neto matagal ko nang ginawa eh. =_=
Nagsidatingan na rin yung ibang flight attendants at sumunod naman ang mga pasahero. "Jane, ikaw ulit ang mag-greet at mag-demonstrate mamaya ha." sabi sakin ni Jesse. "Ha, ako na naman?" reklamo ko. Palibhasa kasi ako lang maganda dito. De joke lang.
"Welcome aboard, welcome aboard, welcome aboard..." patamlay kong bati sa mga pasahero dahil paulit ulit lang naman ginagawa ko. Ako na lang palagi nag-gi-greet at nag-dedemonstrate ng safety measures sa mga pasahero. Nakakasawa na.
"Welcome abo---" teka, parang kilala ko tong taong to ah. Familiar sya sakin. Wait, si Derrick ba to? Yung ex ko?! WTF??? :O
To be continued..
Nyahaha, ang iikli ata ng mga chapters ko. Lol :P
BINABASA MO ANG
Just fall in love again [on going series]
RomanceAnong gagawin mo kung yung ex-boyfriend mo na minsan ka nang niloko ay binalikan kang muli, pero ngayon seryoso na sya sayo? Magpapaloko ka ba ulit o susundin mo ulit ang tinitibok ng puso mo? "Kahit ilang beses mo pang sabihing hindi mo sya mahal...